SAMANTHA'S POV NANLAKI ang aking mga mata dahil bigla na lang sinakop ni Doc Carl ang aking mga labi at marahas akong hinalikan. Nang dahil sa pagkagulat ko kaya hindi agad ako nakakilos para itulak siya. Kahit pa nga naramdaman ko na hinapit n niya ako sa beywang. Para ba akong tinulos sa aking kinatatayuan at walang nagawa kundi ang magpapaubaya. Napaungol ako dahil habang tumatagal ay mas naging agresibo pa si Doc Carl. Itinulak niya ako sa likod ng pinto at ipininid sa aking uluhan ang mga kamay ko, gamit ang isang kamay niya, kaya lalo akong nawalan ng kakayahan para manlaban. At sa tuwing sinusubukan kong ibuka ang aking bibig para awatin siya ay mas sinisiil pa niya ako ng halik. "You are mine, baby. Always remember that," aniya habang mas lumalalim pa ang pag-angkin niya sa