Kristoff picked me up early to take me to the hospital. We held hands when we went inside and I glanced at him with a smile.
"Oh si Doctor Miller 'yon di ba?" Turo ni Kristoff habang naglalakad kami patungo sa aking opisina. Naka scrub suit ito at mukhang sasabak pa lang sa kan'yang surgery. Hinagod ko naman ito nang tingin at biglang kumalabog na naman ang puso ko ng bigla s'yang tumingin sa gawi namin. "Doctor Miller!" Tawag ni Kristoff at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa kan'ya nang mapatingin s'ya sa magkahawak naming kamay.
"Kristoff," mahina n'yang bati nang makalapit na s'ya sa amin.
"Mukhang may surgery ka ah"
"Ah yes, papunta na 'ko ngayon sa O.R"
"Sayang hindi tayo nagkita noong nakaraan"
"Bakit anong meron?"
"Birthday kasi nitong si Louise, imbitahan sana kita for dinner." Kunot noo naman akong tinitigan ni Doctor Miller na para bang nagtataka sa kan'yang narinig.
"B-birthday ni Louise?"
"Oo Doctor Miller, muntik na nga n'ya makalimutan kung hindi ko pa s'ya pinadalhan ng mga bulaklak." Nangingiting wika ni Kristoff. Ano bang problema n'ya bakit parang nagulat s'ya? Tanong ko sa aking isip.
"T-tara na Kristoff baka kasi marami na 'kong pasyente" yaya ko na kay Kristoff dahil pakiramdam ko sasabog na 'ko sa sobrang kaba at klase ng mga titig n'ya.
"Sige Doctor Miller mauna na kami ha? Kita na lang ulit tayo sa susunod." Hinila ko na si Kristoff at hindi ko na hinintay pang magsalita si Doctor Miller. Nasa opisina na kami at naupo ako kaagad sa aking upuan, taka naman akong tinitigan ni Kristoff na nakahalukipkip pa ito sa aking harapan.
"What happened love?"
"Nothing," pagsisinungaling ko.
"May dapat ba akong malaman?" Gulat ko s'yang hinarap at huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"He's the one I'm talking about, 'yong antipatiko," napangiti naman s'ya at umupo sa aking harapan.
"Mukha naman s'yang mabait love, baka hindi lang talaga maganda ang unang pagkikita n'yo kaya gano'n ang first impression mo sa kan'ya." Tumango lang ako sa kan'ya at tipid na ngumiti. "Try mo makipagkaibigan sa kan'ya to know who really is"
"What?"
"Sige na love aalis na 'ko malelate na rin ako sa opisina eh baka mapagalitan pa 'ko ni daddy." Hinalikan naman n'ya 'ko sa aking noo at lumabas na rin ng opisina ko. Paroo't parito naman ako sa loob ng aking opisina at hindi mapakali.
"My god Louise bakit ba nawawala ka sa sarili mo kapag nakikita mo s'ya?" Tanong ko sa aking sarili. "Hindi dapat ako maging marupok, kung ano ako sa kan'ya noon dapat gano'n din ako ngayon." Malapit ng mag-alauna ng mapagpasyahan kong bumaba at pumunta sa canteen dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Hindi pa ako nanananghalian dahil ang dami ko rin naging pasyente. Napahinto akong bigla nang makita si Sha-Sha kasama si Doctor Miller. Tulala ako habang pinagmamasdan silang palabas ng ospital. Nakaangkla naman si Sha-Sha sa braso ni Doctor Miller habang s'ya ay nakangiti rito. "P-paanong? Sadyang tanong ko sa aking sarili habang tinatanaw sila sa malayo. Bigla namang nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak na lang sa pader upang hindi ako tuluyang bumigay. Ibig sabihin ba nito si Doctor Miller ang tinutukoy ni Sha-Sha na gusto n'ya? Bumalik na lang ako sa aking opisina dahil nawalan na ako nang gana kumain dahil sa aking nakita. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako o ano? Wala naman akong karapatang magselos at malaya s'yang gawin kung sino man ang gustuhin n'ya. Una sa lahat hindi ko s'ya kasintahan at pangalawa hindi ko s'ya p'wedeng mahalin na dapat kay Kristoff ko ito nararamdaman.
Wallace POV
Tulala akong nakaupo sa aking swivel chair at pinaglalaruan ang aking ballpen na hawak ko. Katatapos lang ng aking surgery at kaagad akong tumungo dito sa opisina ko. Napabuntong hininga ako at sinabunutan ang aking buhok. Naguguluhan ako dahil hindi lang basta sila magkamukha kundi pareho pa sila ng kaarawan. This is not only a coincidence, I need to find out who is Louise Alcantara, sabi ko sa aking isipan. Napabalik lang ako sa huwisyo ng may biglang kumatok sa aking opisina.
"Come in"
"Good afternoon Honey!" Bati ni Shania pagkabukas n'ya ng pintuan. Nagulat naman ako at napatayong bigla dahil hindi ko inaasahang pupunta s'ya rito.
"Halika pasok ka, anong ginagawa mo dito?"
"Ayaw mo ba? Nakakaistorbo ba ko?" Nakanguso niyang turan sa 'kin.
"H-hindi naman"
"Yayayain sana kitang maglunch p'wede ka ba?"
"Aaahmm, ano kasi eh..."
"Sige na please?" Napabuntong hininga na lang ako at pumayag na rin sa alok n'ya. Maigi rin naman 'to para kahit papano ay makalimutan ko si Louise. Palabas na kami ng ospital ng bigla s'yang umangkla sa 'kin na ikinagulat ko. Nakangiti lang n'ya ko tinignan kaya hinayaan ko na lang s'ya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong n'ya sa 'kin habang nakatuon ang tingin n'ya sa menu.
"Ikaw na ang bahala"
"Talaga? Pa'no kung ikaw ang gusto kong kainin?" Napangisi naman siya at ako ay parang wala lang sa akin ang sinabi n'ya.
"Stop kidding me," sabay irap sa kan'ya.
"Ito naman binibiro ka lang eh, heto na oorder na po."
Tahimik lang kaming kumakain at parang wala rin naman ako sa mood kumain dahil hindi maalis sa isip ko si Louise. Ang birthday n'ya at ang birthday ng asawa ko ay parehong-pareho. Something is not right. Napansin naman ni Shania ang pagkabalisa ko.
"Hey Doctor Wallace are you okay?"
"Ah, y-yes!"
"Hindi mo ba gusto 'yong pagkain? Sabi mo kasi ako na ang bahala umorder eh"
"Hindi naman may iniisip lang ako"
"Naku ha kaharap mo na 'ko iniisip mo pa 'ko," natawa naman ako sa biro ni Shania at pinagpatuloy na lang ang aking pagkain.
"Salamat Doctor Wallace at pinagbigyan mo 'ko!" Wika ni Shania ng nasa may pinto na kami ng ospital.
"No worries"
"Siyanga pala Doc may kaibigan din akong nagtatrabaho d'yan eh next time ipapakilala kita sa kan'ya. Tumango lang ako sa kan'ya at nagpaalam nang papasok na sa loob. Hindi muna ako nagtungo sa aking opisina at dumeretso na muna ako sa rooftop nitong ospital, tutal wala naman masyadong pasyente. Pagkarating ko sa rooftop ay may napansin naman akong isang babae na nakatalikod. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa na suot niyang white coat. Nakakaaliw s'yang pagmasdan sa malayo habang hinahangin ang hanggang balikat n'yang buhok.
"Celestine," tanging lumabas sa aking bibig. Unti-unti naman akong lumapit sa kan'yang kinaroroonan ng hindi n'ya namamalayan.
"Totoo nga talagang babaero s'ya," narinig kong sabi n'ya sa kan'yang sarili. Sino bang tinutukoy n'ya boyfriend n'ya? "Hindi ko s'ya gusto okay? Hindi ko s'ya gusto!" Pagkasabi niyang 'yon ay bigla siyang napaharap sa akin at nagulat s'ya nang makita niya ako sa kan'yang likuran, kaya napaatras na lang siyang bigla at muntik ng matumba. Mabuti na lamang at mabilis ko s'yang kinabig palapit sa akin kaya napasubsob siya sa aking dibdib. Rinig ko ang kapwa t***k ng aming puso. Ibig bang sabihin nito ay pareho kami nang nararamdaman para sa isa't-isa? Alam ko noong una palang ay wala na s'yang pagtingin kay Kristoff dahil kay Kristoff ko narinig ito noong hindi ko pa nakikilala si Louise. At ayoko rin namang kunin ang pagkakataong ito. Mabait si Kristoff at alam kong mahal na mahal n'ya si Louise. Ayokong makasakit ng damdamin ng iba. Pero paano naman ang damdamin ko? Paano ko ito maipapaliwanag? Masasaktan na naman ba ako sa pagkakataong ito? Dahil sa pagkagulat ay naitulak n'ya akong bigla at umiwas ng tingin.
"S-sige mauuna na 'ko," hindi pa s'ya nakakalayo ng muli ko s'yang tawagin.
"Doctora Alcantara!" Napahinto s'ya at hinarap naman ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya, at sa aking paglapit ay siya namang pag-atras niya. Napasandal s'ya sa pader ng wala na siyang maatrasan at matamang nakatitig sa akin.
"A-ano bang p-problema mo?" Nauutal n'yang turan.
"I want to confirm something."
"A-ano 'yon?"
"This," hinapit ko s'ya sa kan'yang bewang at mabilis na hinalikan. Ramdam ko ang init ng kan'yang mga labi. Masasabi kong iba ang halik niya sa halik ni Celestine. At iyon ang kanilang pinagkaiba. Hinalikan ko siya sa paraang alam ko at wala naman akong narinig na pagtutol n'ya. At ngayon kumpirmado ko na kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kan'ya hindi dahil sa kamukha n'ya si Celestine kung hindi dahil siya si Louise Alcantara.