CHAPTER 46 “How’s Kenneth?” Tanong ni Arnold kay Vanessa habang nasa loob sila ng Restaurant. Lumungkot ang mukha ni Vanessa. “Ilang araw na siyang nagkukulong sa kanyang silid. Hindi na rin siya kumakain.” Hinawakan niya ang kamay ni Vanessa na nasa ibabaw ng table at tumingin siya rito. “Don’t worry i will do everything for Kenneth.” Ngumiti ito sa kanya. “Thank you!” “Let’s eat.” Sabi niya rito. Tumango-tango si Vanessa sa kanya. Madalas na silang nagda-date dalawa ni Vanessa kaya naman sinisikap niyang tumulong sa pamilya nito para mapasaya ang mahal niyang si Vanessa. Ramdam na ramdam kasi niya ang lungkot ni Vanessa para sa kapatid nito. “Bukas susunduin ko na ang Lola mo.” Sabi niya. Huminto sa pagkain si Vanessa. “Gusto kong sumama sa pagsundo kay Lola.” “I’m sorry Honey

