Kabanata 1 | Barcelona

1636 Words
Apat na buwan na ang nakakaraan. . . In a leap of fate. I end up on my Spain escapade. Because I run away—I run away from my cheating husband. INIS NA INIS ako sa aking kantangahan. Nabiktima lang naman ako ng talamak na pick pocketers sa Alhambra habang nilalasap ko ang pakiramdam na mamasyal mag-isa. Sinimot ng snatcher ang pera ko. I had Five-thousand Euros and it's all gone. Mabuti na lamang ay nakita ko pa sa basurahan ang aking pitaka. Nakapagtatakang hindi ginalaw ng mga kawatan ang aking credit cards at international driver's license. Kadalasan kinuha nila iyon. Identity theft. They will use the credit card. The next thing you know someone else is splurge shopping. Kaliwa't kanan na ang charges sa carta di credito. It happened to me once. When I had a photoshoot in London. Alam ko naman na sa Europa. Naglipana ang mga mandurukot. Dahil ganoon rin sa Italya. Mas matindi pa sila sa mga budol-budol sa Divisoria at Quiapo sa Pilipinas. Pero dahil lutang ako. Hindi ko nilagay sa loob ng coat ko ang aking sling bag. When I'm about to pay for my bus ticket from Alhambra to Granada Railway Station. Doon ko lang napansin wala ng laman ang purse ko kundi ang lipgloss ko at salamin. I needed to travel by bus to Granada, and from there, I'm riding the railway to Madrid and my final stop is in Barcelona. Nakaugalian ko nang ilagay sa luggage ang aking pasaporte at paipitan ito ng cash. Turo iyon sa akin ni Nanay Binday ang aking tagapangalaga. Of course, dahil hindi ako nagiisip at wala ako sa katinuan. Again, another katangahan. When I pulled out my passport, I only had one hundred Euro. I don't know how long my hundred euros would last. Now, I don't have a choice. I will need to take out cash from my debit card. Then fly somewhere far away from Spain para hindi ako matunton ni Giancarlo. Siguro sa Switzerland or New Zealand. Sa gitna ng parke hinalungkat ko ang aking carry-on luggage. Iyon lang naman ang dala ko. Maliit na maleta. Dahil maarte ako. Ilang pirasong purses ang dala-dala ko. Dalawang pirasong sapatos at ilang pirasong damit. I was still lucky to gather seventy-five euros in loose change. Kaya imbis na sasakay ako ng train from Granada papapuntang Madrid sa bus na lang ako sumakay. I paid half as much as the train ticket with the bus ride. Although, I suffered on a six-hour bus ride stuck in a tiny sturdy chair. Nakatipid naman ako. What was left was just enough for my train fare to Barcelona. I had to save as much money as I could until I get to Barcelona. Kailangan kong tipirin ang pera ko sa pamasahe at sa pagkain. May kaibigan naman ako roon. 'Yon nga lang I need to call her when I get there. Sa tanda kong ito. Nagawa kong maglayas na parang daliginding na pinagalitan ng magulang. I was hurt. Deeply hurt. Una, kaarawan ko hindi niya man lang naalala. It's my thirty-first birthday sixteen days ago. Sa mismong kaarawan ko pa talaga isiniwalat ang kataksiklan nila. Pangalawa, he told me 'I am a nagging bitch.' Sa bait at pagkatanga ko? Ako pa ang naging talakera. At pangatlo, ang hinding-hindi ko matanggap at ang pinagluluksa ko ngayon. I saw it right before his eyes. He was in bliss. Nakita ko how happy Giancarlo was when Monique told him—she's pregnant. Habang sila'y nagdidiwang ako. Para naman akong binuhusan ng isang dram ng malamig na tubig na may ilang libong yelo. I felt numb. Numb in too much pain. Pakiramdam ko nalulubog ako sa kumunoy ang hirap-hirap makaangat muli.Wala man lang sumagip sa akin. Ako ang asawa subalit pakiramdan ako ang kabit. Dahil ako ang naging etsapwera. Nawalan ako ng karapatan sa sarili kong pamamahay. Monique acted like a queen. Giancarlo only talked to me and approached when he needed me. And so, I left the night he needed me to be his trophy wife. Because of that woman! Ibinahay siya. Tinuturing na asawa subalit hindi niya man lang inaasikaso si Giancarlo. Mula almusal nila hanggang hapunan. Ako ang nagluluto. Ang makalat na kuwarto ng asawa ko? Ako ang naglilinis. Ako ang naglilipit. Dahil ayaw niyang pumapasok sa silid niya ang mga kasambahay. I was stupid for three months. Three long months akong nagpakatanga. Hinayaan kong manipulahin ako ni Giancarlo. Hinayaan kong maging sunud-sunaran ako sa mga gusto niya. Pero lahat ay may hangganan. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagalit. Pero ang paalisin ako sa silid na dapat ay akin ay sobra-sobra na. "Aria, pack your things. You are moving to the guest room," walang modong utos sa akin ni Giancarlo pagkarating nito kasama ang kabit niya. "Bakit? Bakit ako kailangan lumipat? Ako ang asawa mo! Ako ang dapat matulog sa tabi mo at hindi ang kabit mo. Hindi ako nagrereklamong ibahay mo sa pamamahay ko ang kabit mo. Per favore, Giancarlo.Konting respeto naman. Ako pa rin ang asawa mo." "Sa papel. You are my wife sa papel. Sa papel lang," sagot nito sa akin. Para iyong punyal na paulit-ulit na tinarak sa puso ko. Totoo naman. I was his contract wife. Kinailangan lang naming magpakasal dahil sa mana niya at dahil sa ari-arian ng aking mga magulang. Giancarlo was much older than me. Siguro nga I am childish. I was only eighteen then, he was already twenty-seven. Kung kailan mahal ko na siya. Kung kailan handa na akong ibigay ang sarili ko sa kaniya. Saka naman ako nagawang saktan ni Giancarlo. Ano ba'ng kulang? Ano ba'ng mali? Dahil ba hindi ko magawang isuko ang aking puri sa kaniya ng ganun-ganun lang? Ginawa ko naman ang lahat. I was. . . I thought I am—his perfect wife. But I wasn't. I never was. I never am. Hindi ko matanggap ang panloloko niya sa akin. Dagdagan pa ng depression and frustration of my infertility diagnosis. Yes, all the fertility specialists come up to one result. Ang resulta na ikinababaliw ko ngayon. Masakit tanggapi that I'm barren. Kahit kailan hindi na ako magkaka-anak. Kung kailan gusto ko na. Kung kailan inasam ko na maging isang ina. Walang nagawa ang bilyones ko sa bangko. Hindi pala kayang gawin ng pera ang mirakulo. Nilayasan ko si Giancarlo ng gabing iyon. Hindi ko siya sinipot sa importanteng investor meeting niya. Ilang araw akong nagmukmok sa aking condominium. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa dati kong gawain. Ang pumunta kung saan-saan. Ang magliwaliw kung saan man ako abutin ng dilim. Kailangan kong alawin ang aking sarili. I need to cope up. I need to forget, and I need to move on. So, I booked a last minute sixteen days Spain Grand Tour. Nilibot ko ang buong Espanya. Hindi ko alam kung bakit Spain ang pinuntahan ko. Dahil siguro sa lugar na ito ang huling masasayang araw ko nakasama ang aking mga magulang. This country is also the last place that Giancarlo and I traveled together before Monique became part of his life. Huling araw na ng tour na kinuha ko. Iyong mga passes sa mga iba't ibang atraksyon sa lugar ay kasali pa rin sa package. My last Spain grand tour destination is Granada. Subalit nainganyo ako na bumalik sa Barcelona. Kaya humiwalay na ako sa travel tour mula sa Alhambra. So, instead of catching my flight from Federico Garcia Lorca Granada Airport to Vienna International Airport. I hopped in a bus from Granada to Madrid. Then, from Madrid sasakay ako ng train papunta sa Barcelona. I had a fabulous road trip. The tour itself is amazingly fantastic. Iyon nga lang kamalasan ang sinapit ko. Siguro nga hindi ako pinalad sa aking mga magulang. I was a surrogate baby. Siguro dahil duon hindi ako nagawang mahalin ng aking Mama ng lubusan. Ganoon rin si Papa kinalaunan. Hindi naman ako ang api. Hindi rin ako isang dukha. Nasa sa akin na ang lahat, kayamanan, katanyagan, asawa ngunit may kulang — anak. * * * KALALAPAG LAMANG NG eroplanong sinasakyan ko papuntang Madrid galing Manila. Labing-anim na oras ang biyahe magmula Pilipinas hanggang Spain. I was exhausted. I still have three hours train ride at isang oras na biyahe papunta sa aking villa. Pinangarap kong tumira sa Barcelona mula noong bata pa kasama si Nanay Maximina. Hindi ko na iyon matutupad na kasama siya. Dahil sa nangyari. Pansamantala. Habang pinaghihilom ko ang sugat na dulot ng sawi kong pag-ibig dito muna ako mananatili. Malayo sa lahat. Ilang milyang layo sa taong nagdulot ng pighati sa akin. After everything I have done for her. Nagawa niya pa rin akong pagtaksilan. Monique Caceres is my long-time girlfriend. Honeymoon trip sana namin ang bakasyong ito. I proposed to her a week ago. Sa Barcelona ko sana siya pakakasalan. But she declined my offer and left me. Nagpasya akong ituloy pa rin ang Europe tour kahit na hindi ko na siya kasama. Spain is my first travel destination. Binalak kong manatili sa aking beach villa sa Caldetes, Barcelona ng ilang linggo. Matapos ay sisimulan kong ikotin ang buong Europa. Habang naghihintay ako ng susunod na biyahe sa railway station. Agaw pansin ang babaeng nakatayo malapit sa posteng hintuan ng train. Naka suot ito ng hapit na pantalon, naka botang itim at natatakpan ng coat ang buong katawan. Pinagmasdan ko habang nililipad ng hangin ang brunette at alon-along buhok nito. Maya-maya tumunog na ang serena. Hudyat na papalapit na ang susunod na train papuntang Barcelona. Panay pa rin ang marahang pagsipa-sipa ng babae sa carry-on luggage nito. Kapagdaka’y itinigil nito ang paulit-ulit na pagsipa sa dalang bagahe. Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay may kakaibang na akong nararamdaman. Kumakalabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. 'Sana'y lumingon ka.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD