KABANATA 4

2289 Words
  KABANATA 4:       HUMALUKIPKIP ako sa harap niya matapos naming makarating sa likod ng building. Nagulat ako at nawalan ng postura ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit!         “Andrew, let me go!” bulong ko pero may gigil. Hindi ako puwedeng sumigaw dahil alam kong maririnig ng iba iyon dahil marami ang estudyante sa building.       Pilit ko siyang itinutulak pero para siyang linta kung kumapit! Paniguradong gusot na naman ang uniporme ko nito. Mapagkakamalan pa kong nakipag-make out bago magklase!       “No! I love you, honey. I love you!” sigaw niya at mas hinigpitan pa ang yakap sakin. Balak ata ako nitong payatin dahil hindi na ko makahinga sa sikip!       “Isusumbong kita sa counselor! Ano ba! Bitiwan mo nga ko!” buong lakas ko siyang itinulak.       Mabuti na lang at tila nawalan ito ng wisyo kaya madali ko ng naitulak.         “How many times do I have to tell you? Tanggapin mo na kasi. Wala ng tayo! You’re creepy! Imbes na okay pa sakin na friendship na lang nagbago na isip ko! Tantanan mo na ko, okay? Sige, bye!” sabi ko sabay tinalikuran ko siya.       Iniayos ko ang gusot na uniform ng magsalita ulit si Andrew.       “You’re a w***e! Ano? May lalaki ka na kasi kaya itatapon mo na ko? Pokpok ka!”       Napahinto ako at napasinghap sa narinig. Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Sinabi ko lang na ayaw ko sa kanya sasabihan ba naman akong pokpok?!       Kinuyom ko ang kamao ko. Galit na galit ako pero pilit kong kinakalma ang sarili. Walang magandang mangyayari kung paiiralin ko ang galit. Baka ikapahamak ko lang iyon. Kailangan kong kontrolin ang aking emosyon. Ano pa’t nagaral ako ng perosnality development kung hindi ko naman maia-apply iyon.       Kalmado akong bumaling sa kanya. Naabutan ko ang ngisi nito na akala mo demonyo.       “Say all you want. Hindi parin kita babalikan. Hindi kita papatulan dahil ayokong magmukhang walang natutunan sa paaralan. Try to accuse me of being w***e or what in front of the public. I’ll sue you with oral defamation, in case you don’t know. I don’t care if you’re the son of a governor. I will use all my connections just to put you in jail. Entiendes?” matalim ang aking mga mata habang tinitignan ko siya.       Nakatingin lang ito sakin pero natawa ng hilaw ng siguro ay nakabawi.       “Are you threatening me? Hindi ko na kailangan gawin ‘yon. Alam ng tao kung gano ka kalandi.”       “Uh, talaga?” I mocked him.       “Siguraduhin mo lang na hindi magmumula sa bibig mo iyong chismis dahil hindi ko ‘yan mapapalagpas. Goodbye!” dugtong ko.     Tinalikuran ko siya at walang lingon-likod akong naglakad pabalik sa classroom.     Buong araw akong tahimik dahil matapos ng pagu-usap namin ni Andrew ay para na ngang may pakpak ang balita dahil alam na ng madla na wala na kami at ang nakakatawa ay nagawan pa nila ng istorya. May iba na daw kasi ako kaya iniwan ko na si Andrew.     Walang gustong magtanong sakin kung ano ang totoo. Alam kasi nila ang ugali ko. Hindi din ako open sa iba kundi kay Yenny lang.       Inabot din ng dalawang linggo ang usap-usapan tungkol sa paghihiwalay namin ni Andrew. Pero si Jake buhat pa nung nalaman niyang wala na talaga akong boyfriend ay patuloy parin ang pagpaparamdam sakin.       Pero dahil ayoko namang madamay siya sa issue ko ay hindi muna ako pumayag na lumabas labas kami. Nakuntento muna kami sa patext-text at videocall. Ramdam naman ni Jake na gusto ko rin siya. Mage-effort din ba kong sumagot sa mga text niya kung wala. Gusto ko na siya noon pa. Kaya hindi ko ‘to pakakawalan.         “So, anong status niyo ni Jake?” si Yenny habang nagbabasa ng magazine.       Tinaob ko muna ang cellphone bago ko siya sinagot.       “Nanliligaw parin,” maiksi kong sagot. Tinignan ko ang staff na nagpe-pedicure ng aking kuko. Top coat na lang at tapos na ako.         “Luh? Bakit di mo pa sagutin diba betsung mo ‘yon?”       Bumaling ako sa kanya. Nasa salon kami at naisipan kong magpa-manicure at pedicure habang si Yenny naman ay nagpa-treatment ng buhok.       “Sasagutin ko na nga. Inantay ko lang humupa yung huling chika sakin. Nananawa na ko, ako lagi pinagu-usapan. Wala na bang iba. Bakit ako laging nakikita ng mga tao.” Umirap ako sa kawalan.       “Paka-panget ka at wag magjowa para hindi ka pagusapan,” sagot niya sakin pagkatapos ay tumunog ang cellphone nito. May tumatawag ata.         Inabala ko na lang din ang sarili sa pagte-text kay Jake. Nasa gym siya ngayon malapit sa salon kung saan kami ni Yenny. Kaya balak namin magkita mamaya. Plano ko na ding sagutin siya bago matapos ang araw.     Magiisang buwan na nung last na may boyfriend ako. Panahon na para magkaron naman ng bago.       Natapos na ko ay abala parin si Yenny sa pakikipagusap sa telepono. Alam ko na agad kung sino ang kausap. Iyong AFAM na naman niya.     Umalis na ko sa tabi niya at nagtungo sa cashier para magbayad. Tama lang ng matapos ako ay wala ng kausap ang kaibigan. Ang kaso hindi pa siya tapos sa pagpapaganda sa buhok niya.         “Mauna na ko. Magkikita pa kami ni Jake,” sabi ko ng makalapit sa kanya. Tumingala siya sakin at tumango.       Umalis na ko doon at tinext si Jake na magkita na lang kami sa isang Italianni’s Restaurant. Dumiretso muna ako sa comfort room para magretouch. Umalis din agad pagkatapos.     Agad ko siyang natanaw pagpasok palang. He’s wearing a shirt na tinernuhan ng leather jacket. Ngumiti ako ng makalapit.       “Sorry, kanina ka pa?” nilapag ko sa tabi ang quilted bag at umayos ng upo.       Umiling siya.       “No, no! Halos kadarating ko lang. Let’s order?” he asked. Lumabas tuloy ang biloy niya sa kanang pisngi.       “Uh, yes please...”       Kumuway siya para tawagin ang waiter. Binigyan kami ng menu.     “Ladies first...” aniya at bumaling sakin ang waiter.       Mabilis kong pinasadahan ang menu.       “I’d like to order Truffle Chicken and Mushroom. Creme Brulee for dessert,” sagot ko pagkatapos ay ibinaba na ang menu.       “How about drinks maam?”       “Water lang ako,” I smiled.     “Noted, maam.”     Bumaling na ang waiter kay Jake.       “We should try their Pizza. I’d like to have Quattro Staggionio and Porkchop Au Poivre.”     Nagsulat ang waiter at bumaling muli sa kanya.       “Drinks sir?”       “Cola.”       Tumango ang waiter at inulit ang aming order.       “Orders will be served after fifteen to thirty minutes. Is there anything else you would like to order?”     Umiling kaming pareho. Nagpaalam na din ang waiter at naiwan na kaming dalawa.       Tumikhim si Jake ng mapagiwan kami. Ito ang pangalawa naming pagkikita matapos ang nangyari noon sa Valkyrie.     “Is it okay if I will seat beside you? Masyado kasing malaki ang upuan mo kung magkaharap tayo,” he chuckled nervously.       Ngumiti lang ako at tumango. Lumapit nga siya sakin at nanuot agad sa ilong ko ang Armani perfume niya. Bumaling siya sakin.     He started a conversation.   “How are your studies? Malapit na ang finals, ah.”     “Okay naman. Normal ng maraming ginagawa kapag ganitong malapit ang finals. Ikaw?”     From my peripheral vision ay nakita ko ang ginawang pagpapahinga ng braso nito sa likod ng upuan namin. Binalewala ko na lang iyon.     “Masyadong hectic na din. Sinabayan pa ng thesis. May defense pa kami next week. What’s your plan after the semester?” he asked.     He has a deep voice and his gaze was calm and steady.     Dumating ang waiter at nilapag ang mga baso, coke, ice bucket at pitcher ng tubig. Pinapanuod naming dalawa iyon ng sumagot ako.       “I’ll be in Thailand. Not sure kung buong bakasyon doon ako or ilang days lang since si Yenny kasi talaga ang may planong pumunta don. Sasama lang ako.”       Napatingin siya sakin.     “Oh, nice. Wala ka pala dito sa bakasyon. I’m planning to invite you for a quick get-away but I guessed next time na lang.” Ngumisi ito at kumuha ng ilang ice para ilagay sa baso. Binuksan niya ang cola at sinalin doon.       Napanguso ako. Should I cancel my trip to Thailand? Parang mas gusto ko na lang maiwan at magbakasyon kasama si Jake. Kaso ayoko namang isipin niya na gustong gusto ko siya para ipagpalit ko sa nauna ng plano namin ng kaibigan.   “Yeah... next time. Pano ‘yan hindi ako pwede. Anong plano mo sa bakasyon?” Tumawa ako ng bahagya para maging light pa ang atmospera sa paligid.       “Perhaps, I’ll go to the gym and spend the vacation talking to you on the screen. We’ll be LDR for quite some time I guess.” He chuckled.       Natawa ako sa sinabi niya. Kaya bumaling siya sakin. Hindi pa kami pero kung maka LDR akala mo naman opisyal na ang relasyon naming dalawa.       Teka, tutal nabanggit niya na isisingit ko na ang sasabihin ko.     “So, you already assume na tayo na? Sasagutin palang kita, ah?” biro ko na ikinangisi nito. Bakas sa mga mata na hindi naman siya nabigla at may ideya na nga siya sa plano ko.       Nagkibit balikat lang ito. Binalewala ko lang iyon dahil gusto ko talaga siya.       “I could guess. But, just to make sure I’ll ask this. Sinasagot mo na ba ko?” siya na ang nagtanong. Nakatitig siya sakin at nagaantay ng sagot.     Tumango ako habang nakangiti. Sumilay din ang ngiti sa kanyang labi at nakita ko na naman ang eskpresyon niya na tila alam niya na na isasagot ko ay oo.     “Now, we’re official...”     Inakbayan niya ako at hinapit palapit sa kanya. Hindi na ko umangal. Gusto ko naman itong ginawa niya. Para akong batang binigyan ng kendi. Ang saya saya!       Dumating ang inorder namin kaya nagsimula na kaming kumain habang panaka-naka parin na nagu-usap. Sa buong oras na kasama ko si Jake para lang akong teenager na kinikilig dahil kinausap ng crush!     Kaya naman paguwi ko sa condo ay panay ang kwento ko kay Yenny. Suportado naman ako ng kaibigan. Hindi naman siya nangingealam sa mga relasyon ko except na lang kung nakikita niyang masasaktan ako. Pero so far, lagi siyang naka-support sakin. In short, bahala ka sa gusto mo sa buhay mo.     Bumalik iyong maganda kong mood pagkatapos ng nangyari. Finals came and kahit mahirap ang mga exams at sunod-sunod ang reports and submission ng ilang projects ay naka-survive naman ako. I even got the result of my grades and tuwang tuwa ako na matataas iyon!       Because I was so happy, I decided to tell this to my mom. Tinext ko muna bago ko tawagan. Baka kasi busy.     Me: Mommy! Can I call? I have to tell you something.     Mommy: Why? What is it?     Me:   I want to tell you over the phone. Are you busy?     Mommy:   I’m in a meeting. I’ll text you when I’m free.       Me: Okay, take care mom. I love you.       Mommy:   I love you too, hija.       Ngayon ko na nga lang sasabihin kay Mommy na mataas ang nakuha kong grades, e. Ang sarap pala sa feeling. Pag sineryoso mo ang isang bagay tapos nagbunga ng maganda. Sobrang nakaka-proud! Pinaghirapan ko ‘to. Kaya ipagyayabang ko.     Noon kasi, tama ng makapasa ako. Sabi ko nga basta may diploma ako sa kolehiyo okay na. Kaso nagising ako isang araw na feeling ko kailangan ko i-challenge ang sarili ko na dapat mataas pa sa noong grades ko ang makuha ko ngayong semester at nagbunga naman iyon ng maganda. Kahit na may halong kalandian ang semester ko ay hindi naman hadlang iyon para bumababa ang marka ko.     Paano ba ‘yan. Hindi ko pa masyadong ginalingan ‘to. Pano na kung focus ako at walang jowa. Baka mag summa c*m laude ako nito! Napahagikgik ako sa naisip. Baka mapauwi na sila Mommy sa mansion kung ganon at attend sa graduation ko.       Pangarap ko kasi ‘yon. Hindi ko pa naranasan na umattend sila sa graduation ko. Simula ng maliit ako bihira ko lang sila makita sa mansion at kapag may events sa school si Yaya ang to the rescue. Muntik ko na nga makalimutan na Yaya ko ang kasama ko akala ko Nanay ko na dahil palaging siya at siya ang umaatend sa ceremonies.       Hindi naman ako magaling sa school. Siguro dahil wala naman akong gana sabi ko nga sapat na sakin ang makapasa. Hindi ko na hangad ang medalya. Nabuhay ako na nakukuha ko na ang gusto. Kaya bakit ko pa pagbubutihan sa school, e kahit makatapos ako ay mayaman parin naman kami kahit hindi ako magtrabaho.     Marami kaming pagmamay-aring Hotel and Resort. Ang iba doon ay sikat talaga at dinadayo ng tao. Kaya simula bata ako ay nakatatak na sa isip ko na hindi ko kailangan magpakahirap magaral at magtrabaho. Hindi naman ako magugutom.     Pero nitong nagcollege ako. Realization hits me this year. Kung di ko pagbubutihan paano na lang yung business namin? Paano iyong isla na binigay sakin ni Mommy? Paano ko iyon pamamahalaan kung hindi ko alam kung paano.       Kaya isa din iyon sa nagpalinaw sa utak ko na dapat pala magseryoso ako kahit kaunti. Pero since kaya ko naman pala. Icha-challenge kong muli ang sarili na mas mataas pa dito ang makukuha ko. Para kapag naging Summa c*m Laude ako sobrang proud sila Mommy sakin at mapipilitan silang umattend sa graduation ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD