CHAPTER 6

1299 Words
"Siyanga pala Jake bakit wala si Roco dito? Kasalukuyang nandito kami sa kan'yang Bar at napansin kong iba ang nasa bar counter. "Pumunta muna ng Isla Montealegre dahil may aasikasuhin lang daw siya saglit doon" maya-maya ay may biglang tumawag sa akin sa di kalayuan. Hindi ko naman ito maaninaw dahil may kadiliman din sa kanilang pwesto kaya siya na rin ang lumapit sa aming pwesto. Doon ko na lang siya nakilala nang mapagsino ito. "Kristoff? "Kumusta Doctor Miller? "Ayos naman, sino nga palang kasama mo? I'm with my employees birthday kasi noong isang employee ko niyaya ako kaya heto nandito ako ngayon" nakangiti niyang saad sa akin. "Halika upo ka muna" yaya ko naman sa kan'ya at umupo siya sa aking tabi. "Kilala mo na si Jake right? "Ah yes, pare! Nakipagkamay naman siya kay Jake at tinanggap naman nito. "Okay lang ba na nandito ka? Hindi ka ba nila hahanapin? "Okay lang 'yon, saka busy rin sila sa kani-kaniyang girlfriend nila" "Bakit hindi mo nga pala kasama 'yong girlfriend mo? "May report pa daw kasi siyang gagawin, alam mo naman workaholic din yon" natatawa niyang turan sa 'kin. "Ikaw Doctor Miller may girlfriend ka na? Pareho kaming natahimik ni Jake sa tanong ni Kristoff. Napansin naman niya ito. "Ah s-sorry ah, may mali ba sa tanong ko? Magsasalita na sana ako nang si Jake na ang sumagot. "He doesn't have a girlfriend, pero meron siyang asawa. She died two years ago. "I'm sorry Doctor Miller" "Okay lang Kristoff" sumimsim naman ako ng alak at ngumiti sa kan'ya ng pilit. "But one day I saw someone who looked like her". "Talaga? So, ano daw ang pangalan niya? "I don't know, ayaw niyang sabihin sa 'kin saka narinig ko na 'yong pangalan niya noong una ko s'yang makita kaso nakalimutan ko lang, at isa pa napaka sungit niya". Opposite siya ng asawa ko". "Naku Doctor Miller hindi kaya may kakambal 'yong asawa mo? "Walang kakambal ang asawa ko, saka tatlo lang silang magkakapatid at bunso ang asawa ko" paliwanag ko kay Kristoff. "Alam mo Wal why don't you ask tita Celicia para maliwanagan ka? Jake is right I'm going to ask mama Celicia, para matapos na rin itong gumugulo sa isipan ko. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay nila mama Celicia. Wala na si Daren at Clarence dahil pumasok na ito sa kanilang opisina. Naabutan ko naman si mama na naghuhugas ng plato sa kusina. "Mama" napalingon siya at iniwan muna ang kan'yang hugasin. "Ikaw pala anak, halika upo ka muna" umupo ako katabi ni mama at mahigpit siyang niyakap, niyakap din naman niya ako pabalik. "I'm sorry ma kung hindi ko kayo nadadalaw madalas" kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang palad ko. "Okay lang hijo alam ko naman na busy ka" "Ma, miss na miss ko na si Celestine". "Ako din anak, miss na miss ko na din siya" "Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko ma, parang nakikita ko siya palagi. "May nakita pa akong kamukha niya, pakiramdam ko tuloy may kakambal siya" tinignan ko naman si mama Celicia pero wala akong nakita sa kan'yang pagkagulat. Nakita ko lamang itong ngumiti sa akin. "Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin siya makalimutan anak". "Tama ma, pero hindi na 'ko nasasaktan tanggap ko na rin naman po ma" ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si mama Celicia. "Wallace anak, hindi mo pa rin ba binubuksan 'yang puso mo para sa iba? Napayuko ako at hindi malaman ang isasagot sa kan'ya. "Magiging masaya si Celestine kapag may babaeng nagpatibok ulit n'yang puso mo". At malay mo 'yung babaeng 'yon nandyan lang pala sa tabi-tabi" natawa naman ako at muling niyakap si mama Celicia. "Thank you po ma" "You're always welcome hijo, at you're always welcome here". "Thank you soo much ma". "Grabe ang ganda nong bagong Doctor sa Pediatric Ward no"? "Oo nga eh, saka ang guwapo nong jowa ah! Sikat na businessman 'yon di ba? Mga usap-usapan na naririnig ko sa loob ng elevator. Siya siguro 'yong sinasabi nila Marco at Jake. At saka 'yong boyfriend sikat na businessman? Ipinilig ko naman ang aking ulo at nag-isip. Iyon siguro yung kinukwento ni Kristoff na dito nagtatrabaho ang girlfriend niya. Bumukas na ang elevator at mabilis akong lumabas. "Doctora Louise" napahinto akong bigla dahil sa narinig na pangalan. "Louise? Katagang lumabas sa aking bibig. Mabilis akong lumingon at hinanap ng aking mata ang tinawag nilang Doctora Louise ngunit hindi ko na ito makita. "Parang narinig ko na kung saan ang pangalang 'yon? Bulong ko sa aking sarili. Napailing na lang ako at nagtungo na sa aking opisina. "Hi baby how are you? Bati ko sa batang babae pagkapasok ko sa aking opisina. "I'm fine po" "You're so cute! "Thank you po! Masayang sagot niya sa akin. "Mommy ano pong papacheck-up niyo sa kan'ya? Tanong ko sa kan'yang ina. "Hindi po kasi nawawala yung ubo niya, saka sinisipon na rin siya" "Ah gan'on ba? Sige check ko lang siya ah" lumapit ako sa bata at pinakinggan ang kan'yang paghinga gamit ang stetoscope. "Okay mommy bibigyan ko siya ng ilang mga gamot ha? "Sige po doctora" "Doctora ganda may boyfriend na po ba kayo? Tanong sa 'kin ng batang pasyente ko, napangiti naman ako sa kan'ya. "Yes baby meron na po" "Doctor din po ba? "Hindi eh, he's a businessman" "Ay sayang" malungkot niyang sagot sa 'kin. "Bakit naman baby? "Mas bagay po kasi kung pareho kayong doctor" nangiti naman ako dahil sa sinagot niya. "Naku doctora pasensya ka na ha? Medyo madaldal kasi itong anak ko" "Naku mommy okay lang po, ang cute nga niya". Mag-aalas nueve na ng gabi ako natapos sa mga ginagawa ko sa aking opisina. Mabilis kong tinungo ang elevator at pinindot ang down button. Maya-maya ay biglang nagring ang telepono ko at si Kristoff ang tumatawag. "Yes Kristoff? "Sorry love hindi kita masusundo ngayon nandito pa kasi ako sa meeting with the clients eh". "It's okay, magtataxi na lang ako pauwi" "Sige love ingat ka ha? "Text mo 'ko kapag nakauwi ka na ha? "Okay, mag-iingat ka rin ha? "Sure love! Saktong kakatapos ko lang makipag-usap kay Kristoff ay bumukas na ang elevator. Nagulat naman ako kung sino ang nakasakay roon. Kita ko rin sa mukha niya ang pagkagulat. Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, tumikhim muna siya bago magsalita. "Sasakay ka ba o hindi? Bigla naman akong kinabahan dahil walang ibang sakay kundi siya lang. Napairap naman ako at sumakay na ng elevator. Nasa likod niya ako at nakasandal sa dingding. Hinagod ko naman ito ng tingin. Infairness maganda ang katawan niya, bulong ko sa aking isipan. Nanlaki naman ang aking mga mata ng may mapagtanto, bigla kong naalala nang sinabi niyang doctor siya noong time na muntik na niya akong masagasaan. So, it means dito siya nagtatrabaho? Napakagat labi na lang ako at nakatitig pa rin sa kan'yang likuran. "Are you done checking me out"? Napapitlag ako at napatingin sa pintuan ng elevator. Napatapik ako sa aking noo nang makita na nakatingin siya salamin ng elevator. Nakalimutan ko na kita nga pala ang repleksyon ko doon. Nang bumukas na ang elevator ay dali-dali akong lumabas dahil sa pagkapahiya. "Hey slow down! Walang humahabol sayo" sigaw niya sa 'kin kaya napahinto naman ako at pumihit sa kan'ya paharap. "E sa nagmamadali ako eh! "Bakit ba ang sungit mo? "Wala kang paki! "Natatakot ka ba sa 'kin? Don't worry hindi naman kita hihipuan" kita ko pa siyang ngumisi kaya mas lalo akong naasar. "Ang bastos mo ah! "Can't you see I'm wearing my clothes" napabuga naman ako nang malakas sa hangin at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ka rin pala bastos napaka pilosopo mo pa! Matapos kong sabihin 'yon ay mabilis akong tumalikod at naglakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD