KABANATA 5:
NATAPOS ang buong araw ay hindi ko nakausap si Mommy. Siguro hindi parin tapos ang meeting niya. Sa dami ba naman kasi ng hawak niyang negosyo ay talagang abala iyon.
Pero kailan kaya magiging ako ang priority niya? Kahit na sana bisitahin man lang nila ako pero bakit wala?
Minsan napapaisip ako kung anak ba talaga nila ako o hindi. Kasi bakit ganon? Hindi naman enough yung materyal na bagay lang ang binibigay nila sakin.
Kailangan ko din ng pagaalaga at pagmamahal ng magulang. Iyong may memories ako with them pero wala. Iyo ata ang disadvantage kapag mayaman ang pamilya. Mayroon ka nga ng lahat salat naman sa pagmamahal.
Hindi parin ako sumuko. Paulit-ulit ko siyang tinetext dahil nasa momentum pa ko na super proud sa achievement ko!
Me:
Mom, your meeting isn't over?
Nakailang mom ako sa kanya ng sa wakas nagreply.
Mommy:
Isabella, if it's important just tell it here. I can't have calls right now. I'm talking to our investors.
Me:
Okay, I'm sorry to disturb you. I want to say it tru calls. Next time na lang.
Hindi na ko ni-replay-an ni Mommy. Busy nga. Kausap daw mga investors, e.
Mag-isa akong kumain ng dinner. Wala si Yenny dahil umuwi sa kanila. Sa susunod na araw na kasi ang biyahe namin pa Thailand kaya nagdesisyon siyang magpaalam muna sa pamilya bago kami umalis.
Hindi na ko sumama. Bukod sa gusto ko silang bigyan ng privacy na pamilya ay maiingit lang ako dahil masasaksihan ko kung gaano ka-close si Yenny sa pamilya niya.
Although, mabuti naman sila sakin dahil nakilala ko na. Hindi lang ako nagtatagal talaga sa kanila dahil nakakaramdam ako ng inggit at parang sinasampal ako ng katotohanan na kung ano ang kulang sakin.
Ang swerte nga ng kaibigan ko. Ganyan man siya ay tanggap siya ng pamilya niya. Mahal siya ng pamilya niya.
Haaay, ayokong magself-pity pero di ko maiwasan.
Ininom ko ang wine. Kailangan ko nito para makatulog ako. Buong araw kaming magkasama ni Jake pero may energy parin ako para magisip ng kung ano-ano.
Dapat pala pumayag na lang ako sa yaya niyang mag Bar kami edi sana hindi ako nagiisa ngayon at nagmu-mukmok dito.
Mabait si Jake, hindi din siya tulad ng iba kong naging karelasyon na isip bata kung umasta. Matanda kasi sakin ng dalawang taon kaya siguro kahit pa-paano matured humawak ng relasyon.
Hindi din siya demanding, hindi nga din siya touchy simula ng naging kami. I do hope na consistent ang ganyan niyang attitude sa relationship. Huwag naman matulad sa iba na nung tumagal ng dalawang buwan para ng baliw na kung ano-anong iniisip sakin.
Ayoko ng nakakasakal na relasyon. Gusto ko ng masaya lang. Go with the flow. Gusto ko iyong matured na. Kung may pagkakamali learn to compromise.
Hindi iyong galit ako galit din siya. Aba, nakakaloko naman iyon. Lalambingin ko ang sarili ko, ganon?
Di sana ako na lang magisa. Hindi na ko nag boyfriend. Para lang akong nag-alaga ng bata.
Mahilig lang si Jake sa party. Laman ng bar pero ganunpaman hindi pabaya sa pag-aaral. Nakakapasa naman siya, e. Di ko lang natanong kung kumusta ba grades niya.
Hindi naman siguro siya tulad sakin noon na basta makapasa lang ay okay na. Kasi kapag nasa school kami at break time niya. Nag-aaral pa din siya kahit na magkasama kami. Nagre-review ganon.
Dumating ang araw ng pag-alis namin patungo ng Thailand. Si Jake ay nagpapahiwatig na ng pagsama samin kaso itong si Yenny ewan ko kung anong nakain at ayaw niyang pasamahin.
Hindi ko nga din pinasama ang AFAM niya para quits. Ano 'yan i-inggitin lang nila ako?
No, way!
Pagdating ay nagpahinga muna kami kasi hapon na nung nakarating kami sa hotel. So, we decided to stay na lang the whole night at bukas na mamasyal.
The next day pa naman ang operation ni Yenny para sa s**o niya kaya mamasyal kami bukas. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siyang ka videocall ang boyfriens habang panay ang baba ng cellphone nito sa dibdib.
Nandidiri ko siyang tinignan pero hindi ako pinansin. Walang hiyang Yenny to. Matutulog na lang may pagpapa-akit pa sa jowa.
Sinuklayan ko ang buhok habang nagtitingin ng mga notifications sa Insta at f*******:.
Nagpost kasi ako ng picture kanina sa airport kaya panay ang pasok ng notif sakin. Nagtatanong pa ang iba kung magkasama kami ni Jake. Ingat daw sa biyahe at happy travel.
Alam na kasi ng lahat ang relasyon namin. Day one palang halata na dahil sa pagsundo at hatid niya sakin sa mismong classroom. Sa paghalik sa noo ko ay alam na nila yon.
Tampulan na naman ako ng usap-usapan sa batch namin dahil don. Ang bilis ko daw talaga makalimot at siguro nanliligaw na si Jake kaya hiniwalayan ko si Andrew.
Akala ko huhupa na 'yung issue na yan sa kay Andrew pero nabuhay ulit. Napangalanan pa ang hinuha nila at si Jake 'yon.
Binalewala ko na lang. Hindi rin naman apektado si Jake. Alam naman naming dalawa ang totoo. Hindi rin naman nang-gugulo si Andrew kaya okay na din.
Lumipas din naman ang balita samin. Iba na naman trip nilang pagusapan.
So, the next day nga ay nag Railay Beach kami ni Yenny. Panay ang utos ko sa kanya na kuhanan ako ng magandang shots sa suot kong black two piece swimsuit. May malaki pa kong sumbrero at hawak ng isang kamay ko iyon habang panay ang posing sa harap ng camera.
"Isa pa, baks! Blurred! Hawakan mo ulit 'yan. Tulad kanina. Geh, one... two..." utos ni Yenny.
Sinunod ko siya pero natigilan ako ng may nahagip ang pares kong mata na tila may bumaba sa langit na isang Alagad ni Adonis!
He's topless. Kaya kitang kita ang maskulado at abs nito! He's tanned kaya lalaking lalaki tignan! Nakasuot ng aviators at naka-boxers lang. Papunta sa direksyon ko!
Ngayon lang ako naka kita ng ganyan ka-matured na katawan at ang gwapo! Kaso matanda sakin yan ng ilang taon.
"Hoy! Gaga ka! Ba't ka huminto. Ang pangit ng kuha!" si Yenny na lumapit na sakin para ipakita ang shot ko kanina.
"Baks, ang gwapo! Huwag kang lilingon. Nakatingin dito," sabi ko at may bahid na ng excitement yon. Nakayuko ako at nagkunwari na tinitignan ang cellphone.
"Huh? Saan?"
Kasasabi ko lang na huwag lilingon pero first reaction kasi ay mapapalingon siya talaga pero dahil umungol ako sa iritasyon ay kalahati palang ang baling niya binalik sakin agad.
"Gagu, sa gilid ko lang nakita gwapo nga!" gigil niyang sabi habang kunwari na ding dinudot-dot ang cellphone ko.
Naramdaman namin ang paglapit niya. Nagsalita si Yenny.
"Ayan, ayan! tignan mo diba? Blurred. Ulitin... mo-"
Unti-unti kaming napalingon dahil nilagpasan niya kami at dumiretso sa magandang babae na sumuong sa dagat.
"Ay, may jowa..." bigo naming sinabi.