"HINDI ko alam kung kaya ko pa bang magtiwala uli, Bianca," humihikbi na saad ni Micah sa kaibigan niya. "I mean, hindi sa hindi ako naniniwala sa'yo kasi you're my best friend. At alam ko na hindi ka magsisinungaling sa'kin. Pero itong puso ko." Hilam ng mga luha ang kaniyang mga mata nang ituro ni Micah ang kaliwang dibdib niya. "Takot na takot ng magtiwalang muli." Puno ng simpatiya na hinawakan ni Bianca ang mga kamay ni Micah. "I know. Pero this time, gusto kong magtiwala ka lang sa kung ano ang sinasabi ng puso mo. Hindi dahil sa kung anong sinasabi namin sa'yo. Just trust your heart. Kung sa tingin mo, hindi mo na talaga kaya pang patawarin si Samuel Junior at kaya mo namang mawala siya sa buhay mo, hayaan mo mo nang ang tadhana na ang kililos para sa inyo. Dahil kung talagang kayo