SAMANTHA’S POV NANG araw din na naisugod sa ospital si Tatay Sam ay nakalabas agad siya. So far, maayos naman daw ang lagay niya ayon sa kaniyang mga doctor. Kaya nga sobra kaming nagpapasalamat sa Diyos. Dahil sa kahilingan nila na papuntahin dito si Doc Carl kaya hindi muna ako bumalik sa Nevada. Tinawagan ko na lang muna ang boss ko at saka ako nagpaalam na hindi muna papasok dahil sa emergency. Tatawagan ko na rin sana si Doc Carl para sabihin ang hinihiling ng mga magulang ko. Ngunit bago ko pa man ma-dial ang numero niya ay tumawag na ang kaibigan kong si Mina. Pero balak ko rin naman talaga siyang tawagan sana pagkatapos naming mag-usap ni Doc Carl. “Ano ang meron? Bakit parang ang blooming mo ngayon?” biro niya nang mag-video call na kaming dalawa. “Isang buwan lang tayo hind