LEARN

1146 Words
Sunog na ang bahay na pinagdalahan sa kaniya ng mga taong gustong pumatay sa kaniya nang makalabas siya sa kaniyang system. Tanging abo na lamang ang natira sa bahay at nang lumingon siya sa paligid ay doon lamang napagtantong nasa gitna ng kagubatan ang bahay na iyon.   “Oh gosh, don’t tell me papalakarin ninyo ako sa gubat para lang makalabas?” taas kilay na sambit ni Li Xie.   Bilang isang dating mamatay tao sa dilim ay malakas ang kaniyang pakiramdam kaya naman nang maramdaman niya na may paparating ay kaagad siyang umalis.   “Sigurado na ba talaga na patay na ang babaeng iyon?” tanong ng isang lalaki.   Nang sumilip si Li Xie ay nakita niya ang dalawang lalaki na nasa gitna ng bahay. Nakita nilang dalawa ang inapakan ni Li Xie kaya naman nagkatinginan silang dalawa at tumingin sa paligid. Pumikit pa ang isang lalaki kaya naman pinilit ni Li Muen an itago ng maigi ang kaniyang presensya.   “Wala akong maramdaman sa paligid,” sambit ng isang lalaki.   A magician? Takang tanong ni Li Xie habang nakatingin sa lalaki na pumikit. Napangiti naman si Li Xie dahil hindi siya naramdaman nito. Isa lang ang ibig nitong sabihin para kay Li Xie, ang kaniyang kakayahan bilang isang mamatay tao sa dilim ay hindi pa rin kumukupas.   Nagtatalon si Li Xie sa bawat sanga as puno. Wala siyang oras para magtagal pa roon dahil kung hindi siya aalis kaagad ay mapapansin na siya ng lalaking may kakayahan na gumamit ng magic.   ‘Una, kailangan ko maghanap ng isang lugar na pwede kong pag-ensayuhan habang nag-aaral ako,’ sambit ni Li Xie.   Habang nagtatalon si Li Xie sa puno ay mayroong bumungad sa kaniya na isang ahas na hindi kalakihan at dahil sa inaasahan na niya ang ganitong klaseng eksena ay kaagad naman niyang ginamit ang kaniyang dagger. Ang dagger na ito ay gawa sa kaniya ni Li Muen kaya naman malaki ang pagpapahalaga niya rito, lalo pa ngayon na hindi sila magkasama at hindi alam ni Li Xie kung magkakasama pa ba silang dalawa.   Nang makarating si Li Xie sa isang kweba ay kaagad siyang pumasok doon ngunit pinilit naman niya na mawalan siya ng presensya, at dahil sa isa siyang dating mamatay tao ay sanay na siya sa dilim ang problema lang ay ang bago niyang katawan kaya naman kaagad niya itong sinanay.   ‘Mukha atang walang kung ano dito,’ sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan ng wala siyang maramdaman na kahit na ano sa paligid.   Kaagad naman na bumuntong hininga si Li Xie at saka umupo at umupo at pinag-krus ang paa. Pumikit si Li Xie at saka pinakiramdaman ang kaniyang sarili. Ito ay base lamang sa nasa memorya ng dating Li Xie. Hindi makapag-advance si Li Xie dahil sa lason na nasa katawan nito at dahil sa kaalaman ni Li Xie sa acupuncture ay nagawa niyang alisin ang alson na naghahadlang sa katawan ni Li Xie na mag-advance.   Pinakiramdaman ni Li Xie ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa kaniyang buong katawan at dahil sa sensasyon na iyon ay nalimutan na ni Li Xie ang oras. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay napangiti na lamang si Li Xie.   “Level three eh,” sambit ni Li Xie habang nakatingin sa kaniyang sarili.   Sa lebel na ito ay alam ni Li Xie na kailangan lamang niya na kontrolin ang kaniyang mana, at kailangan din naman sa lebel na ito na ikondisyon ang isipan at pisikil ng isang magic user. Kaya naman nang matapos si Li Xie na makapag-advance ng walang problema ay kaagad naman siyang tumayo at nagsimulang mag-ensayo.   Nang makaabas si Li Xie sa loob ng kweba ay nakita niyang madaling araw na at pasikat na ang araw kaya naman sinimulan na lamang ni Li Xie na magtatakbo. Pagkatapos noon ay kinuha niya ang kaniyang dagger at saka nagsimulang mag-ensayo. Ang kailangan lamang ni Li Xie ay matamaan ang mga nalalaglag na dahon.   Sa unang subok ay hindi ito magawa ni Li Xie ngunit makalipas ang isang oras ay nagawa na rin naman ito ni Li Xie ngunit hindi ito madali ang pagtama at paghati sa dalawang dahon ng sabay dahil sa hangin na hindi malaman kung kelan at saang dereksyon iihip.   Nang matapos iyon ay kaagad siyang bumalik sa kweba at pumasok sa loob ng system para maligo at magpalit ng damit. Nang matapos naman ay kaagad siyang lumabas sa system at doon ay naupo siya at sinubukan na kontrolin ang mana na nasa kaniyang katawan.   Ang unang stage ng magic ay ang basic kung saan may lima itong lebel. Ito ang pinaka madaling pag-aralan at pinaka kailangan sa pag-aaral ng magic at sa pundasyon mo sa basic ay doon makikita kung hanggang saan ang kaya mo na gamiting magic. Ang mga taong kinaligtaan ang pundasyon at kaagad na gumamit ng malalakas na magic ay hindi na nakakaalis pa sa special stage. Bukod pa roon, may iilan din naman na nawawalan ng kakayahan na gumamit at magmanipula ng mana kaya naman ang pundasyon at ang unang lebel ang siyang pinaka mahalaga sa lahat.   Ang basic stage ang karaniwang tinatawag na primary o elementary level ng mga malalakas na magic user at mas may kapilidad na maging isang malakas na magic user. Ang karaniwan na inaaral dito ay ang pag-intindi ng mga bagay na kaugnay sa magic at sa basic level, dito rin ay inaaral ang pagkontrol ng mana, at pag-aaral ng mga pangunahing kailangan bago mag-cast ng mga magic. Dito rin ay inaaral kung ano ang pinagkaiba ng mga caster at non caster na magic user. Ang basic level ay siyang pinaka pundasyon ng magic at pinaka unang kailangan na malampasan ng lahat ng magic user.   Iminulat ni Li Xie ang kaniyang mga mata at nakita niya na may isang lalaki na nakatayo sa bukana ng kweba at pinapanood siya. Dahan dahan man na tumayo si Li Xie at kalmado na tinitigan ang lalaking nakatingin din sa kaniya.   “May problema ba?” tanong ni Li Xie. “Hindi mo ba alam na masama ang tumitig sa ibang tao?” taas kilay na tanong ni Li Xie.   Napangisi naman ang lalaking ito at saka lumapit kay Li Xie. Dahil doon ay kaagad na inilabas ni Li Xie ang kaniyang dagger at kaagad naman na napatigil ang lalaki sa paglalakad at itinaas ang kanyang kamay.   “Kalma, wala akong balak na makipag-away,” sambit ng lalaki.   Umayos ng tayo si Li Xie ng tayo ngunit hindi pa rin niya inalis ang pagiging alerto at ang kaniyang dagger sa kaniyang kamay. Napangiti naman ang lalaki nang makita niya ito.   “Tuturuan kitang gumamit ng mahika sa isang kondisyon,” sambit ng lalaki.   Tumaas naman ang kilay ni Li Xie, “Hindi ko kailangan ang tulong mo—”   Kaagad naman siyang napatigil nang makita niya ang dalawang klase ng elemento sa magkabilang kamay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD