CHAPTER 7

1775 Words
Nakaharap ako sa salamin dito sa aking kuwarto at nakatingin lang sa aking repleksyon. Napadako naman ang tingin ko sa suot kong engagement ring na bigay ni Kristoff noong ginanap ang aming engagement party. Marahan ko itong hinaplos at tipid na ngumiti. Napakabait ni Kristoff kaya hindi ko malaman sa kan'ya kung bakit nagtyatyaga pa rin siya sa 'kin kahit na alam niyang hindi ko pa kayang suklian ang pagmamahal na inaalay niya sa 'kin. Minsan iniisip ko na rin na bigyan ng pagkakataon ang sarili kong mahalin siya. Noong una pa lang na magkakilala kami dahil sa isang kasunduan ay hindi niya 'ko pinakitaan ng hindi maganda, bagkus ginusto pa ako nito at minahal. Siguro panahon na para bigyan din naman siya ng pagkakataon. Pumunta na ako sa aking kama at nahiga, maya-maya ay naisip ko naman ang bastos na doctor kanina. Bigla na naman ako nagngitngit sa galit. Tumihaya ako at humalukipkip. Hindi porket guwapo siya may karapatan na siyang mambastos! Sino ba siya sa akala niya?! Wika ko naman sa aking sarili. "Teka nga muna bakit ba ko naaattract sa kan'ya? No, no, no! Erase erase erase! Iwinasiwas ko pa ang palad ko sa hangin. "May araw ka ring Doctor antipatiko! "Good morning Doctora Alcantara," bati sa'kin ng nurse na kasabay kong nag-aantay ng elevator. "Good morning din." Nang bumukas na ang elevator ay pumasok na ako kaagad, pumwesto ako sa bandang likuran dahil sanay ako na lagi sa may likuran. Pasara na sana ang elevator ng mayroong biglang humabol pa na sasakay, at iniharang nito ang kan'yang braso. "Ooops! Thank you miss beautiful," wika niya sa elevator girl. Nagulat pa ako nang makita kung sino ang kasama niya. Peste siya na naman?! Sigaw ko sa aking isip. Ang laki-laki ng ospital bakit palagi na lang kaming nagkikita nang antipatikong Doctor na ito? Naglagay naman ako ng face mask para hindi ako nito makilala dahil panigurado may masasabi na naman ito. "Doctora Alcantara ayos lang po ba kayo?" Tanong sa akin ng nurse na katabi ko. "Ha? Ah oo ayos lang ako, medyo inuubo din kasi ako eh," umubo naman ako kunwari at yumuko para hindi nila ako mahalata. My gosh bakit ang tagal naman nilang bumaba? Bulong ko sa aking isipan, napansin kong tumingin sa bandang likuran si Doctor antipatiko kaya napayuko akong muli. Para tuloy akong kriminal na nagtatago sa mga pulis. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumaba na din sila kaya naman nakahinga ako ng maluwag at tinanggal ko na ang aking mask. Nagmamadali akong pumunta sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair. Kakaupo ko pa lang ng biglang pumunta sa opisina ko ang aking sekretarya. "Doctora Alcantara baka pwede daw niyo pong tignan yung pasyente sa E.R need daw po kasi ng Pedia roon" "Okay sige susunod na ako." Pagkalabas ng sekretarya ko ay inayos ko muna ang ibang gamit ko. Sinuot ko ang white coat ko at lumabas na ng aking opisina. Naririnig ko ang malakas na pag-iyak ng batang babae pagkapasok ko palang ng E.R na sa tantya ko ay nasa edad na sampung taon. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila, yakap-yakap naman siya ng kan'yang ama at nasa tabi naman ang ina nito. "Ano pong nangyari? "Madalas pong sumasakit ang ulo niya doctora eh, tapos suka pa siya ng suka hindi na nga po namin alam ang gagawin namin," naiiyak na wika ng ina ng bata. "Sige po ipapalaboratory test natin siya saka CT Scan na rin," tinawag ko naman ang nurse para ipalaboratory na ang bata at isagawa ang CT Scan. Ipinaliwanag naman sa akin ng doctor ang resulta ng CT scan habang nakatingin sa monitor. "So you mean? "Yes Doctora, she needs a brain surgery as soon as possible," napabuntong hininga naman ako at sinulyapan ang aking pasyente kasama ang magulang niya na nakaupo sa visitors chair at hinihintay na lang akong lumabas. "Doctora ano pong resulta? Malungkot ko naman silang tinignan pati na rin ang batang babae. Naaawa ako sa kan'ya dahil napakabata pa niya para sumailalim sa surgery. "Ma'am she needs a brain surgery as soon as possible," gulat nila akong tinitigan at napatutop pa ng bibig ang ina ng bata. "B-bakit ano pong sakit ng anak ko?" "She has a brain tumor," napaupong bigla ang ina ng bata at inalalayan naman ito ng kan'yang asawa. "Kaya dapat pong maisagawa na ang surgery sa kan'ya para hindi na po kumalat," paliwanag ko naman sa kanila. Bumalik na kami sa E.R at pinaconfine ko na muna ang bata para matignan din siya ng doctor na magsasagawa ng operasyon. "Nurse Mirae sino po bang available na GS ngaun? (General Surgeon). "Si Doctor Marco po sana kaso ang dami naman niya pong naka schedule na surgery ngayon. "Si Doctor Cristobal 'di ba Surgeon din 'yon?" "nasa Palawan po Dra. may seminar po sila ngayon doon. Pero try ko po si Doctor Miller kung available po siya ngayon." "Okay sige pakitawagan mo na lang siya" "Sige po Dra. sandali lang po," sinimulan naman niyang tawagan ang Doctor, at mabuti na lamang ay bakante ito. "Pakihintay na lang po Dra. pababa na daw po siya" "Okay sige salamat," bumalik na muna 'ko sa aking pasyente at sinabing papunta na ang titingin na Doctor sa anak nila. Kasalukuyan ko namang inaayos ang dextrose ng bata nang magsalita ang nurse na katabi ko. "Ayan na po pala si Doctor Miller" napalingon naman ako at nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ang tinutukoy nito. Laking gulat din niya ng makalapit na siya sa amin. Saglit kaming nagkatitigan at ako na rin ang nagbaba ng tingin. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Can I see her laboratory test and the result?" Kaagad ko namang binigay sa kan'ya ang resulta. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko, at ang mga titig niya ay hindi man lang inaalis sa akin kaya mas lalo akong nailang. Kung wala lang sana kami sa harap nitong pasyente ko ay kanina ko pa siya binulyawan. Seryoso niyang binasa ang ibinigay ko sa kan'ya. "So we have to do a craniotomy," wika niya sa mga magulang ng bata. "Ano pong ibig sabihin no'n Doc?" Tanong ng ama ng bata. "Common type of surgery to remove a brain tumor" "Kailan po pwedeng isagawa ang surgery?" "Sched natin the day after tomorrow," sumang-ayon naman ang mga magulang ng bata, at pagkatapos namin silang kausapin ay nauna na akong lumabas ng E.R. Hindi ko namalayan na nakasunod na rin pala siya sa akin. "I knew it Doctor ka rin pala dito?" napahinto ako sa aking paglalakad at hinarap siya. Natigilan naman ako dahil sa pagkamangha sa kan'yang itsura. Mas guwapo pa pala siya sa malapitan. Napalunok naman akong bigla at umiwas ng tingin. "Obvious ba? Kita mong naka-uniform ako di ba?" "Hindi bagay sayo ang magsungit pumapangit ka" "Anong sabi mo? Ako pangit?! Tinuro ko pa ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay. "Wala akong sinasabing pangit ka, what I mean is__ "Stop! Wag mo na 'kong susundan ah! Mas lalo lang akong nabubwisit sayo!" Tumalikod na 'ko at mabilis na naglakad palayo. Pero sinundan pa rin niya ako kaya huminto ulit ako at muli siyang hinarap na nakapameywang. "Bakit mo ba 'ko sinusundan ha Doctor antipatiko?! Kita ko sa mukha niya ang pagtataka at ngumisi pa ito. "Ako antipatiko? "Oo ikaw nga! Sino pa ba?" "Huh! Sino kaya sa ating dalawa? At saka hindi kita sinusundan ayon ang men's room doon ako papunta kasi kanina pa tumitigas itong kamote ko" "What?! Anong kamote ang sinasabi mo? "This," turo niya sa ibabang bahagi niya kaya nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "Napaka bastos mo talaga! "Hep! Hindi ako bastos, kanina pa kasi ako naiihi at ang lamig sa E.R natural tatayo talaga 'to ang hirap maging lalaki akala mo ba," tinignan ko ulit ang ibabang bahagi niya. Oh my god bakit gano'n? Is that real? Tanong ko sa aking isipan. Mabilis akong tumalikod at lakad takbo ang ginawa ko dahil pakiramdam ko lalagnatin ako sa nasaksihan ko. Hinihingal naman akong pumasok sa loob ng aking opisina at nilakasan pa maigi ang aircon ng opisina ko, dahil ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking noo. "Gosh! Ano bang klaseng doctor siya? Nakakaasar! Sigaw ko sa sarili ko at nagpapadyak pa ako. Naglalakad na ako palabas ng ospital para umuwi ng bigla namang nasira ang takong ng sapatos ko. "Ano ba yan bakit ngayon ka pa nasira?" Hinubad ko ang isang sapatos ko at naupo muna sa mahabang upuan sa may waiting area malapit sa entrance ng ospital. Napabuntong hininga ako at hawak pa rin ang sapatos ko. "May problema ba? Isang baritonong boses ang narinig ko kaya nilingon ko ito. Papalapit naman siya sa akin at halatang pauwi na rin. Napairap naman ako at humalukipkip. "You look problematic" "Bakit ba palagi ka na lang sumusulpot?" "Syempre ospital 'to at dito ako nagtatrabaho. " "Sa dinami daming doctor dito, ikaw pa ang parating nakikita kong pakalat-kalat." "Ano bang nagawa ko sayo at parati mo na lang akong sinusungitan? " "Ay hindi mo alam? Gusto mong isa-isahin ko sayo? " "Well I'm sorry hindi ko sinasadya okay? Hindi ko sinasadya yung nangyari. " sinamaan ko naman siya ng tingin at napadako ang tingin niya sa sapatos na hawak-hawak ko. "Kaya pala problemado ka, give me your shoes." Inilahad pa niya ang kan'yang kamay para kunin ang sapatos ko. "Anong gagawin mo?" "Syempre aayusin ko, alangan isusuot ko?" "Pilosopo ka talaga" "Common sense kasi Dra." Umirap naman ako at ibinigay sa kan'ya ang sapatos. "The other one" "Bakit? Yan lang namang isa ang may sira ah" "Basta! Tanggalin mo na 'yang isang sapatos mo. " wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Tinanggal niya pareho ang takong ng sapatos ko at iniabot sa 'kin. "Anong ginawa mo?! Singhal ko sa kan'ya dahil sa sobrang inis. "Pinantay ko lang 'yang sapatos mo para solve na ang problema mo" "Sa tingin mo ba natuwa ako sa ginawa mo?! "At sa tingin mo rin ba makakauwi ka ng paika-ika kasi hindi pantay 'yang sapatos mo? Imbes na magpasalamat ka sinusungitan mo pa ako magkaiba talaga kayo ni Cele__ natigilan naman siya sa kan'yang sunod na sasabihin at bigla itong sumeryoso. "Sige mauuna na ako, ingat ka na lang pag-uwi," matapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya at ako'y nanatili pa ring nakaupo at tinitigan ang sapatos ko. "Anong nangyari sa kan'ya? Magkaiba raw kami nino? Tanong ko sa aking sarili. Ipinagkibit balikat ko na lang ito at isinuot na ang aking sapatos at lumabas na ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD