"HINDI ka naman magkakaganito kung hindi mo siya mahal, Hija," sabi ng iba ni Micah pagkatapos niyang sabihin dito ang mga natuklasan niya tungkol kay Samuel Junior. Pagkatapos nilang mag-usap ni Bianca ay nagpaalam siya sa kaibigan na uuwi muna dahil hindi pa niya kayang harapin ang nobyo. At hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang makita ang pagmumukha nito habang buhay. Wala sanang balak si Micah na sabihin sa kaniyang mga magulang ang totoo. Dahil ayaw niyang madismaya at masaktan ang mga ito. Lalo na at batid ng dalaga kung gaano kagusto ng mga ito si Samuel Junior para sa kaniya. Ayaw niyang magsisi ang mga ito dahil sa maling pagkakakilala sa binata. Lalo na at ang mga ito ang nagpayo pa kay Micah na sagutin na ang ni nobyo. Kaya nga nagkulong muna siya sa kaniyang silid ng