NANATILI KAMI NI Ian sa mamahaling hotel sa Zurich ng ilang araw. Namasyal kami hanggang sa Geneva. Iyon na ang pinakamasayang paglalakbay sa buong buhay ko. Kung saan-saan kami dinala ng aming mga paa. Walang tigil si Ian sa pagkuha ng mga larawan sa bawat lugar na aming puntahan. Kahit na nasa loob lamang kami ng hotel. Iyong tila ba nagkokolekta siya ng masasayang memorya kasama ako.I want all those pictures to only show happiness. Iyong walang pangamba na makikita sa bawat larawan na kinuha niya. So, I played around with him posing like I am on a photoshoot. "Aria, dito ka tumingin," anito. "Ganito ba?" I seductively pose in front of him. I stride my legs out from the slit of the long gown I'm wearing. I purposely moved sideways upang ipakita sa kaniya ang aking hinaharap. I acte