SAMANTHA’S POV MALALIM na ang gabi ngunit nanatili akong gising. Hindi ako dalawin ng antok kahit ano mang gawin ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpabiling-biling sa higaan at sinubukang i-blangko ang aking isipan sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. At sino ba ang makakatulog kung alam mong nasa kabilang silid ang asawa mo at may kasamang ibang babae? At hindi lang basta kasama. Baka magkatabi pa. Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang sumagi iyon sa aking isipan. Paano kung hindi sinunod ng Cherry Mae na iyon ang kabilin-bilinan ng aking mga biyenan na huwag tabihan sa pagtulog si Carlos? At paano kung ang asawa ko mismo ang mag-insist? Kahit inihanda ko na ang aking sarili sa mga ganitong pangyayari, hindi ko pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng takot