CHAPTER 47 ALAS kwatro na ng madaling araw ng magising siya araw iyon ng linggo kung kaya't maaga siyang bumangon upang mag simba. Mula kasi ng umuwi siya ng pilipinas nakagawian na niya ang magsimba tuwing linggo kaya naman tuwing sabado ng gabi. Maaga siyang natutulog upang may kumpleto pa rin ang tulog niya kahit alas kwatro siya ng madaling araw magising. Kung noon nagtitimpla siya ng kape para hindi siya sikmurain ngayon gatas na ang iinom niya. Pinagbabawalan siyang magkape ng O.B doktor niya. Nakapangalumbaba siya habang hinahalo niya ang gatas sa baso. Nakaupo siya sa tapat ng lamesa habang hinihintay na maluto ang sinaing niya. Isang beses lang siya magsaing at buong maghapon na niya iyon kakainin. Minsan kasi tinatamad na siyang magluto. Biglang tumunog ang cellphone niya at

