bc

Conceiving a Sin (Tagalog Story)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
9.9K
READ
contract marriage
pregnant
kickass heroine
CEO
heir/heiress
drama
bxg
small town
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang taong nakilala mo sa banyagang bansa ay matagal na palang may kaugnayan sayo?

Ipaglalaban mo ba ang tama kung sa mata ng iba ay mali?

#Girlpower

An Entry to Young Adult Girl Power

chap-preview
Free preview
PROLOGO
"Undress me." Those are the words I repeatedly heard from him pagkauwi nito sa bahay. Sa loob ng tatlong-taon simula ng tumigil ako sa pagmomodelo ito ang gawain ko. Sa kaniya umikot ang aking mundo. Akala ko normal sa isang may bahay ang aking ginagawa. Akala ko obligasyon ko na pagsilbihan siya mula sa pagkain, sa susuotin na damit, pagligo pati na paligayahin siya sa kama. Lumaki akong walang gumagabay na ina. Kaya marami akong hindi alam sa buhay. Umikot ang buhay ko sa pagmomodelo. Mula tatlong taon gulang hanggang dalawapu't pito.  "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Iyon naman ang tanong ko sa tuwing uuwi siya. "Hmmm," tipid na sagot nito sa akin. "'Wag mo na akong hintayin bukas. May out-of-town weekend meeting ako with the investors."  "Can I come?" "No, Aria. Wala ka namang alam sa negosyo," wika nito. Matapos ay pumasok sa banyo. Ilang sandali lumabas na ito. "You can go anywhere you like. Take my card. Buksan mo ang kaha de yero. Take however much you need," wika nito na hindi man lang ako sinulyupan o kinumusta. Matapos sambitin iyon. Tiningnan niya ang screen ng kaniyang cellular phone at diretsong dumapa sa kama. "Carlo, hindi pera ang kailangan ko. Mayro'n akong bilyones sa bangko. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko."  "Stop your pathetic drama,Aria," inis na sagot nito sa akin. "I'm tired.Pagkatapos mong ayusin ang gamit ko. Give me a back and foot massage." Ginawa ko ang lahat para sa kaniya. Akala ko iyon ay tama. Nabulag ako sa katotohan. Hindi ko alam unti-unti na pala akong naging alipin ni Giancarlo. Huli na ng aking nagpagtanto. Nahulog na ako sa kaniya. Mahal ko na siya. Bumawi ako sa bawat oras na kasama siya. Ilang taong hindi ako nagpaka-asawa sa kaniya. Hindi ko inakalang darating ang oras na makakaramdam ako ng inggit sa mga kababaihang mayro'n ng anak. It wasn't one of my goals to have a child. Hindi maganda ang childhood life ko kaya hindi ko ginustong magkaanak. Then he pleaded. "It's about time. I want to have a child, Aria. Handa ka na ba?" Pinagsawalang kibo ko iyon. Dahil ayoko ko. Hindi ko alam kung paano maging asawa sa kaniya. Maging ina pa kaya? Bumalik ako sa Italya para iwasan ang hiling ng asawa ko. Nananatili ako roon ng ilang buwan. Tumanggap ako ng ilang proyekto. Subalit sa kabila ng turing nito sa akin. Hindi na ako sana'y na hindi siya kasama. Hanggang sa nagpasya akong tuluyan ng iwanan ang trabahong naging buhay ko. Ang mga taong naging pamilya ko. Sa Italya ako nanatili sa Pilipinas naman si Giancarlo sa loob ng sampung taon. Bagaman kasal na kami. Hindi kami namumuhay bilang normal na mag-asawa. Nang makabalik ako tila nagbago ang dating malambing na Giancarlo na kilala ko. Dumaan ang mga araw. Binalot na ako ng selos sa tuwing makikita kong sinasama ng asawa ko si Monique sa mga lakad namin. Maging sa mga out of the country trips ay sumusunod ito. Madalas akong maiwan mag-isa sa hotel dahil sila ang magkasama. Mag-isa akong malungkot na namamasyal habang sila ay nagpapakasaya. Ilang buwan ang nakalipas. I suggested AI—artificial insemination dahil bukang bibig niya ang magka-anak. "Why AI? Ano'ng tingin mo sa akin? Imbaledo?" "No. It's not my intention to make you feel that way, Carlo. I just. . . hindi pa ako handa na sumiping sayo. But you want to have a child. Then we can do artificial insemination. Uso naman na 'yon ngayon sa mga magasawang gustong mag-kaanak." "Fine! What do I have to do?"  Akala ko ay magiging madugong pagtatalo ang magaganap. Subalit madali ko siyang napapayag. Walang kahirap-hirap na pumayag si Giancarlo sa minungkahi ko sa kaniya. "We have to go to London," sagot ko sa kaniya habang minamasahe ko ang kaniyang mga paa. "London?"  "Yes, London. Doon ang pinakamaraming successful na AI procedure." "Time frame?" "Three to six months. I can stay there for the procedure. You don't have to stay with me for that entire time." "So, ano'ng gagawin ko?" "We'll. Um. . . we need to book an appointment for the sperm collection. And the rest will be on me."  Tumigil ito na animo'y may pinagiisipan. So, I did what I knew would make him say 'yes' without changing his mind. Mula paa hanggang sa gitna. Then I worked him out the way he wanted me to do. "You are doing better every day, babe," he said. 'Babe' ni minsan hindi niya ako tinawag ng endearment. I felt something odd. He never calls me 'babe.'  "Keep watching the movies I told you to watch. You will master those and then perform it on me."  Marahan akong tumango. Subalit nandidiri ako sa sarili ko sa tuwing ginagawa ko iyon. Sa tuwing pinaliligaya siya sa paraang gusto niya. But I'm one of those stupid women who became submissive to their other halves.  "Okay. I'm canceling my meetings. We can leave in a week." Natuwa ako sa pagpayag ni Giancarlo. Nadala na rin ako sa kagustohan niya. Later, I was so into it. I wanted to have a child. It became an obsession. But then, I suffered from depression ng hindi nagtagumpay ni isa sa sampung IA procedure sa London. I wasted time and I wasted Giancarlos millions.  Lumalim pa aking depression hanggang sa nanlamig na si Giancarlo sa akin. Sa tuwing nakikita kong parang pakwan ang tiyan ng ibang kababaihan. Kasawian bagkus tuwa ang aking nararamdaman.  Ako raw ang may problema sabi ng ispesyalista. I didn't settle for one opinion. I did several specialists, and they all had one diagnosis. I had polycystic ovary syndrome - PCOS. I may, but it would be a miracle because I can't bear a child.  Siguro nagmana ako sa aking mama. I was born to a surrogate mother. Si Nanay Binday. Brigida dela Merced. Siya ang nagbuntis sa akin. Siya rin ang naging tagapangalaga ko. Hanggang sa paguwi ko sa bahay ni Giancarlo isinama ko si Nanay Binday. Hindi ko naramdaman ang magkaroon ng masaya at buong pamilya. Tutok sa trabaho ang aking mga magulang. Pero pinununan lahat ni Nanay Binday ang kanilang pagkukulang. Higit sa sapat ang inalay niyang pagmamahal sa akin. Wala akong alam kung paano maging asawa kaya si Nanay ang nagturo sa akin. Buhat sa mga telenovela na napapanood ko pati sa mga pocketbook na pinabasa niya sa akin. Akala ko ganoon ang isang asawa. Sunod-sunuran at maalaga. I was wrong.  What I was doing wasn't a role of a loving wife. Instead, a submissive martyr wife. Hindi masama na maging mabait, mapagalaga ngunit ang tawag sa akin ay isang martyr. Isang tanga na umibig sa lalaking hindi ko dapat minahal.  * * * Labing-apat na taong gulang ako ng iwanan ako ni Papa sa poder ng mga Palermo. Simula ng mamatay sa karambola ng mga sasakyan ang aking Mama at aking Ninang Giuliana. Naging sugarol at lasenggo na si Papa. Unti-unting nagsara ang sangay ng Casa del Rios sa buong Italya.  Hanggang isang araw . . .  "Sariah, magimpake ka na," utos ni Papa sa akin.  "Perché, Papa?"  Ako'y nagtaka kung saan kami pupunta. Kaliwa't kanan ang proyekto ko noon sa pagmomodelo. Kaya tinanong ko siya kung bakit. Hindi niya ako sinagot. Inutusan niya si Nanay Binday na iimpake ang aking kagamitan. Hindi nagtagal may sasakyan dumating. Ang karo ng mga Palermo. Nagpumiglas ako. Ayoko sa bahay ng ninong ko. Napakasama ng ugali ng anak niyang si Giancarlo. Mayabang ito at ni minsan ay hindi ko nakasundo. Subalit wala akong nagawa.  "Sariah, perdonami," hinging patawad ni Papa habang dumadaloy na walang humpay ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Wala na akong ibang maisip na gawin upang hindi ka maghirap,anak. Patawarin mo sana ako. Ito lang ang paraan para hindi ka madamay sa mga kasalanan at kasamaang na sangkot ako. Balang araw maiintindihan mo itong nagawa ko. Mula sa araw na ito. Dito ka na mananatili sa bahay ni Hugo."  "Papa! Non lasciarmi! Papa!" sumigaw ako ng sumigaw hanggang hindi ko na makita ang kaniyang anino. Nagmakaawa akong 'wag niya akong iwan ng paulit-ulit. Subalit ako’y kaniyang tinalikuran. Iyon lang. Para akong tutang iniwan sa bagong may ari at siya'y lumisan. Wala na akong naging balita sa aking ama. Wala na rin ang masyon na kinalakihan ko maging ang malawak na ubusan at winery ng mga Lombardi. Ang sabi ni Ninong Hugo ay nakansala raw lahat sa bangko ang ari-arian ng mga magulang ko. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng ipon ko sa pagmomodelo subalit tinanggihan niya ako. Hindi ko raw kailangan tubusin iyon dahil natubos na. Hindi ko akalain ako pala ang pangtubos na sinasabi niya. Matalik na kaibigan ni Mama si Ninong Hugo. Magkapareho ang mga negosyo ng kanilang mga pamilya. Isang emperyo ng gawaan ng alak. Si Ninong Hugo ang nag-iisang pangalawa kong magulang. Namatay rin sa aksidente si Ninang Giuliana kasabay ni Mama. Siya naman ang kababata ni Papa sa Pilipinas.  Makalipas ang apat na taon. Pumanayaw sa malubhang sakit si Ninong Hugo. Nag-iwan ito ng testamento. Kailangan kong pakasalan ang anak niya upang maibalik ang ari-arian ng mga magulang ko sa akin. Iyon rin ang nakasaad sa testamento upang makuha ng lehitimong Palermo ang kaniyang mana.  Nasa kasanduan na maaring hindi kami magsama sa iisang bubong o magsiping ni Giancarlo. Kasal lamang iyon sa papel upang maibalik ang winery ng mga Lombardi pati na ang nagiisang sangay ng Casa del Rios.  Sabi ni Nanay Binday suwerte raw kapag babae ang anak. Ngayon alam ko na kung bakit. Dahil kapag babae ang anak—maaring pangbayad-utang. Iyon ako. Pinangbayad sa utang ng aking ama. Pinangtubos kapalit ng ari-arian ang aking kalayaan. Matapos mukuha ni Giancarlo ang kaniyang mana. Umuwi ito sa Pilipinas kasama ang kaniyang ina. Bumisita siya sa Vienna sa ikalabinpu't-tatlong kaarawan ko. Matapos noon. Napadalas ang pagbisita ni Giancarlo sa Italya. Kinalaunan naging malapit kami sa isa't sia. Dahil sa kagustohan kong makasama na si Giancarlo. Nag-aral akong magsalita ng Tagalog. Musmos pa ako naiitindihan ko na ang wikang Tagalog subalit hindi ako marunong magsalita. Baluktot man pinilit kong matuto upang makasundo ko siya na matatas magTagalog. Pati si Nanay Binday ay pinagbawalan kong kausapin ako ng Italian. Tagalog kami mag-usap. Hindi nagtagal naging magkaibigan kaming dalawa. Sa loob ng isang dekada ni minsan hindi ko pa nakasama si Giancarlo sa iisang kuwarto. Binibisita niya naman ako sa Vienna dalawang beses isang taon. Namamasyal naman kami. Dinadala niya ako sa iba't ibang lugar. Pinamimili ng lahat na gustohin ko. Subalit nagbago ang lahat ng hilingin niya na angkinin ako. Hindi ako pumayag. Dahil hindi ko siya mahal noon. Nang mamatay si Ninong imbis na pamahalaan nito ang Palermo Winery. Nagtayo siya ng sariling winery sa Laguna. Hanggang sa umuwi ako sa bahay niya sa Pilipinas. Doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Hindi ko akalaing babalik pa ako sa dati kong gawain. Ang pumunta kong saan-saan. Ang maglustay ng pera sa mga walang kuwentang bagay. I have everything in life. Yes, I see myself as an orphan. Pero hindi ako salat sa mga materyal na bagay. Salat ako sa atensyon at pagmamahal. I was ready to give him myself pero nagulat ako. Inuwi niya si Monique sa bahay. Hindi lang iyon. Ako ang asawa pero ako ang mananatili sa guest room. Dahil ang kabit niya ang naging reyna ng sarili kong pamamahay. Hindi ko nasikmura ang lahat ng ibalita ni Monique na siya'y nagdadalantao. Para akong nauupos na kandila habang pinagmamasdan ko silang magkasama. Sa isang iglap para akong multo. I don't exist. Hindi nakikita ni Giancarlo maliban kung kailangan niya ako. "Aria, I have investors meeting tonight, and I need you to come with me," wika nito na para bagang ako'y isang kasambahay lamang. "Perché io Giancarlo? Why don't you ask your mistress to accompany you?" "Hindi ko kabit si Monique," pagalit na sagot nito sa akin. "Hindi mo kabit? Ano'ng tawag mo sa kaniya?" "I don't need a nagging bitch," aniya. "Nagging bitch? Ako na ngayon ang talakera. Tinatanong lang kita. Ano mo ba si Monique? Asawa?" "Sariah, I don't need your nagging. You will dress up and pretend to be my happy wife. Understood?" Hindi ako sumipot sa usapan. I packed my things and left. Pinauwi ko si Nanay Binday sa kaniyang probinsiya. Nagiwan ako ng pangpaayos ng bahay nila pati na rin ang pambili ng mga lupain. Gusto kong tapatan ang winery ni Giancarlo. Sa pagbabalik ko pahihirapan ko siya pati na ang kabit niya. But things didn't happen the way I wanted. I found myself empty-handed in Barcelona. So, I hitch a ride with Ian that ended in one lustful night with him.Ni hindi ko lubos na kilala si Ian. I only know his first name. But I gave myself to him. Pangbayad sa pagkupkop niya sa akin.  Three months later, I am— conceiving a sin. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook