KABANATA 6

2454 Words
KABANATA 6:         HE was oozing with s*x appeal. Pero dahil may girlfriend na ay hindi na namin iyon pinansin ni Yenny. Sabi ko nga I’m not into boys who are with a relationship. Malandi ako pero ayokong makasira ng relasyon. Isa pa, crush lang naman wala namang masama. Talagang humanga lang ako at tsaka may boyfriend ako.       Nawala din naman siya sa isip ko nung naging busy na kami sa ilang water activities ni Yenny. Umuwi din kami sa hapon at pagod na pagod ako. Pakiramdam ko mananakit ang katawan ko lalo na at panay din ang swimming ko.     Maaga kami kinabukasan para sa operation ni Yenny. Nagantay lang ako sa kanya sa lobby since bawal naman ako sa Operating Room. Panay lang ang selfie ko, nanunuod ng videos at paminsan-minsang text kay Jake.       He was busy today since uuwi sila ng family niya sa Quezon for a vacation. Biglaang plano lang since ang lola niya ay inaaway na daw ang sila dahil hindi nakakabisita lalo na at birthday niya.       Bago makapag reply sakin si Jake ay inaabot ng ilang oras sakin ay okay lang naman. Hindi naman ako masyadong clingy. Ayoko nga nun, e. Kaya hinayaan ko siya kung ano gusto niyang gawin. Nagbasa na lang ako ng mga messages from unknown persons at nagtingin ng mga notif sa f*******: at i********:.     Panay ang pa-puri ang nabasa ko sa mga comments matapos kong i-post iyong nasa beach ako at nakaupo sa buhangin. Napatigil ako sa isang comment doon galing sa isang schoolmate.     OMG! Your photo bomber is soooo hot!       Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman masyadong napansin iyon noong una dahil naka-focus ako sa sarili ko lang. Tsaka ko lang nakita iyong lalaki na umaapaw sa s*x appeal noong may nagcomment na sa picture. Maraming tao sa likod pero nangingibabaw ang lalaking iyon sa kanila. Bakit hindi ko ba iyon napansin noong una.       Wala naman siya ginawa kundi nakatitig lang sa camera habang nakahiga sa sun longer at nakaunan sa ulo nito ang magkabilang braso. Malayo man pero kita kung gaano kaganda ang katawan nito.       May comment na doon si Jake sa picture ko na iyon.     Jake_Romero: Enjoy, babe!     May heart na emoticon pa sa dulo. Matapos kong mabasa ang comment niya ay siyang appear ng video call request niya sakin. Sinagot ko rin iyon agad. Bumungad sakin ang preskong si Jake. Basa pa ang buhok kaya panay ang pasada ng daliri nito doon para ata matuyo. Dingding ang nasa likod niya pero dinig sa background ang tila nagkakasiyahan na mga tao.       “Hi, babe! Sorry, I was really busy today. How are you?”       “Well, a little bit bored. Hindi pa tapos si Yenny kaya andito ako sa lobby. I’m planning to stroll around the area muna kung matagal pa siya.” Luminga-linga ako na para bang hinahanap si Yenny, kung nakalabas na ba o hindi. Pero sakto din dahil nakita ko nga siya papalapit na sakin.       “Oh, here she is! I gotta, go babe!” paalam ko. Bumaling ako sa kanya at nakita kong hindi ito nakatingin sa camera pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang biglang pagpungay ng mata nito na agad ding nawala nung nagsalita ako.       Tumango lang ito at nagpaalam na sakin. Pinatay ko ang cellphone pagkatapos niyon.       Successful naman ang pagpapa-boob job ni Yenny. Kaya lang dahil medyo masakit ang kanyang s**o ay hindi kami masyadong nakapasyal. We stayed in Thailand for five days. Pagkauwi ay back to usual routine na naman ako. Kapag ganitong bakasyon talaga ay wala akong ibang ginawa kundi mag-exercise. I woke up early in the morning to jog and after that I hit the gym for an hour to have cardio work out or sometimes suma-sama ako sa Yoga session.     Pagdating sa hapon ay Netflix and chill parin sometimes kasama si Yenny. Pagsumapit naman ang gabi ay laman na naman ako ng bar. I need to dahil hirap akong makatulog sa gabi. Inaatake ako ng insomia o di kaya anxiety kaya hindi makatulog agad. Kailangan ko pang uminom o di kaya pagurin ang sarili para pagdating sa condo babagsak na lang ako ng tulog.     Since bago lang ang pagpapa-gawa ni Yenny sa s**o niya ay hindi ito makasama sakin dahil minsan masakit at namamaga pa. Kaya ako muna. Wala din si Jake dahil nasa Quezon pa sila kasama ng pamilya. Nagrequest daw ang lola niya na magstay sila doon hanggang matapos ang bakasyon.     It’s not a big deal for me. Nakakapag-usap naman kami through texts or video calls. Medyo madalang lang ngayon dahil busy daw siya sa kung ano-anong inuutos ng lola niya. Binalewala ko na lang at wala namang kaso sakin kahit hindi siya magtext or tumawag sakin agad dahil alam ko ngang busy siya. Hindi naman ako iyong tipo na mangungulit kapag alam kong may ginagawa nga naman talaga ang tao.           Mabilis din na natapos ang semestral break. Balik ulit sa paga-aral. Medyo kinarir ko na itong studies ko dahil nga may gusto akong ma-achieve. Umaasa parin ako na kapag nakuha ko iyon ay bibisitahin ako ng mga magulang ko at magse-celebrate kami dahil sa achievements ko.       Sumaglit tuloy sa isip ko iyong grades ko nung nakaraan. Until now hindi ko parin nabanggit kay Mommy na mataas ang nakuha kong marka dahil wala naman siyang sinabi na free na siya. Hanggang sa nakalimutan ko na at ngayon ko lang naalala. Sinubukan kong magtipa ng mensahe sa kanya.       Me:   Mom! Are you busy? Can I call?       Nag-antay ako ng ilang minuto pero walang reply. Ayokong tumawag dahil nagagalit iyon kapag hindi tumatawag ako ng walang paalam.       Hanggang sa inabot na ng gabi tsaka siya nakareply.       Mommy:   Sorry, darling. I just got home from inspecting our newly renovated hotel in Bohol. I’m tired. We should sleep now, it’s already late. Goodnight, I love you.       Medyo nadismaya ako na hindi ko parin pala siya makausap. I replied to her and say my goodnight too. Nawalan na ako ng gana sabihin pa iyon sa kanya. Hindi talaga ako makasingit sa mga schedules niya.       Minsan parang ayaw ko ng intindihin pero sinusundot parin ako ng konsensya na dapat ay hindi ako magalit dahil talaga namang busy sila. Si Daddy nga ay hindi ko na rin nakakausap. Sa kanya ko lagi hinahanap si Mommy, e isa din siyang busy. Hindi nga ako narereplayan non kaya si Mommy ang palagi ko ng kinukulit.       Kagagaling ko lang sa bar. Hindi pa ko nakakapag-palit ng damit pero hindi parin ako dapuan ng antok. I decided to grab another drink for tonight. Hindi ako masyadong nakainom kanina dahil puro kami nagsa-sayaw sa dance floor ng mga kasama ko. Pagod ang katawan ko pero bakit hindi iyon sapat para makatulog ako ngayon?       Pumunta ako sa balkonahe ng kwarto at sumimsim ng alak. Pinagmamasdan ko ang bilog na bilog na buwan habang nagmumuni-muni na naman. Maya-maya pa ay naisipan kong sulyapan ang cellphone. Tsinek ko kung may mga messages pa ko doon pero wala. Ang huling reply lang sakin ni Jake ay kanina pang tanghali. Hindi na nasundan iyon.     Kinibit balikat ko na lang. Baka busy sa pag-aaral, graduating na kasi. Hindi ko naman ugaling mangulit at text ng text kung anong ginagawa niya kaya pinabayaan ko na lang tutal nagkikita naman kami sa school.       Natapos ang school year. Si Jake ay nakagraduate na at ako ay nasa third year pa. Buong summer ay hindi kami nagkita ni Jake. Iyong huli ay noong graduation niya. Nagcelebrate kami with his family. Hindi na iyon nasundan pa. Madalang na rin ang pag-uusap namin.       Sa lahat ng nakarelasyon ko ay si Jake ang nagtagal. Siguro kasi medyo nagmatured na rin ako? Ayoko na ng papalit-palit ng boyfriend. Isa pa simula noon hanggang ngayon hindi naging obsess or possessive si Jake which is ayaw ko sa isang relasyon.       He respects my privacy. Hindi nga iyong nangingialam ng cellphone ko. Kung iyong noon, naku isang buwan pa lang gusto ng malaman password ng cellphone ko at tignan ang soc med ko kung sino-sino ang mga nagiiwan ng message.     With Jake, smooth lang. Napaka-matured ng relationship. Hindi pa nga kami naga-away nun, e dahil hindi ako nakareply or hindi siya agad nakapag text sakin. Hindi big deal saming dalawa ‘yon kaya I find our relationship perfect.     Nagsimula ang sumunod na taon ko sa kolehiyo kasabay non ay abala si Jake sa review niya para sa nursing board exam. Nakakapag-usap naman kami pero bihira na lang dahil pareho kaming busy. Ako sa school, siya sa review. Paulit-ulit lang ang routine ko.       Ber months came at ganoon parin ang gawi. Busy sa school pero si Jake ay natapos na sa review at inaantay na lang ang schedule ng kanyang exam kaya nagkaroon na kami ng chance na makapag-date.       But not today, abala ako sa pagsuporta sa aking kaibigan. Sumali kasi si Yenny sa Miss Gay Pageant. Si Jake kasi ay hindi fan sa mga ganito. Civil naman siya sa mga beki pero hindi iyong point na makiki-join din siya samin. Ayaw niya kapag mga kasama ay puro beki. Pagkatapos ay magbonding.       Napansin ko iyon ng sinama ni Yenny ang mga gay friends niya nung nag bar kami. Iritado si Jake dahil binibiro biro siya kahit na andoon ako. Kaya hindi na iyon naulit. Pag sumasali ang kaibigan ko sa ganito ay hindi din siya sumama. Pero pag kaming tatlo ay okay lang naman sa kanya. Pagminsan na nakikisabit siya samin sa Girl bonding namin ng kaibigan.       Sumali si Yenny sa Gay pageant dito sa Makati. Pangatlo na niyang sali sa mga local pageant para maka-gain ng experience at sasali daw siya national which is Miss Gay Philippines.   I was wearing a simple shirt na may tatak na gucci at shorts na tinernuhan ng sneakers. Naka tali ang mahaba kong buhok dahil alam kong mainit dahil marami ang tao at isa pa assistant lang naman ako ng kaibigan. Mapapagod ako sa pagiging jolalay niya lalo na pag nagpalit ng costume.   Fiesta ngayon kaya may ganitong pagtitipon. Nasa backstage kami at mayroong malaking tent doon na nakalaan para sa mga kandidata. Inaayos ko ang buhok ng kaibigan habang nagme-make up ito. Lahat ng tao doon ay abala at lahat ng kandidata ay magaganda! Walang tulak kabigin! Walang chararat! Nakakaloka pa diyan ay mas mukha pa silang babae kaysa sakin!     Ang kikinis! Ang puputi! Ang sexy! Para akong manunuod ng Miss Philippines kaso nga lang beki edition.       “Ayan, tapos na!” sabi ko matapos ang huling curl sa buhok niya. Naglagay ito ng pulang lipstick bago tumayo at pinagmasdan ang sarili sa salamin.       “Grabe, baks! Ang ganda mo! Gusto ko na ata maging lalaki,” biro ko at hinawakan ko ang braso niya.       “Magtigil ka Alicia! Kadiri na lumalabas diyan sa bibig mo! Ibigay mo sakin ‘yang kipay mo kung ayaw mo ng magpakababae.” Irap niya at inayos ang suot na shirt na may tatak na Miss Gay Makati.     Humalakhak ako sa biro niya. Pumasok ang organizer ng event at sinabihan na umalis na muna ang mga assistant at ipa-final briefing na ang mga kandidata dahil malapit na magsimula ang pageant.     Kinuha ko ang gucci bagpack at sinukbit sa likod. Pawis na pawis ako dahil madaming tao sa loob. Electric fan lang naman ang mayroon pero likas talaga sakin na pagpawisan kaya gusto ko lagi ng aircon. Wala naman akong choice ngayon dahil sinusuportahan ko ang kaibigan.   Lumabas ako ng tent na nagpapahid pa ng pawis. Haggard na ata ako sa kakakulot ng buhok ni Yenny. Ang lagkit pa naman sa katawan! Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Gusto ko ng maligo. Balak ko sanang umupo muna at mamaya na lang bumalik sa Tent kapag tapos na ang rampa ni madam. U-upo muna ako sa bakanteng upuan doon sa mga manunuod.       “Ate, may nakaupo?” tanong ko kay Manang dahil bakante ang katabi niyang upuan. Umiling ito kaya doon na ko umupo sa tabi niya. Magsisimula na ang pageant at mabuti na lang may bakante pang upuan na medyo malapit sa stage. Kinuha ko ang pamaypay sa bag. Pinaypayan ang sarili habang tinitignan ko ang cellphone dahil may mga bagong text si Jake sakin.         “Ladies and gentleman. Please welcome our judges for tonight...” ani ng host.       Hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa kaka-reply kay Jake. Panay kasi ang tanong kung ano ng ginagawa ko. Kanina pa kasi ako busy at ito naman ang walang magawa ngayon. Kung sumama na lang kasi siya edi sana may ginagawa siya kaso ayaw naman. Ewan ko bakit ganito ‘to ngayon.       Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao dahil pinakilala isa-isa ang mga judges. Pinindot ko ang send button ng marinig kong nagsalita ang host.       “Ayan, dumating na ang ating huling judge para sa gabing ito. Please welcome Mr. Lucas Ortega!”       Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pamilyar na lalaki. Matangkad at moreno. Naka coat na itim. Nakaside view siya kaya ang panga at ang matangos na ilong lang nito ang nakita ko. Katatapos lang ata kumuway sa madla bago umupo sa naka-reserved na upuan para sa kanya. Nakipagusap pa ito sa kapwa judges.       Nanliit ang aking mga mata. Nakita ko na ito hindi ko maalala kung saan. Pinagmamasdan ko ang kanyang malapad na likod. Pilit kong hinahalukay ang aking memorya kung saan ko nga ba ito nakita. Nakipagtawanan ito sa katabing judge na beki. Mukhang close sila kasi ma-touchy iyong beki, e.       “Kauuwi lang niya dahil galing pa si Sir sa Thailand. Tama ano, sir? Sa Thailand kasi siya nagta-trabaho. Umuwi ngayon sa Pinas para lang mag judge ngayon. Ang lakas ng mga taga Makati sayo Mr. Lucas! Salamat po at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon. Palakpakan po natin siya madlang people!”       Namilog ang mata ko matapos sabihin ng host iyon. Kilala ko na! Siya nga iyong crush namin ni Yenny na nakita namin sa Railay Beach sa Thailand last year!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD