PHOENIX MARK SYSTEM

1239 Words
Nang makapasok si Li Xie sa system niya ay kaagad naman siyang nakahinga ng maluwag. Siguradong kung hindi niya kaagad napansin na kasama niya ang phoenix mark sa palapulsuhan niya ay mahuhuli siya ng mga taong iyon.   “Maswerte pa rin pala ako,” sambit niya sa kaniyang sarili.   Napalingon si Li Xie sa buong paligid at doon ay napangiti siya ng malungkot nang makita niya ang mga bagay na meron siya simula noong nadiskubre nil ani Li Muen ang kanilang system. Lumingon si Li Xie at doon ay nakita niya ang kaniyang mga kagamitan sa mediko, mga sandata na gawa nila ni Li Muen, mga instrumento sa musika.   Bukod sa pagiging isang mamatay tao o assassin, si Li Xie ay isang sikat na mang-aawit sa dati niyagn buhay at lahat ng kaniyang kanta ay siguradong nangunguna tuwing ilalabas ito. May mga nakakapagsabi pang may kung ano sa boses ni Li Xie na nakakapagpabigay ng kung anong pakiramdam sa isang nakikinig at nakadepende ito sa tema ng kanta.   “It sure brings the memories back,” sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.   Napangiwi naman siya nang maramdaman niya ang kakaibang sakita sa kaniyang tagiliran at doon lamang niya napansin na may saksak pala ang katawan niya.   “Oh gosh, mukhang pati dito ata nadala ko ang pagiging manhid ko sa sakit ng mga ganitong klaseng sugat,” sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.   Naglakad si Li Xie papunta sa kaniyang mga gamot at kinuha ang mga gagamitin sa paglinis ng sugat. Dahil isa si Li XIe na eksperto pagdating sa panggamot ng kahit na anong klaseng sugat ay alam niya sa unang tingin pa lamang kung may mga komplikasyon o wala kaya naman napabuntong hininga siya ng makitang walang natamaan na kahit na anong mahalagang ugat sa pagsaksak.   “Those bastards. Kung papatay sila siguraduhin naman sana nila na mapapatay—” napatigil naman si Li Xie sa paglilinis ng sugat sa kaniyang tagilidran. “Wait, hindi ang pinaka vitals ang talagang gusto nilang tamaan,” sambit ni Li Xie.   Doon ay may kung ano siyang naalala. Ang mga pangkaraniwang magic user ay nasa kanialng kanang tagiliran ang core nila at ang mga nasa tagiliran ang core ay walang kakayahan na mag-advance kaya naman ginagamit lang sila sa pang-araw araw na buhay. Ang pangalawa naman na lugar na binabagsakan ng magic core ng isang magic user ay ang leeg at isa sa isangdaang porsyento lamang ang mayroon nito.   Kapag natamaan o nasira ang magic core ay may iba’t iba itng epekto sa katawan ng magic user. Kung ano ang mga ito ay hindi pa ito alam ng dating Li Xie kaya naman napasimangot si Li Xie. Nang malinis na ni Li Xie ang sugat ay kaagad naman siayng nagpahinga.   Hindi pa siya pwedeng bumalik dahil ramdam na ramdam pa niya ang mga tao sa labas ng kaniyang system. At base sa nararamdaman niya ay ang mga taong ito ang gusto siyang patayin. Hindi lang iyon, naramdaman din naman ni Li Xie ang presensya na pamilyar at hindi pamilyar sa kaniya ngunit hindi niya malaman kung sino iyon.   “I guess lalabas na lamang ako kapag magaling na ako para naman makalaban ako,” sambit ni Li Xie at saka siya nagsimula nang maghubad.   Nang makahubad siya ay kaagad siyang kumuha ng towel at damit na binigay sa kaniya ni Li Muen noon. Karamihan sa mga ginagawa ni Li Muen ay mga tradisyonal na damit ng iba’t ibang mga bansa kaya naman nang magpunta silang dalawa sa ibang bansa ay sobrang dami ng inspirasyon na nakuha si Li Muen.   Nang mapunasan na ni Li Xie ang kaniyang katawan at kumuha ng isang purong putting damit na hanfu ay naglakad siya papunta sa lugar kung saan pwede siyagn magpunta sa system ni Li Muen.   “Sana narito ka rin sa mundong ito, Muen.” Naglalakad na sambit ni Li Xie.   Kaagad naman na nalungkot si Li Xie nang makita niya na may makapal na bakal na nakaharang dito at hindi na niya magawang makita ang nasa kabila. Napakagat siya ng labi at namula ng kaunti ang mata dahil sa pangingilid ng kaniyang luha.   “Ibig sabihin wala pa rito si Muen,” sambit niya habang nakatingin sa malaki at metal na nakaharang sa system niya at sa system ni Li Muen.   Kumuha si Li Muen ng isang noodles at niluto niya iyon saka siya kumain at nahiga sa isang higaan na nilagay niya noon.   “I never thought na magiging ganito ang lahat,” sambit ni Li Xie habang nakatitig sa kisame ng kaniyang system. “Amy, kapag talaga ako ay nakabalik sa mundong iyan sisiguraduhin ko na maghihirap ka talaga. Sisiguraduhin ko na manghihingi ka ng tawad sa amin ng pinsan ko,” may talim na sambit ni Li Xie.   Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ni Amy sa kanila gayong hindi nila matandaan na may ginawa silang dalawa ni Li Muen para ikagalit niya. Ang ginawa lang naman nila ay ang pagtapos ng kanilang misyon ng walang problema kaya naman malaking palaisipan para kay Li Xie ang pagpatay sa kanila ni Amy.   ‘Was that because of our boss?’ tanong ni Li Xie sa kaniyang isipan at napaisip. ‘Pwede rin. After all, that man is not a good guy,’ she answered to her question. ‘If I came back and proved that they wronged us, I will make them pay,’ dagdag pa niya.   Kahit na malalim ang galit na meron kay Li Xie ay hindi niya maipagkakaila na kung hindi na man niya mahahanap ang kaniyang daan papunta sa dati niyang mundo ay sisiguraduhin na lamang niya na mabubuhay siya ng matiwasay sa mundong ito. Hindi rin niya hahayaan na may mga taong magmamaliit sa kaniya.   Napagdesisyunan na ni Li Xie na gagawin niya ang lahat para maging malakas, para maligtas ang mga mahal sa buhay ng dating Li Xie at para na rin mahanap niya ang ama niya at malaman ang tungkol sa kaniyang ina. Pero sa ngayon, kailangan muna niya magpalakas.   Ilang araw ang nakalipas at talagang pinagaling ni Li Xie ang kaniyang sarili para kung sakali man na lalabas na siya sa kaniyang system ay magagawa na niyang makalaban. Nadiskubre din naman ni Li Xie na ang kaniyang magic core ay wala sa kaniyang tagiliran kundi nasa kaniyang kaliwang palad. Dahil dito ay sinuot niya ang isang fingerless gloves upang maitago ito. Noong una ay hindi napansin ng mga taong gustong pumatay sa kaniya dahil mayroon itong tela na nakabenda. Ang akala ng mga gustong pumatay kay Li Xie ay may sugat ito kaya hindi nila pinansin.   Nang tanggalin ni Li Xie ang telang iyon ay doon nakita niya ang isang maliit na kulay puting dyamante. Nang titigan ito ni Li Xie ay naramdaman niya ang kakaibang lakas nito at dahil sa memorya ay nalaman ni Li Xie na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakakontrol ang mga magic user ng elemento.   Lumipas ang apatnapu’t isang araw at apatnapung gabi ay nagbalik na sa dating pangangatawan si Li Xie. Alam na rin naman niya na hindi na siya hahanapin pa ng mga taong gustong pumatay sa kaniya dahil akala nila ay patay na ito.   ‘I think I have to go out na,’ sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.   “But first, I have to think of what I should do first,” sambit naman niya sa kaniyang sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD