SAMANTHA’S POV “MAMAYA pa naman ang alis ko. Mag-breakfast ka muna habang nandito pa ako. Ako na muna ang mag-aalaga kay Baby Ellie,” suhestiyon ni Doc Carl pagkatapos niyang kunin sa akin ang anak niya. Inigalay naman niya ito sa crib na nasa sala. Kahit naman hindi maganda ang nakaraan namin ni Doc Carl, gusto ko pa rin na maging maayos ang trabaho ko kahit isang araw lang. Hindi lang dahil ayaw kong masira sa kaniya si Tom. Kundi nasanay lang talaga ako na ginagalingan at inaayos ko talaga sa bawat trabaho ko, kahit ano man ‘yon. Kaya nga sinikap ko na pakitunguhan nang normal si Doc Carl. At maging professional. “Thank you, Doc. Pero kumain na ako bago umalis ng apartment,” pormal ang ekpresyon ng mukha na sagot ko. “At pinag-coffee pa ako ng Mommy ni Tom.” “Kahit sandwich. Medyo