KABANATA 3

1377 Words
KABANATA 3:     NAPAUNGOL ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Mabilis akong tumalukbong ng kumot. Naririnig ko na ang pagmumura ni Yenny habang panay ang kalampag niya sa mga cabinet ko doon para lang ako magising.       “Punyemas naman Alicia! May pasok pa tayo ng alas onse! Bumangon ka na diyan o ta-tadyakan kita!” panay ang malulutong na mura ni Yenny.     Walang gana akong bumangon at tinapunan siya ng nakakatamad na tingin. Tamad akong mag-aral. Si Yenny nga lang itong masipag palibhasa matalino kaya madali lang sa kanya ang pumasok araw-araw. Napaka-competitive pa sa lahat ng bagay. Samantalang ako? Bukod sa yaman at sa pagiging sexy ay ganda lang ang meron ako.     Napipilitan na lang ako pumasok dahil sa kaibigan. Buti nga hindi iyan nagsasawa sa akin kahit araw araw siyang buraot kakagising sakin ay hindi niya parin ako iniiwan bilang kaibigan. Kaya mahal na mahal ko yan si Yenny.       “Ten minutes na lang, sige na! Nakakatamad pumasok, Biology na naman yung subject. Pakialam ko sa mga chromosomes na yan! Kahit anong basa at tingin ko hindi ko naman maintindihan. Hindi naman ako magdo-doktor kaya bakit kasama yan sa course ko! Business Ad kinuha ko hindi naman Biologist!”  Iritable kong sinabi.     Lumapit si Yenny sakin at mahinang hinila ang buhok ko.       “Aray! Aray! Bakit kailangan manakit?!” Inirapan ko siya at hinimas ang parte sa ulo ko kung saan may masakit. Inis kong hinawi ang quilt.       “Napakareklamador mo! Kasama talaga ‘yon! Magreklamo ka sa University at sa CHED para magbago yung curriculum mo! Sabihin mo parusa sayo yan! Maganda ka sana e, tamad ka lang.” Inis itong nagmartsa palabas ng kwarto.     Nawala ata ang antok ko at mulat na mulat na ang mata ko dahil sa maagang sermon ng kaibigan. Kahit labag tuloy sa loob ko ang pumasok ay napilitan na lang akong kumilos dahil hindi ako titigilan ni Yenny hanggat hindi ako bumabangon.       Sa totoo lang tinatamad ako hindi dahil sa subject kundi sa nangyari kagabi. Paniguradong laman na naman ako ng tsismis. Sana lang ay huwag akong kulitin ni Andrew at hindi magkita ang landas naming dalawa. Naii-stress ako sa lalaking ‘yon!   Nakahanda na ang almusal ng pumunta ako sa dining area. Kumalam ang sikmura ko sa amoy ng pagkain     “Kanina pa ‘tong pagkain. Breakfast dapat ‘to naging lunch na sayo. Kumain ka na nga at bilisan mo. Pag ako na-late tutuktukan kita diyan!” Matalim ang tingin niya sakin.     Tumusok ako ng hotdog bago siya binalingan.     “Lagi kang highblood! Kaya kita mahal na mahal, e. Galit ka na sakin pero paka-kainin mo pa ko.” Kinindatan ko siya.       Diring diri si Yenny at halos sumuka. Tinalikuran din niya ako kaya sinundan ko siya ng tingin.     “Hoy! Hindi pa ko tapos kumain! Magsisimula palang ako! Huwag mo kong iwan o hindi ako papasok?!” Banta ko sa kanya. Nginuya ko ang pagkain at lumunok ng marinig ko siyang sumagot mula sa sala.       “Letse! Banta ng banta!” galit niyang sigaw na ikinatawa ko lang.       Muntikan na nga kami ma-late kanina. Five minutes na lang magu-umpisa na ang klase. Mabuti na lang talaga at nakarating na kami ng wala pa si Maam. Kung hindi kakatayin ako nitong si Yenny.     Nakakabagot na dalawang oras ang lumipas at pakiramdam ko nalusaw na naman ang utak ko dahil sa subject na iyon. May two hour vacant pa kami bago ang susunod na subject. Buong araw ata akong lutang nito dahil kasunod ng Biology ay Algebra.     Kung hindi dahil kay Yenny at sa connection ng aking magulang ay nakailang ulit siguro akong bumagsak. Niyaya ko ang kaibigan sa cafeteria para tumambay. Mas gusto kong kumain ng marami bago ako mawalan ng energy sa subject mamaya.     “Sino ‘yang katext mo? Kanina kapa kinikilig ng palihim diyan.” Sinilip ko ang cellphone niya pero nilayo lang niya ito sa akin at sinimangutan.       “Aba! Aba! Malihim ka na, ah!” Pinandilatan ko siya ng mata. Noon kasi okay lang na basahin ko o di kaya pakielaman ang cellphone nito. Pero ngayon iba. Ano kayang meron?       “Umorder ka na nga ng kakainin natin! Busy ako kay AFAM,” sagot niya at muling binigay ang atensyon sa cellphone. Mabilis kong inagaw sa kanya iyon at nanlaki ang mata ko sa nabasa!       “Ohhh? Ahhh? Ohhh?” Nandidiri kong binalik kay Yenny ang cellphone niyang puro kabalastugan ang laman!       “Pakielamera mo Alicia!” Gigil na gigil siya sakin dahil nasa loob na kami ng cafeteria. May ilang nakarinig tuloy sa sinabi ko.       “Huy mahiya ka naman! Tanghaling tapat nagpo-phone s*x kayo!” Puno na kilabot ang sinabi ko.       “Wow! Nakakahiya naman sayo. Porket kaibigan kita entitled ka na kunin ‘tong cellphone ko. Alicia, may salitang privacy. Baka lang di mo alam. Palibhasa malandi ka pero tuyot ka naman!” Umirap pa ito sa kawalan at abala ng muli sa kaka-text.     Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi. May ilang nagtawanan dahil sa narinig at ako tuloy ay hiyang hiya sa nangyari.     “Personalan na ‘yan, ah! Masakit yun baks ah!” Puno ng hinanakit kong sinabi. Sumulyap lang sakin na parang nandidiri dahil nage-emote ako. Sanay na kasi din siya sa mga sinasabi at reaksyon ko. Well, ganoon din naman ako sa kanya. Ganoon siguro kapag kaibigan mo ay beki. Masyadong pasmado ang bibig at prangka.     “Oo na, aminado namang malandi. Atleast hindi ko binibigay itong puri ko basta basta kahit sa cellphone pa ‘yan.” Tinaasan ko siya ng kilay. Bumuka ang bibig nito para bumuga na naman ng masakit na salita ay mabilis ko na siyang tinalikuran at nagmamadaling bumili ng pagkain.     Habang nagaantay sa pila ay napabaling ako sa entrance ng cafeteria. Natanaw ko ang pagpasok ni Andrew na tila may hinahanap. Kumabog ang dibdib ko. Alam kong ako na iyon!     Heto na naman ang baliw na ‘to! Ayoko pa naman mageskandalo dito. Nakakahiya! Mabilis akong tumalikod. Nataranta ako kung saan ako pupunta. Naghahanap ako ng exit! Pero bago iyon ay kailangan ko munag magtago para hindi niya ako makita at masundan! Kaso sa kamalasan. Sa lahat ng pagkakataon at oras ay ngayon pa talaga kaunti ang estudyanteng nasa cafeteria!     Nanigas ako sa kinatatayuan ng tawagin niya ako.     “Isa!”       Napapikit ako ng mariin. Makikipagusap na naman ako sa obsess na lalaking ‘to! Ayoko pa naman siyang makausap! Pero dahil wala akong choice ay humarap ako sa kanya. Sinigurado ko na walang emosyon ang aking mukha.     “Yes?” seryoso kong tanong. Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin. Gulong gulo ang buhok nito at mukha pang puyat. Malalaki ang hakbang niya ng makalapit sa akin.       “Hon—” I cut him off.       Tinaas ko ang kamay para patigilin siya.       “Wait—wait! Hindi na tayo kaya don’t call me with that endearment please,” tinitigan ko siya sa mata para ipakitang seryoso ako.       Nanliit lang ang mata nito at nagtiim bagang sa akin. Napasulyap ako sa pwesto ni Yenny. Nakita ko ang pagtayo niya at pagsenyas niya sa akin na sinasabing tawagin ko siya kung kailangan niyang umentra.       “Wala akong maalalang hiwalay na tayo.”       Pairap akong bumaling sa kanya. Heto na naman kami.     “Gusto mong pagusapan talaga ‘yan dito?” Bumuntong hininga ako. Tila nauubusan na ng pasensya kahit na wala pa sa kalahati ang pagu-usap namin.       “Duon tayo sa likod ng Masscom building,” suhestiyon niya na sinang-ayunan ko na lang para matapos na. Siguro naman maliliwanagan na ito pagkatapos naming magusap. Ayoko sa lahat iyong lalaki na kapag sinabi kong ayaw ko na ay pilit paring nang-gugulo sakin at hindi pumapayag. Sumasakit ang ulo ko sa ganoong klaseng lalaki. Kaso lapitin ata ako ng baliw.       Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na itong si Andrew sa lalaking nao-obsess sakin at sa totoo lang hindi siya maganda lalo na sa isang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD