SAMANTHA’S POV DAIG ko pa ang binuhusan ng malamig nang masiguro kong boses nga ni Cherry Mae ang nasa labas. Babangon na sana ako pero muli akong ibinalik sa pagkakahiga ni Doc Carl. “Hayaan mo siya,” sabi niya sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagkabitin. “Ituloy natin ito, Samantha. Nandito na tayo, eh.” “Baliw ka ba?” Hindi makapaniwala na pinandilatan ko siya ng aking mga mata. “Nasa labas lang ang fiancée mo at naghihinala siya na nandito ka, Doc. Tapos gusto mong ituloy natin ang pagkakasala nating ito? Hindi ka ba natatakot na mahuli niya tayo?” “Eh, ano naman kung mahuli niya tayo? Hindi ko na siya—" Naputol ang pagsasalita niya dahil bigla ko na lang siyang sinampal para mahimasmasan siya. At para matuhan na rin ako. “Hindi ko po alam kung ano ang nangyayari s