Kabanata 4 | Prague

1482 Words
MANGHANG-MANGHANG AKO sa taglay na confidence ni Aria. Alam niya na maganda siya at alam kong alam niya na hindi man ako magpakita ng motibo. Ramdam niya siguro na naakit ako agad sa kaniya. Hindi dahil sa taglay nitong kagandahan o alindog na tinatago nito sa makapal niyang baro. Subalit sa ugali nito na tila walang pagkukunwari. Tila nahulog agad ang loob ko rito.Iyong pakiramdam na pawang karugtong siya ng aking buhay. Malalim ang katagang binitawan ni Aria. 'Would you be lost with me.' ‘Should I be lost with her?’ Paano ba itatama ang kamalian sa isa pang kamalian? Tama bang sakyan ko ang poot at kalungkutan niyang nararamdaman? Maibsan kaya ang sakit at pighati sa kaniyang kaloob-looban kung tatalima ako sa mga pang-aakit niya? Ibig sabihin ba ay magpapakawala siya. Magpapakawala kasama ako? "You don’t know what you are saying. Baka mamaya pagsisihan mo ang desisyon mo, Aria.” “Matanda na ako, Ian. I haven’t experience to do wild stuff with someone I barely know. Someone I didn’t know at all. Mukhang magpakakatiwalaan ka naman. Hindi mo naman siguro e-take advantage ang aking karupukan.” “Your-your . . .I think you need a drink, woman,” saad ko. Bigla akong nawalan ng sasabihin. Napipi ako sa katotohanang sinaad niya. Yes, I will not take advantage of her. Hindi ko iyon gawain. Hindi ko nagawang angkinin agad si Monique noon sa kabila ng paglabas ko ng milyones maisalba lang ang puri niya sa mga hangal na kaluluwang lalaki doon sa bidding na pinagkuhaan ko sa kaniya. Si Aria pa kaya? Tindig niya pa lamang kagalang-galang na. Hindi ko lubos maisip kong paano siya nagawang lokohin ng kaniyang nobyo. Marahil mahalaga nga ang sensual o romantikong bahagi ng relasyon pero hindi iyon basihan sa dalawang pusong wagas ang pagmamahalan. Siguro nga hindi lubos ang pagmamahal ng mga karelasyon namin. Siguro kami lang ang nagbigay ng lubos at wagas na pagibig at hindi sila. Kung nagkataon ako ang naging kapareha niya hindi mahalaga kung magkaanak man kami o hindi. Maraming paraan. Maaring mag-ampon. Sa damin ng salapi ko ngayon. Maari kong bilhin ang sensya. Maaring makagawa ng mirakulo. Ramdam ko ang pakiramdam na may kulang. Marahil ganoon rin ang pakiramdam ni Aria ngayon. "Yes! A drink. I want a drink. Let's get wasted," aniya. Kanina lang ay purong Tagalog ito magsalita. Ngayon naman ay sunod-sunod na Ingles. Baka kapag nagsalita na ito ng lengguaheng kinalakhan niya ay hindi na kami magkaintindihan. Pinanganak man ako sa Italya pero hindi naman ako doon lumaki. Buong buhay ko sa iskuwater ako nakatira. Doon kami nanirahan ni Nanay ng mahabang panahon. Hindi ko naranasan ang marangyang buhay habang ako’y lumalaki. Alam kong nagsasabi si Nanay ng totoo sa aking ama. Ako’y lehitimong anak nito subalit hindi niya pinakinggan ang aking ina. "Ian,” tawag nito sa akin. Napakalambing ng boses ni Aria. Tila musika ang malamig niyang boses. Iyong hindi ka magsasawang pakinggan ito habang nagkukuwento. "Hmmm. . ." sagot ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa estasyon ng rentahan ng mga sasakyan. "How old are you?" nasamid ako sa tanong nito sa akin. Sasabihin ko ba ang totoo o magkakaila ako? Sa huli pinili kong sabihin ang totoo.”Forty." "Kuwarenta?” gulat na wika nito. “Wow! You look younger than your age. I thought magkaedad lang tayo.” "Must be my Filipino-Italian genes,” I bragged. Then, I smiled at her. "Oh, Italian ka rin?" "Hmmm. . .half-Italian. Ikaw?” “Pinoy ang tatay ko. Si Mamita. I mean my Mama is pure Italian.” “Oh, kaya pala ang ganda-ganda mo,” wika ko. “Alam ko na ‘yan. ‘Wag mo na ko bolahin. So, saan ka sa Italya lumaki?” "I was born in Milan. Kaso, ayaw ng tatay ko sa akin. Nagsisinungaling raw ang nanay ko. Katulong ang nanay ko sa mansyon ng tatay ko. Anak ako ng amo ni Nanay. Nagkarelasyon ang Nanay ko sa tatay ko bago pa man ikasal sa nanay ng kapatid ko. Matapos maikasal ang tatay ko sa asawa niya. Nalaman ni Nanay na buntis siya sa akin. Ipananganak ako sa Milan. Subalit ayaw akong patirahin ng tatay ko sa poder niya. Pasalamat na lamang ako at pinayagan niya pa rin ipagamit ang apelyido niya sa akin." "Saklap naman. Ibig sabihin sa Pilipinas ka lumaki?" "Yes, sa iskuwaters sa Tondo." "You mean you grew up in the slums?” takang tanong nito sa akin.”You don't look like poor,” dagdag pa nito. Hindi naman nakakainsulto ang pagsambit nito ng mga katagang iyon. Subalit naalala ko kung paano kami laiitin ng mga mayayaman noon. Kung paano kami tapak-tapakan na parang basura lamang. Iyong pakiramdam na ang tulad naming dukha ay salot sa lipunan. "Hindi naman masusukat ang halaga ng tao dahil hampaslupa lamang." "Sorry, I didn't mean to say that." "Naunawaan ko. Ikaw saan ka lumaki?" "Sa Vienna,Venice, at Milan. Mostly Vienna. My Mamita died when I was fourteen. Then, Papa become a gambler. Ginawa niya akong pangbayad sa utang niya kaya ako napadpad sa Pilipinas." "You mean pinagbili ka ng tatay mo sa nobyo mo?" "Hmmm,” tumango ito.”Yeah, I was sixteen.” "You said may ibang babae ang nobyo mo. Nobya niya na ba 'yon bago kayo?" "Siguro. Hindi ko alam." "You have such a wreck relationship than I am, woman." "Kaya nga. Get lost with me. I think I trust you, naman." "'Wag ka magtitiwala agad sa mga taong nasa paligid mo, Aria. Hindi lahat ay totoo. Karamihan ay huwad at nagbabalat kayo." "I don't think you are one," aniya. “Paano kung serial killer pala ako?” “Sa gandang lalaki mong ‘yan. Mamamatay tao ka? Baka naman ibig mong sabihin maraming nagkakandarapang mga babae sa paligid mo at handang magbuwis buhay para sayo," anito. “Mailap ako sa mga babae, Aria. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nagkakilala na tayo.” “That’s impossible—all my life. I live in Italy. If you are a traveler like me. Perhaps we crossed our paths once before.” Ginunita ko ang mga araw na sunod-sunod na iba’t ibang bansa ang aking pinupuntahan para sa mga investors meetings. Doon nagsimula manlamig sa akin si Monique. Nawalan ako ng oras sa kaniya noon. Sa isang linggo halos gabi na lamang kami magkita. Marahil kasalan ko rin kaya naghanap siya ng kalinga ng ibang lalaki. Pero sana. Sana. Sana naisip niya na maganda at marangya ang naging buhay niya kapiling ako. Ni hindi ko nagawang ipasiyasat kung saan siya nagpupunta sa tuwing Miyerkules at Linggo. Hindi ako naghinala kahit katiting man lang. Sobra-sobra ang pagtitiwala ko kay Monique. “Where are we going after picking up your rental car, Ian? “To the villa,” sagot ko sa kaniya.“Na-nakarating ka na ba sa Prague?” “Yes, the Czech Republic,” sagot nito sa akin.”Mamita used to take me with her. She’s a fashion model and an actress. She used to have photoshoots there.” Napakadaldal pala nito. Parang hindi nauubusan ng ikukuwento. Naiinganyo naman akong pakinggan at pagmasdan siya habang nagkukuwento ito. Nalibang ako sa pakikipagusap ko sa kaniya. Tila naibsan na rin ang sakit na nararamdaman ko. Para siyang gamot sa aking mga sugat. “Natatandaan mo ba kung kailan ka nakapunta sa Prague?” “The last time I was in Prague? I think—twenty-three. Sa Spain, Portugal, Czech Republic at Belgium ang huli naming travel ng nobyo ko na kami lang dalawa magkasama. That was before I decided to live with him.” ‘Petrin Park, Prague.’ Siguro doon ko siya unang nasilayan.Habang naglalakad narinig kung may kumalam na sikmura. Hindi naman ako iyon dahil kumain naman ako sa eroplano. Maya-maya pa narinig kong muli ang pagaalboroto ng tiyan. Sinulyapan ko si Aria. Nakangiwi ito at bahagyang nakahawak sa kaniyang tiyan. Hindi ko napigilang ‘wag mag alala. "You're starving?" tanong ko sa kaniya. “Sorry. Nakakahiya.Hindi pa ako nag-umagahan.” “Aria, dapit-hapon na. Hindi ka pa kumain?” Naluha ito sa tanong ko.”I told you. I only had a hundred euros left. Wala na sa Barcelona ang kaibigan ko. So, I don’t have anywhere to go. I don’t have cash, and I can’t withdraw. I don’t want him to locate me.” “Come on then. Let’s hurry. Kaya mo pa ba maglakad?” “Yeah, I can manage.” “Let’s grab you a bite before we drive down to Playa de Caldetes.” “Wala akong pangbayad sayo ngayon, Ian.” “No, worries. A simple thank you is enough.” “Salamat. Maraming salamat. Someday, masusuklian ko rin ang kabutihan mo sa akin.” “Just promise me hindi ka na muli magpapakatanga sa kaniya. Iyon lang. Sapat na. I’ll be happy when I see you happy, Aria.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD