CHAPTER 16

1408 Words
Pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak ako dahil kanina pa nanlalambot ang aking mga tuhod. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa nangyari sa amin kanina ni Doctor Miller sa elevator. "Anong ibig n'yang sabihing pagsisisihan ko? At ano ang h'wag ko nang uulitin?" Mga tanong na gumugulo sa aking isip habang tinutungo ko ang aking opisina. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng aking opisina ay bumungad sa akin ang bouquet ng red roses na nakapatong sa aking lamesa. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay sa sobre. "To the most beautiful girl I've ever met" "Happy birthday Doctora Louise Alcantara, mas maganda sigurong pakinggan kung magiging Mrs. Jimenez ka na. I love you so much love!" Nasapo ko naman ang aking dibdib dahil parang may kung ano ang tumusok sa aking puso. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, naguguluhan ako. Naguiguilty ako dahil pakiramdam ko pinapaasa ko lang si Kristoff, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya na ang saya-saya kapag kasama n'ya 'ko. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang mahalin ako at pasayahin ako. Pinagsusuntok ko ang aking dibdib at napatutop sa aking bibig para pigilan ang aking pag-iyak. Bakit kasi sa iba ko pa naramdaman ito? Kung p'wede namang s'ya na lang. Siya na palaging nasa tabi ko, at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at intindihin ako. Samantalang ako, sa iba tumibok ang puso ko. Napayuko ako sa aking lamesa at tahimik na umiiyak. At ng medyo nahimasmasan na ako ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag at dinial ang numero ni Kristoff. Nakakailang ring pa lang ay kaagad naman n'ya itong sinagot. "Hi love! Did you receive my gift?" Masayang bungad n'ya sa'kin. Pilit ko namang pinakakalma ang aking sarili. "Ang ganda sobra! Nakalimutan kong birthday ko nga pala," natawa naman ako ng pagak. "Masyado ka na kasi naging busy kaya nakakalimutan mo, pati nga ako nakakalimutan mo na eh," may himig na pagtatampo niyang turan. "Sus nagtampo ang bata! Magdinner na lang tayo mamaya nila mamu Dyosa at mamu Edna magbobook na lang ako sa restaurant. "Okay love! Sunduin ko muna sila mamu tapos puntahan ka namin d'yan mamaya sa ospital" "Okay po." Pagkatapos kong makipag-usap kay Kristoff ay muli kong binalingan ang bulaklak na bigay n'ya. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik sa kan'ya ang kabutihang binibigay n'ya sa amin nila mamu. Iyong pagmamahal ko na sana ay ibibigay ko sa kan'ya sa iba ko naman naramdaman. Hindi ko mawari kung paano nangyari, basta ko na lang naramdaman na meron na pala akong kakaibang nararamdaman para kay Doctor Miller. Kailangan kong magkunwari sa nararamdaman ko. Ayokong masaktan si Kristoff, ayokong makasakit. "Happy birthday anak!" Masayang bati sa 'kin ni mamu Dyosa at mamu Edna. Kasalukuyang kakarating lang nila dito sa aking opisina kasama si Kristoff. "Thank you po mga mamu!" Niyakap ko naman sila ng mahigpit at hinalikan naman ako ni Kristoff sa aking pisngi. "Hay naku mamu Dyosa, mamu Edna kung hindi ko pa s'ya binati kanina hindi n'ya maaalala na birthday pala n'ya" natatawa niyang turan. "Naging busy lang kasi ako kaya hindi ko naalala" "Anak nagkakaedad ka na, panahon na siguro para mag-asawa ka," natigilan naman ako sa sinabi ni mamu Edna at tinignan si Kristoff na nakaakbay sa 'kin. "Don't worry mamu darating din kami sa part na 'yan ni Louise, ayoko lang s'yang mapressure right love?" Tanging ngiti lang ang tinugon ko kay Kristoff. Habang naglalakad kami palabas ng ospital ay kinuha ko naman ang kamay ni Kristoff na s'yang kinagulat n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya at pagkuwa'y pinagsiklop ko ang aming mga kamay. Kita ko sa mukha niya ang saya, dahil kahit minsan ay hindi ako ang nauunang gumawa sa kan'ya noon. Pagkatapos naming kumain sa labas ay hinatid naman kaagad kami ni Kristoff sa bahay, nauna nang pumasok sila mamu at kami naman ni Kristoff ay nakatayo sa tapat ng gate. "Thank you Kristoff ah, napasaya mo 'ko." "Basta ikaw love, alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo, because I want you to be happy," seryosong wika sa akin ni Kristoff. Wala sa sarili kong niyakap si Kristoff na alam kong kinagulat niya. "I'm sorry Kristoff, nasabi ko na lang habang nakayakap pa rin sa kan'ya. "For what?" "For everything," unti-unti naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin at hinarap ako. "I forgive you Louise, but promise me you'll never leave me." Nanatili lamang akong nakatitig sa kan'ya at hindi alam ang isasagot. Marahan akong tumango sa kan'ya at muli n'ya akong niyakap at hinalikan ang aking tuktok. Ayokong paasahin si Kristoff, pero ayoko rin s'yang masaktan. Bago ako matulog ay bumaba muna ako para uminom ng gatas. Naabutan ko naman si mamu Dyosa sa kusina at nagkakape. "Mamu Dyosa bakit gising ka pa? Baka hindi ka naman makatulog n'yan kakakape mo?" "Mas lalong hindi ako makakatulog kapag hindi ako nagkakape," napailing na lang ako sa kan'ya. Tumabi ako kay mamu Dyosa pagkatapos kong magtimpla ng gatas. "Mamu, mahinang tawag ko. "Yes anak? "Mamu, tama po bang pilitin ang sarili kong mahalin si Kristoff?" Taka naman akong sinulyapan ni mamu Dyosa. "Anak magsabi ka nga sa'kin ng totoo, may iba ka bang nagugustuhan?".Gulat ko s'yang tinitigan at maya-maya ay napaiwas din ako ng tingin. "Louise, kung may ibang nilalaman 'yang puso mo, mas maigi pang malaman n'ya kaagad kaysa paasahin mo 'yong tao." "Pero masasaktan ko s'ya mamu, hindi niya deserve masaktan. Deserve n'yang mahalin pero hindi ko sinasadyang maramdaman 'to sa iba." Naluluha kong saad kay mamu Dyosa. "Louise, may mga pagkakataon talaga na hindi natin sinasadyang mangyari. Pero mas maigi siguro anak na magpakatotoo ka sa kan'ya kaysa naman umaasa siya sa pagmamahal mo na hindi mo naman maibigay sa kan'ya kasi iba ang nilalaman n'yang puso." Niyakap akong bigla ni mamu Dyosa at hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Si Kristoff na walang ginawa kundi ang mahalin ako at mapasaya ako, ngunit hindi ko magawang ibalik sa kan'ya kung ano man ang binibigay n'ya sa'kin ngayon. "Hi ma! Ang aga n'yo ata?" Sinalubong ko naman si mama nang makapasok na s'ya sa aking opisina. Hinalikan ko s'ya sa pisngi at naupo naman kami sa sofa. "Busy ka pa ba?" "No ma, actually paalis na rin naman ako. Ano po pala ang ginagawa niyo dito?" "Kagagaling ko lang sa puntod ni Celestine, it's her birthday hijo." "Yes ma, it's her birthday anyway," malungkot kong saad kay mama. "Kung nasaan man s'ya ngayon anak, I know she's happy right now kasi nakikita niya na unti-unti ka nang bumabangon." Ngumiti ako kay mama at naalala si Louise. Ang kaninang mga sinabi niya ay paulit ulit kong inaalala. Ibig sabihin din ba nito ay may nararamdaman din siya para sa'kin? Paano? Bakit? Samantalang inis na inis s'ya sa'kin sa tuwing magkikita kami. Sabay naman kaming lumabas ni mama ng ospital, para pumunta sa bahay nila, doon kami magdidinner para i-celebrate ang birthday ni Celestine. Nasa parking lot na kami ni mama at papasok na 'ko ng aking sasakyan ng mapadako ang tingin ko kay Doctora Louise sa 'di kalayuan sa amin. Napadako naman ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay ni Kristoff. Napakuyom ako ng palad at napaiwas na lang ng tingin. Wala akong karapatang magselos, una sa lahat hindi ko s'ya pag-aari at pangalawa hindi ko s'ya p'wedeng mahalin dahil pag-aari na s'ya ng iba. Mabuti na lamang ay nauna nang pumasok si mama ng kotse, dahil kapag nakita niya si Louise I'm sure magugulat din s'ya dahil sa pagkakatulad nila ng itsura ni Celestine. After we celebrated Celestine's birthday I went upstairs and went to my old room. I went straight to my walkin closet to change my clothes. I still have some clothes in the cabinet. Then I opened the drawer to get my boxer shorts, but when I opened the drawer, I saw Celestine's diary. I stared at it for awhile and took it. I smiled when I read the cover of her diary. "Personal property of Mrs. Celestine Anne Ordonez Miller," mahinang basa ko. "I miss you, happy birthday in heaven my wife. Thank you. Thank you because I know you sent her to me. I'm sorry dahil hindi kami p'wede, I can't love her." Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa aking pisngi. Mahigpit kong niyakap ang diary ni Celestine at pumikit ng mariin. Sa pagkakataong ito nararanasan ko na namang magmahal at masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD