It will take us four hours before we reach Zurich, Switzerland. Dahil delayed ang flight due to unprecedented dangerous weather ang madaling araw na flight namin ay naging alas kuwatro ng umaga. Mabuti na lamang at business class ang seats namin ni Ian. So, we’ll have free access to the airline lounge.
Bago kami tuluyang dumaan sa security check in. Nagpaalam ako kay Ian na pupunta muna ako sa banyo. Iniwan ko sa kaniya ang aking bagahe. Tahimik itong nakatayo sa labas ng banyo ng mga babae. Tinanguan lang ako nito imbis na tumugon sa akin. Sobrang tahimik niya pa rin matapos ang huling usapan namin.
Nang papalabas na ako sa banyo nakita kong muli si Ernesto. Akala ko ay nailigaw ko na ito.
"Señorita, mukhang hindi sa Vienna ang lipad mo,” anas nito sa akin. Tumatawa-tawa ito na tila ba may binabalak na masama.”
“Ano bang pakialam mo, Ernesto?”
“Ano kayang gagawin ni bossing sayo kapag nalaman niyang may kasamang ibang lalaki ang asawa niya?”
“Are you blackmailing me? Get lost!” I hissed.
“May mga ebidensya ako,” anito.
Naginit ang dugo ko ng sabihin nito ang tungkol ebidensya. Siya nga iyong kumukuha ng larawan ko. Alam kong pasusundan ako ni Giancarlo. Nakasalalay sa kasal naming ang kaniyang mana. Once na maghiwalay kami mawawala rin lang ng pinama sa kaniya. Ang lahat ng iyon ay i-dodonate sa charity. Iyon ang kasunduan.Iyon ang aking naintindihan kaya pinilit kong mapalapit kay Giancarlo. Everything was all for his sake. Hindi para sa akin. I have billions from my own earnings. Kaya kahit mag-divorce man kami hindi iyon kawalan sa akin.
Sa init ng ulo ko agad kong nasipa ito sa kaniyang hinaharap. Namilipit siya matapos minura ako.”Naknampucha! Kabayo ka ba? Ba’t mo ko sinipa?”
Hinawakan ko si Ernesto sa kaniyang kuwelyo.” Dahil gusto ko? Aangal ka?”
“Santa-demonyita ka pala,” wika nito habang hawak pa rin ang parting binagok ko. “Ibang-iba ka na sa Sariah na kilala ko.”
” Oh, that Sariah? She’s dead.Ibibigay mo sa akin o tutuluyan kita?”
I don’t know where I got the courage to act ferociously.Sagad na sagad na ako sa mga pinaggagawa ni Giancarlo.
“Hindi mo magagawa nasa paliparan tayo, Señorita.”
“Oh, really? I can fake your s****l assault on me. Don’t you think I can?”
Being a model is not only posing for photoshoots or videos. We need to know how to be an actress too to portrayer the endorsements better. Kapag marunong umarte mas maganda ang kinalalababasan ng video at mga larawan. Kayang-kaya kong umarteng na-harass niya. I know Ian will save me and it will be the end of him. Pero hindi pa naman ako masama. Desperado na siguro sa pera para sa kaniyang pamilya.
“Tuso ka nga.”
“Hindi ba, dati pa? You can see how I defeated Giancarlo in our fights before. Gusto mong gawin ko sa’yo iyon? Nakita mo naman noong mga bata pa kami ‘di ba?”
“Dati pa ‘yon, Señorita. Iba na ngayon. Malakas at makapangyarihan na si bossing.”
“Kaya pala okay lang sa kaniya na mangbabae siya?”
“Eh, kayo rin naman nanlalaki. Siya ba ang pinalit mo sa amo ko?”
Tinuro nito si Ian na hawak ang telepono. May kausap na naman ito na tila seryoso ang pinaguusapan. Sumalyap ito sa kinaroroonan ko. Biglang kong sinipa si Ernesto papalayo sa akin. Binaba ni Ian ang telepono at nagsimulang lumakad papalapit sa akin.
“Aria!”
Nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Sinundan ko si Ernesto.
“Now, give me that darn SD card bago pa magbago ang isip ko at tuluyan kita.”
“Sampung milyon kapalit ng mga larawan mo.”
“Nasaan ang SD card?”
Inabot nito sa akin ang SD card na dinukot nito sa kaniyang bulsa.
” Hindi ka gumawa ng kopya?”
“Wala. Walang kopya.”
“Hindi mo pa ito pinadala kay Giancarlo.”
“Hindi. Hindi pa.”
“Siguraduhin mo dahil idadamay ko ang pamilya mo sa oras na malaman kong ginagago mo ako, Ernesto. Tell your boss he doesn’t know who I am.’Wag niyang sagarin ang pasensya ko. Magkasama silang lulubog ng kabit niya!”
“Iyong pera ko?”
“Bakit? Sumangayon ba akong bibigyan kita ng sampung milyon?”
“May oras ka rin, Sariah,” anito.
Nagpakatanga ako ng tatlong-taon. Hinalon ko ang pride ko para sa kaniya. Now it’s time to show my horn. ‘Pababagsakin kita Giancarlo.’ Gagawin ko rin sa kabit mo ang ginawa niyang pagpapasakit sa akin.
Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Ian habang nakahalukipkip ang mga kamay ko sa galit.
“Aria, maayos ka lang ba? Sino iyong hinahabol mo?”
“Kinuhaan ako ng larawan ng walang pasabi. Pina-delete ko lang.”
“Oh, tara na. Maya-maya lang mahaba na ang pila sa security check-in.”
“Okay.”
Ginagap nito ang aking mga kamay na hindi ko namalayang may galos pala. May konting dugo iyon na hindi ko napansin.
“Your knuckles are bleeding. Nakipag-away ka ba?”
“I punched that guy.”
“Ano? Sinuntok mo?”
“Yes.”
“Bayolente ka pala,” anito na nasumilay ang ngiti. Akala ko galit siya sa akin.
“Hindi ah, self-defense lang ‘yon.”
“Hugasan mo muna ‘yan. Wait for me here. Bibili lang ako ng gamot diyan sa sugat mo.”
“Ian, it’s a tiny scratch.Napaka-overacting mo naman.”
“Don’t you like someone to care for you?”
“Gusto ko. Pero hindi ako sanay at ayokong masanay. Paano kung bigla ka na lamang mawala sa tabi ko? Hindi pa ako handa para sa pangalawang sakit dito,” namantsahan ng dugo ang suot kong bistida nang hindi ko sadyang mailagay ang sugatan kong kamay sa aking dibdib. “Kaya Ian. Please, stop, caring for me too much. Nakakadala ‘yang mga the moves mo.”
“I can’t stop caring for you. Ito ang nararamdaman ko. Hindi mo naman mapipigilan kung kusang ganito ang reaksyon ng puso ko at ng katawan ko sa’yo, Aria.”
“It’s enough, I’m sorry. I’m out of line. Thank you for taking care of me kahit hindi mo naman ako lubos na kilala.”
“Hugasan mo muna iyang kamay mo.”
Hindi na ito pumunta pa kung saan. Pagbalik ko kinuha niya ang kamay ko. Matapos ay pinuluputan ng kaniyang panyo.
” Thank you, Ian.”
“Tara na,” pagyaya nito sa akin.” I don’t like arguments, Aria. We can talk again when we both calm down.”
‘Kung sana talaga noon pa kita nakilala Ian.’ Siguro hindi naging miserable ang buhay naming dalawa. Hindi ako nagsalita hanggang sa narating naming ang lounge area ng airlines na sasakyan namin papuntang Zurich. Ilang araw kami sa Zurich then we will head to Geneva after to spot one of the best Ski Resorts. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako matapos kung kainin ang street foods na binili ni Ian kanina. Hindi ko naman iyon inubos kainin. I shared some with him.
He was on his phone again. Nagtataka na ako kung bakit sunod-sunod ang tawag sa kaniya. Then he opened his laptop. He was reading something on his laptop habang nakakunot ang noo. Nagising ako sa boses niya saying ‘put Palermo’s Winery loan renewal on hold. Pag-iisipan ko pa. No, tell them I am at a business meeting. No, next month.’
“Ian, boarding na ba?”
He put away his phone away from his ears and talked to me. Kung sana ganito sa akin si Giancarlo na kahit may importateng ginagawa ititigil iyon para sa akin.
“Half-hour. Would you like some coffee?”
“Please. Black.”
He turns his attention to the person he is talking to over the phone. [I must go. You can’t reach me ‘til midnight. Email me only if it’s urgent. Understood?]
He uttered those words in an authoritative manner. Iyong tila ba pinakamataas na boss ang dating. The classic domineering CEO attitude.
“Business?”
“Yes.”
“Akala ko ba nakabakasyon ka?”
“Oh, the Palermo Winery owner. Ginagambala ang staff ko about his loan.”
“Did you say, Palermo?”
“Yeah, kilala mo ba?”
I already knew he was talking about Giancarlo. Nalulugi na pala ang winery ng asawa ko. Must have been because of his mistress.
“No, narinig ko lang. Nasa Laguna ang ubusan nila hindi ba?”
“Yeah. Nakasangla na sa akin ang kalahati ng lupain. They are asking for an extension. Malapit ko ng ilitin ang winery na ‘yon kapag hindi pa sila makapagbayad by the end of this year.”
“Huh? You mean nalulugi na?”
“I will post that winery for sale as soon as na hindi sila makapagbayad.”
“Let me know. Bibilhin ko.”
“Sigurado ka ba, Aria?”
“Yes, babalik ako sa Vienna to learn how to run the winery. Balak kong magtayo ng sarili kong kumpanya sa Pilipinas. Next to that winery you mentioned. I am eyeing a piece of land kaso sabi ni Nanay Binday nasa abroad raw ang may-ari.”
“Kilala ko ang may ari ng lupain iyon. I can pull some strings and give you that piece of land . . .if you ma—”
“Let’s not go there, Ian.”
“I’m sorry. I’ll get your black coffee.”
“Thanks.”
A few minutes later, Ian handed me the coffee. “What about you?”
“I had too much caffeine. Baka hindi kita patulugin pagdating natin sa Zurich,” biro nito sa akin.
“Oh, I am for that. I can stay up with you all night, Ian. I should drink more caffeine. Shouldn’t I?”
“You are teasing me again, Aria,” anas nito.
“Am I?”
Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi. A second later, he took the coffee paper cup away from me. Hindi man lang ito nahiya. He kissed me sa tapat ng maraming pasahero na nasa lounge. It was a passionate intimate kiss. Nakakadarang. Siguro kong nasa villa kami may nangyari na sa aming muli.
“Stop teasing me, Aria. Baka hindi na kita pakawalan.”