NAGMAMAKTOL na bumalik sa cottage si Micah. At paano siya hindi magmamaktol? Niyaya niya ang pamilya niya na mag-out-of-town sa isang beach resort para makaiwas kay Samuel Junior. Masakit lang ang rayuma ng Papa niya kaya hindi na nakasama ito at gayon din ang kaniyang ina. Pero nagulat lang ang dalaga nang pagdating nila roon ay madadatnan niya ang binata na naliligo rin sa dagat. Hindi naman daw siya sinusundan nito kaya nagulat din ito nang makita siya. Ngunit hindi naniniwala si Micah. Walang coincidence sa taong gusto siyang buwisitin. Dahil masiyadong okupado ng lalaking iyon ang isip ni Micah at madilim ang kaniyang mukha kaya hindi niya napansin ang makakasalubong na sina Xandra at Xia na palabas naman ng cottage. Kasunod ng mga ito ang yaya. “Hey, Mom. What happened to you?