Kabanata 2 | Tren

1545 Words
PAGKARATING KO SA Madrid. Tinawagan ko si Fey, we went to the same classes sa culinary arts. Yes, I studied in Barcelona kaya dito ko nais manatili hanggang sa kaya ko ng harapin muli si Giancarlo. Kaso wala na si Fey sa kaniyang tinitirahan. Kapag minalas ka nga naman. Hindi lang isa. Sagad na sagad. Napagdiskatahan kong ilabas ang inis ko sa paulit-ulit na pagsipa ko sa aking luggage until I heard a tiny cracking sound. Naluluha akong humakbang papasok sa train. Wala na nga akong pera nasira ko pa ang luggage ko. I can. I surely can withdraw cash from the ATM machine. Subalit ayokong matunton ng asawa ko. Habang nagdada-drama ako sa aking upuan. Napansin ako ang nagmamadali binata na sumunod sa akin. Sa pinakadulong bahagi ng train ako naupo. Na sa pinakasulok na iyon. Naupo ito sa tabi ko. Pinagwalang bahala ko naman. Nagmumuni-muni ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko namalayang tumatangis na pala ako. Ikinagulat ko ang bigla nitong tanong sa akin. "Are you okay?" he asked. Napatingin ako sa mukha ng lalaking katabi ko. Mapupula ang labi nito na basa-basa pa. Ang ganda ng mga mata niya at matangos ang ilong. Parang Italyano rin katulad ko. Alon-alon ang mahaba ang kaniyang buhok. Pinagmamasdan ko pa siya na tila ba nakita ko na. Then I gazed away from him. Pasimple kong tiningnan ang larawan sa aking pitaka bago namatay ang aking mama. Larawan namin iyon ni Ninong Hugo at Ninang Giulana kasama ang aking mama't papa. Nasa gitna kaming dalawa ni Giancarlo sa larawan. I looked at the picture then I gazed back at him. Kung ikukumpara ko siya sa larawan at kung kilala ko siya. He's a younger version of my Ninong Hugo Palermo. Impossible. He's a stranger. Baka doppelganger. Sa dami ng iniisip ko talagang naisip ko pang ikumpara ang mukha ni ninong sa katabi ko. "Hmmm. . . I'm all right,” marahan kong sagot na halos ako lamang ang nakakarinig. Curiosity might have killed him. Marahil hindi ito nakontento sa aking sagot. Kaya nagtanong siyang muli, “why are you crying?" "Ano'ng pakialam mo? Tantanan mo nga ako. Kanina mo pa ako sinusundan," pagtataray ko rito. I am in a foreign country kung saan ang salita ay espanyol. If I speak Spanish? Maiintindihan niya kaya ako? Dahil mukha siyang Italyano mas maiitindihan niya siguro kong ang kinalakhan kong lengguahe ang inusal ko. Hindi siguro napansin ng lalaki na kanina ko pa nakikita ang repleksyon niya sa salamin na poste. Kayan napansin ko ang pagtitig nito sa akin Sinadya kong hindi lumingon kanina. Malayo man siya akin nakakaakit pa rin ang tindig nito. Hindi ko man maaninag ng malinaw ang mukha ng binata. Kitang-kita ko ang ang kaniyang mga labi na kay sarap halikan. "Pinay ka pala. Pinoy rin ako,” wika nito. Matapos ay may dinukot ito sa kaniyang bulsa. Panyo. Ibinigay nito sa akin ang aking panyo. A classic maginoong Pilipino moves. Walang pagaatubuling inabot ko iyon. Pinunasan ko ang aking mga luha matapos ay suminga ako sa panyo. Kapagdaka’y ibinalik ko iyon sa estrangherong katabi ko. "Salamat.” Nakangiwi ito na paranag nagdadalawang isip na kunin sa akin ang kaniyang panyo. "Sayo na lang ‘yan." "Salamat. Papunta ka rin sa Barcelona?" Tanong ko rito habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. "Mukhang hindi ka maayos miss. Ano'ng nangyari sa'yo?" "Nabiktama ako ng pick pocketers sa Alhambra," sumisinghot na paliwanag ko. Matapos ay dinukot ko ang isang daang euro sa aking bulsa."Ito na lang ang natira. Paano ako makakakuha ng titirahan ko? Pagkain lang kulang pa 'to." "You can stay in my place,” he offered. * * * HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko kung bakit kay gaan ng loob ko sa babaeng katabi ko. Kumakalabog pa rin ang aking puso na walang humpay. Tila magnet na gusto kong idikit ang sarili ko sakanya. Iyong atraksyon na hindi ko mapigilan.Iyong pakiramdam sa isang haiskul crush. Para akong teenager. "Hindi naman kita kilala. Bakit ako makikitira sa bahay mo?” Marunong naman siya mag-Tagalog subalit ang tono nito ay mali-mali. Iyong pagnarinig mo ay matatawa ka sa hindi naman buhol at hindi rin baluktot subalit hindi pino ang kaniyang pananalita. She speaks too slang. "It's not my house. Nirentahan ko lang. Kasama ko sana ang nobya ko. Ex ko na pala. Ka—" "Kaso?" pagpuputol nito sa sasabihin ko sana. Halos kalahating oras pa lamang ang nakakaraan ramdam ko na dapat ko siyang pagkatiwalaan. Nakonsensya ako sa pagkakaila ko patungkol sa aking bahay. "She broke up with me," pag-amin ko. "Sa gandang lalaking mong 'yan. Iniwan ka ng nobya mo?" natatawang tanong nito sa akin. "Naku! Ang tanga niya naman. If I was, she. Kung ako sa kaniya hindi kita iiwan." "Bakit mo nasabi 'yan?" "Eh, kasi. You don't know me, but you offered to let me stay at your place. Busilak ang 'yong puso." "Sana lahat ng babae katulad mo." "Katulad ko? I don't think so. Lahat ng lalaki gusto iyong babaeng mabibigyan sila ng anak. Ang malas ko lang. Wala akong kakayahang magka-anak." * * * I DON'T UNDERSTAND why I was too comfortable talking with him. Hindi ko maipaliwang kung bakit magaan ang loob ko sa lalaking katabi ko. Pakiramdam ko. Nagkakilala na kami noon pa. Iyong pakiramdam na hindi ko kailangan magkunwari. Ramdam ko na karapatdapat tiwalaan ang lalaking kausap ko. Perhaps, I am feeling this unexplainable attraction because he has resemblance with my Ninong Hugo. My godfather who treated me like a daughter than my biological father. "Kaya ba naririto ka?" tanong nito habang nakatitig sa aking mga mata. No! Sa aking mga labi. "Oo, para hanapin ang sarili ko. Kaso malas. Minalas ako." "Hindi ka malas. Nabiktima ka lang," he said. It felt like he was comforting me. "Salamat. Pinagaan mo ang loob ko,” sagot ko sa kaniya. * * * KAHIT NA MUKHANG sasama naman ito sa akin. Nagiisip pa rin ako ng alibi kung paano ko ba siya mapapayag na sumama sa akin. Iyong kusang sumama sa akin. 'Kung pilitin ko naman ito baka magalit.' "Oh,pa-paano? Tutuloy ka ba sa titirahan ko?" "Wala naman akong pagpipilian. Kaysa matulog ako sa kalsada." "Taga saan ka?" tanong ko sa kaniya. "Venice. Sa Venice ang mga magulang ko but I lived in Vienna all my life." "Venice? Italy?" "Si," sagot nito sa akin. "Oh, Italyana ka pala. Bakit magaling ka mag-Tagalog." Natawa ito sa sinabi ko. "I don't speak fluent Tagalog. Nagpapatawa ka ba? Hindi ako magaling. Bulol na baluktot pa." "No, you do speak well," papuri ko sa kaniya. "Grazie," saad nito. "Nag-aral ako mag-Tagalog. Ikaw? Taga-saan ka?" "Manila." "Ano'ng work mo?" tanong niya sa akin. Sinabi kong simpleng empleyado lang ako. Pawang hindi kapanipaniwala. Mukha akong negosyante sa tindig pa lang maging sa damit na suot ko ay naghuhumiyaw na ang karangyaan ko ngayon sa buhay. "Empleyado sa factory," sagot ko sa kaniya. Tagapamahala ng factory iyon sana ang sasabihin ko. "Empleyado sa factory tapos nakapunta ka ng Barcelona?" "Matagal kong pinagipunan. Ikaw?" "I'm a fashion model. Sa Italy. . . dati," sagot nito na tila may lungkot at panghihinayang. "Oh, hindi ka na modelo?" "Hindi na. I stopped three years ago turning four. I wanted to have a baby. I'm thirty-one. Konting-konti na lang.I'll be lampas na sa calendar." "Oh, pareho pala tayo. Gusto kong magkaanak." "There's a lot of ways to have a child. You can do surrogacy like my parents." “I will if I can, but I am impotent kaya iniwan ako ng nobya ko." "Masyadong personal na yata ang ating usapan." "It's okay. We're adults, and I guess we bump into each other because we are struggling with the same issue." "Siguro nga." * * * NAKATULOG AKO SA byahe matapos makipagkuwentohan sa lalaking katabi ko. Ramdam ko ang pasulyap-sulyap nito sa akin. Pinagmamasdan niya ang aking mukha. Animo'y sinisino ako. Katulad rin nang pagtitig ko sa kaniya kanina. "You have told me everything about you. But you haven't introduced yourself," saad nito habang hinawi ang tumatabing na buhok sa aking mukha. Bago niya pa iiangat ang kaniyang mga kamay. Hinawakan ko iyon. Ipinatong ko ang aking mga palad sa kaniyang kamay na nakadampi sa aking mga pisngi. "Aria. Aria ang pangalan ko," usal ko habang nakapikit ang aking mga mata. Marahan kong ibinuka ang aking mga mata. Imbis na magulat tila nagustohan ko pa ang pagtitig nito sa akin. Dahan-dahan nitong inalapit ang mukha sa aking mukha. Hanggang sa magkiskisan ang aming matatangos na ilong. Matapos siniil ako nito ng mapusok at mapanghanap na halik. Hindi ako nagpumiglas while he ravashingly kissed me. I kissed him back. Sweetly, passionately. I never kissed Giancarlo the way I was kissing back this stranger. "I'm sorry." "You're a good kisser," walang pagdadalawang isip na papuri ko sa kaniya. “I-ikaw rin,” sagot nito sa akin. Then he smiled back at me, planting a quick smack on my lips. He was an expert on the way he kissed me. It was just a kiss. Just-a-kiss. Pero ramdam ko ang electrifying sensation that runs through my veins. I felt my wetness. Then, I saw how his pants were bulging. "You want me in your bed. Don't you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD