GUSTO sanang magpaliwanag ni Micah kay Samuel Junior tungkol sa naabutan nito. Nakaramdam siya ng awa para sa binata dahil sa lungkot at paninibugho na nakikita niya sa mga mata nito. Pero biglang bumalik sa isip niya kung paano siya nito niloko. Kaya agad na bumangon muli ang galit niya para dito. “At bakit naman ako magtatago? 'Di ba dapat ikaw ‘yong wala ng mukhang ihaharap sa’kin pagkatapos ng ginawa mo?” “Ano ba ang pinagsasabi mo, Micah?” nagtatakang tanong ni Samuel Junior samantalang si Andres naman ay naguguluhang nakikinig lamang sa kanilang usapan. “Huwag ka ng magmaang-maangan pa, jerk. Dahil alam ko na ang lahat." Natawa siya nang nakakaloko kahit puno ng kirot ang loob ng dibdib niya. "Noong isang araw ay pumunta ako sa cottage mo pero ang girlfriend mo ang nakausap ko. A