HINDI KO NAPIGILAN ang aking sariling humanga sa katabing kong binibini. Nakakaakit ang mapupula at mamasa-masa nitong labi. Hindi ko alam kung bakit basta ko na lamang siniil ang mga labi nito ng mapasok at mapanghanap na halik. Inaasahan kong magasawang sampal ang dadampi sa magkabilaang kong pisngi. Ngunit iba ang nangyari. Tumugon siya ng banayad hanggang sa marubdob nitong sinalubong ang aking mga labi.
"You want me in your bed. Don't you?"
"Huh, hindi,” pagkakaila ko.
Subalit habang dumarampi ang mga labi ko sa labi niya ay naglalaro na iyon sa aking isipan. Kung paano ko siya aangkinin. Sensual ba o marahas katulad ng gusto ni Monique. Imahinasyon ng kabuuan ng kaniyang katawan ang naglalaro sa aking isipan. Kung gaano kaganda ang tinatago nitong alindog sa ilalim ng makapal na damit.
“Pasensiya. Pasensiya na talaga. Hindi ko sinasadya."
* * *
PAULIT-ULIT NA HUMINGI ng paumanhin sa akin ang binatang katabi ko. Subalit hindi niya naman iyon kasalanan. Tinugon ko. Sinalubong ko ang bawat galaw ng kaniyang mga labi. Pakiramdam ko ako’y nasa alapaap habang naghahalikan kaming dalawa. Hindi ko iyon naramdaman kay Giancarlo. Kakaiba ang dalang sensansyon sa aking katawan ng bawat pagdampi ng balat nito sa akin.
"It's okay. You can take me. Wala akong pangbayad sa kabutihan mo sa akin. Sarili ko na lang ang ipangbabayad ko.”
I sounded like a promiscous woman. Tila wala akong pakialam sa aking sarili. Pakiramdam ko patapon na ang aking buhay. Hindi ko pagsisihan kung may mangyari man sa amin ng estrangherong kaulayaw ko ngayon.
May itsura naman siya. Besides, wala naman siyang alam patungkol sa akin. Basta hindi ko sasabihin ang totoo kung pagkatao. Alam kong kapag nasambit ko ang Lombardi-Rios o Palermo madali niya akong matutunton. Ako na lamang ang natitirang tagapagmana sa aming angkan. Si Giancarlo rin lang ang nag-iisang Palermo sa Vienna na may winery.
I haven’t done outrageous things in my life. I always wanted to be perfect. De numero ang bawat galaw ko noong nabubuhay pa ang aking Mama. Takot na takot naman akong magkamali dahil ayokong ma-disappoint sa akin si Papa.
Hindi naman ako malayang makagalaw noon sa poder ng mga Palermo. Takot na takot akong palayasin ni Ninong Hugo.
So, now? Having a one-nightstand with a stranger would be part of my wild adventure. Hindi na rin kailangan pa nitong malaman na may sabit na ako. He doesn’t need to know. Dahil bukas sa paggising niya wala na ako sa tabi niya. I just need a few hours of fun. A few hours to be me. Iyong mararamdaman kong mahalaga ako. Importante ako. Mahal ako.
"Hey, don't talk like that,” malambing na saad nito sa akin.
"Wala naman talaga akong pangbayad sa alok mong makitira sa'yo. I can't offer you anything else but myself—my body."
Natahimik ito sa mga narinig niya sa akin. Yes, I am blunt. Ni hindi ko pinagisipan man lang. Maari ko namang sabihing maninilbihan na lamang ako sa kaniya. Subalit iba ang lumabas sa aking bibig. Dala na rin siguro sa mapangakit nitong halik kanina lamang sa akin.
Nakaawang ang bibig nito na tila iniimbitahan na naman akong sakupin ang mapupulang niyang labi. His lips were pouted and plump.Kissable lips ika nila. Hindi katulad ni Giancarlo manipis ang mga labi.
Marahil iniisip niya na mukha akong dalagang Pilipina—pa-demure pero taklesa. Hindi man lang ako nakaramdam ni katiting na kahihiyan sa harap nito. Pakiramdam ko. Ako. Ako habang kasama siya. Hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangang ingatan ang bawat galaw ko o bawat salitang sasabihin ko.
"My fiance took his mistress in our house. Ibinahay niya ang kabit niya kasama ako. They make love in our bedroom too. So, I think I can fool around like him. It’s just fair, right?"
Wala sa sariling napaamin ako sa totoo kong nararamdaman. I wanted to do the same as what Giancarlo did to me. Kung kaya niyang mangbabae? Kaya ko rin gawin! I am being rebellious. I wanted to avenge myself. Gusto ko rin masaktan si Giancarlo as much as he shattered me.
Sa pagbabalik ko ibang Sariah na ang haharap sa kaniya. Hindi na ako iyong tangang martyr na asawa na sunod-sunuran sa bawat utos niya. Tila napipi ang estrangerong katabi ko sa narinig niyang binulalas ko. Sa narinig niyang hinagpis ko.
“Hindi mo maitatama ang kamalian ng paggawa ng alam mong mali, Aria. Nasasaktan ka. Naapakan ang p********e mo kaya ka umalis sa piling niya. Tama ba?"
Nasasaktan ako? Oo. Sana kaya kong harap-harapang sabihin at aminin na nasasaktan ako kaya ko tinakasan ang aking asawa. Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat na pagaasikaso ko kay GianCarlo ay magagawa niya akong pagtaksilan. Tumangi lamang akong sumiping sa kaniya dahil hindi pa ako handa. Iyon lang naman ang hindi ko maibigay sa kaniya. Kasalanan na ba iyon matatawag? Kakulangan na ba iyon bilang asawa?
We kiss and we make out katulad sa ibang mga mag-asawa o magkasintahan. I did my best to learn how to pleasure him the way he wants it. Ipinagagaya niya sa akin ang mga foreplay stunts sa mga video na pinapanood niya sa akin. I was a submissive wife in all aspects. Subalit kahit anong subok ko hindi ko magawang ibigay at isuko ang sarili ko kay Giancarlo. Hindi ko magawang magpangangkin sa asawa ko.
"I thought I was the perfect girlfriend," himutok ko.
"Wala naman akong nakikitang mali sayo,” aniya.
"Dahil hindi naman ikaw ang nobyo ko. Teka nga! Ba't ba ko nagkukuwento sa'yo ng buhay ko. I feel so pathetic."
"Mas okay maglabas ng sama ng loob sa taong 'di mo kilala kaysa sa kilala mo,” turan nito.
Natawa ako sa sinabi niya. Pero tama siya. Mas okay talagang magvent out sa taong ‘di ko kilala. Dahil pagtalikod ko wala na silang pakialam sa’akin.
"What kind of logic is that?"
"Look at you. You are telling me your heartbreaking story. Don't you feel a little better than earlier?"
"Huh? Medyo. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko. Parang nawalan ako ng tinik sa lalamunan. Parang nabunot ang punyal na nakatarak dito,” turo ko sa aking dibdib.
"Then you can tell me everything. Makikinig ako,” saad nito.
* * *
NAHABAG AKO SA pinagdaanan ni Aria. Mas malupit pala ang tadhana sa kaniya. Mabuti ako. Hindi ko nakita kung sino ang pinagpalit sa akin ni Monique. Mas masakit siguro iyong makita ko ang bago niyang kasintahan. Nagkuwentohan pa kami hanggang 'di ko namalayan ang oras.
Maya-maya pa habang nakasandal ang ulo niya sa balikta ko. Bigla na lamang itong humagulgol muli. Tumatangis ito na tila ba namatayan. Ramdam na ramdam ko ang poot, galit at pighati ng kaniyang nararanasan. Kusa kong niyakap si Aria. Hindi naman ako nito tinulak bagkus hinayaan akong pakalmahin siya.
Ilang saglit pa ang lumipas nag-anonsyo na papalapit na kami sa estasyon ng tren sa Barcelona. Hanggang sa nakalabas na kami ng estasyon. Doon ko lamang napagtantong kanina pa pala magkahawak ang aming mga kamay. Kanina pa habang nagpapalitan kami ng kuro-kuro.
"I've told you, my story. Hindi ko man lang alam ang pangalan mo," anas ni Aria.
"Ian,” tipid na sagot ko sa kaniya.
"It's my pleasure to meet you, Ian."
"The pleasure is mine, Aria."
Nagkatinginan kami ng ilang saglit. Mga titig na halos ayaw ko ng pakawalan. Napakaganda ng mga mata ni Aria. Sa bawat sulyap niya. Sa bawat tingin niya tila nangungusap ang kaniyang mga mata. Nang makabalik ako sa aking ulirat. Binitbit ko na rin ang dalang bagahe nito.Lumingkis naman sa mga braso ko si Aria. Kung titingnan kami ay tila masayang magkatipan. Walang bahid na ngayon lamang kami nagkakilala.
"Kalahating oras ang layo rito ng villa na nirentahan ko."
"Oh, mag-taxi ba tayo?" tanong nito sa akin.
"No. I rented a car."
* * *
THE WAY IAN talked to me earlier ay nakakapanghinala. Tila hindi naman ito mahirap 'di gaya sa sinabi nito kanina. Renteng a car in Barcelona is pricey. Kailangan ng malaking halaga lalo na kung top-down car ang rerentahan.
Nagtataka na ako sa kaniya. Pinong-pino ang kilos nito.Ang mga kamay niya ay malambot kahit na mababakas na may kalyo iyon. Ang pananalita nito ay bakas na may pinagaralan. Hindi rin matigas ang Ingles niya. Napansin kong mamahalin ang suot nitong sapatos. Maging ang relos na kanina niya pilit tinatago sa akim ay mamahalin rin. Alam na alam ko ang mga tatak ng mga signature at luxury items. Some of those I got for free from my endorsements.
Ian’s watch is a Cartier—a Santos-Dumont platinum gold with hawkeye cufflinks. Cartier only released one hundred units of those. If I am not mistaken, it’s about thirty-three thousand dollars. I have a feeling he's not only a factory worker. Well, I don’t care kung sino pa man siya. All that matters is he was kind enough to hitch me a ride and share his roof with me.
"Bahala na," bigla ko na lamang naiusal.
“Bahala na?” takang tanong nito sa akin.
“Bahala na kung saan mo man ako dadalhin. I'm here to have fun and make the most out of being away from home. Away from everything.”
“Well, we can both have fun, Aria.”
“Ian,” tawag ko sa pangalan niya. Sinulyapan naman ako nito. Matapos ay huminto maglakad at tinitigan ako.
“Hmmm,” tipid na tugon nito.
“Would you be lost with me?"