Chapter Two

1554 Words
Axel's holding my hand as we were walking by the seashore. 'Di pa gano'n kataas ang araw kaya hindi masakit sa balat ang sikat nito. Imbes na mangibang bansa para sa aming honeymoon ay pinili ko sa isang local na isla na gusto ko rin talagang puntahan. Wala lang panahon noon dahil abala. "Are you happy?" He kissed the side of my head. Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hinarap ko siya at tiningnan ng diretso sa mga mata. Naririnig namin ang mga hampas ng alon. "Very happy, Axel." I smiled at him. Pinisil niya ang kamay kong kanyang hawak. Napangiti din siya sa sagot ko. His arm went around my shoulders. Inakbayan niya ako at patuloy kami sa paglalakad. Niyaya ko si Axel na mag-swimming kami. Hindi ako marunong lumangoy pero nariyan naman siya kaya wala akong dapat na ipag-alala. We went on and enjoy the seawater. Tumigil lang kami nang masyado nang mataas ang sikat ng araw. We went back to our villa para makapagbihis bago tumungo sa pwedeng kainan. Nang sumapit ang gabi ay napagod ako sa mga activities na ginawa namin sa araw na 'yon. Siguro pinakanapagod ako sa paga-island hopping. We had our dinner sa may seaside kasama ang ibang guests ng resort. May mga nagsasayaw na may pinapaikot na apoy na de tali sa kanilang mga kamay para magbigay ng entertainment sa amin. Namangha nga ako ng husto lalo na sa mga kumakain pa ng apoy. Natapos iyon at pumalit ang isang lalaking guest sa gitna. Kumanta ito. Nakisali na ako sa mga pumapalakpak sa kanya. "Nagseselos na ako." birong bulong ni Axel sa aking tainga. Bahagyang naalis ang atensiyon ko sa kumakantang lalaki. Bumaling ako sa kanya at bahagyang hinampas ang matigas at mahigpit niyang braso. He pouted and I can't help it but to smile at his cuteness. I pinched his nose and kissed his cheek. Humigpit ang yakap niya sa akin mula sa likod. His chin was resting against my shoulder as we were watching what's in front. Natapos ang kanta at may tinawag ang lalaki sa audience. Nang tuluyang makalapit iyong babae, the guy romantically knelt down in front of her at naglahad ng singsing dito. Nagsinghapan ang mga tao sa paligid maging ako. "My proposal's better." side comment ni Axel. Napangiti nalang ako. Axel proposed to me, nang nasa mismong puntod kami ni Daddy. I know it was kinda weird to propose in a cemetery. Alam ni Axel kung gaano ko kamahal si Dad kaya siguro kinuha na niya ang pagkakataong dumalaw kami sa ama ko nang araw na 'yon. People cheered and clapped their hands as the woman said yes to the man. Kahit ako ay napapalakpak narin. INAANTOK at humihikab na ako nang pabalik kami sa aming Villa. Ngunit ang antok ko ay tila naglaho nang agad akong isandal ni Axel sa halos kasasara lang na pinto. Agad niyang inatake ang aking mga labi. Halos kapusin ako ng hininga sa kanyang biglang paghalik sa 'kin. I instinctly encircled my arms on his nape. Nagsimula siya sa paghaplos sa magkabilang gilid ng aking baywang habang patuloy kaming naghahalikan. "Getting aggressive, huh." nangingiti niyang bulong sa tainga ko nang pilit kong inangat ang laylayan ng kanyang shirt. Bahagya kong hinampas ang matigas niyang dibdib. He caught my hands and pinned it up above my head. He's attacking my lips as he lifted me up. He walked towards our bed with my legs encircled around his waist... "WELCOME back!" They welcomed us in unison. Nakabalik na kami mula sa aming honeymoon. Our parents even prepared a small welcome party for us. Nangingiti at napapailing nalang kami ni Axel habang nilalapag ang luggage namin sa sofa ng living room nang sariling bahay naming mag-asawa. Pinangunahan na kami ni Mommy sa dining room para makapag-dinner. We're still a bit exhausted from the trip at ang gusto nalang sana namin ni Axel ay makapagpahinga pagdating sa bahay. But now that everyone's here, "Ano, may apo na ba kami?" biro pa ng Dad ni Axel nang nasa hapag na kami. "Sigurado ba kayong hindi n'yo kakailanganin ng kasambahay rito, Eris?" istriktang paninigurong muli ni Mommy. I nodded at her. "Yes, Mom. Kami pa lang naman ni Axel." Nagkatinginan kami ni Axel and I smiled at him. Sa ngayon ay wala akong ibang gustong gawin kung 'di ang maging hands on sa asawa ko. I can cook, and I could probably do the housechores. Kahit naman lumaki kami ng kapatid ko sa may kayang pamilya ay natuto naman ako ng mga gawaing bahay nang nag-aaral at naga-apartment pa ako no'n sa Amerika. Matapos ang hapunan ay konting kuwentuhan bago tuluyang nagpaalam ang mga magulang namin. Saglit pa nga nagpaiwan sila Janine at Rina upang usisain ang mga nangyari sa honeymoon namin ni Axel. Sumunod silang dalawa sa akin papasok ng kuwarto namin ni Axel at tumulong sa konting pag-aayos ko sa aming walk in closet. Ang asawa ko naman ay nagpaalam na may gagawin sa kanyang opisina at library dito sa bahay namin. "Ewan ko sa inyo!" natatawa kong turan sa mga pangungumusta nilang medyo green. These two were even years younger than me pero mukhang mas open minded pa yata kaysa sa 'kin. Nagbuntong-hininga nalang ako. Nang makaalis ang dalawa ay siya namang paglabas ni Axel sa library. Inakbayan niya ako papasok sa aming kuwarto. Habang nasa loob siya nang shower ay nagawa kong mag-open ng aking social media accounts. Maraming nag-congratulate sa amin ni Axel. A message popped as I was scrolling on my f*******:. Binuksan ko ang mensahe at nakitang galing kay Selena 'yon saying she'll be home soon. I excitedly typed in a reply. Selena and I are friends since high school. We were classmates. I once witnessed how she was bullied by our schoolmates. Pinagtutulungan siya ng isang grupo ng mga babae sa girls' CR. I remember how I defended her. "S-Salamat..." nahihiya at nakayuko niyang turan. That's when our friendship started. Many didn't like the idea of me befriending Selena. But Axel and my family were with me kaya wala na iyon sa 'kin. I introduced her to my Mom and sister. Maging kay Axel. "Ang swerte mo, Eris..." Nakangiti ngunit nakitaan ko ng kalungkutan ang kaniyang mga mata. Marahang hinahaplos ni Axel ang buhok ko. Agad akong umunan sa kanyang dibdib at yumakap nang mahiga siya sa tabi ko sa kama. I felt him kissed my head na kinapikit ko. The knowledge of sleeping and waking up beside Axel from now on warms my heart. "Axel... magluluto pa 'ko ng breakfast natin..." saway ko sa kanya kinabukasan na hindi agad ako nakaalis sa kama dahil nakapulupot siya sa 'kin. He started kissing my lips na hindi ko naman pinagdamot tugunan. My arms flew around his neck. Lumipat lang sa buhok niya ang mga kamay ko nang bumaba na sa aking panga pababa pa sa leeg at collarbones ang mga halik niya... "GOOD morning, Attorney." bati sa akin ni Karen, ang sekretarya ko. I smiled and greeted her back. Kakarating ko lang sa aming firm at agad pumasok sa aking opisina dito. Hinatid ako ni Axel bago siya nagtungo sa kanilang kompanya para magtrabaho rin. At nang mag-lunch ay kinuha niya rin ako para sabay kaming kumain. Pagkatapos ay binalik niya rin at para makapagpatuloy sa trabahong saglit iniwan. Good thing na hindi ganoon kalayo ang company building nila sa aming law firm. "Your secretary resigned?" I asked when he mentioned. Naalala ko ang napag-usapan namin ni Axel kanina sa paborito kong restaurant na pinagdalhan niya sa akin kung saan kami kumain ng pananghalian. He nodded and sighed. Napailing ako. Mahihirapan siya na walang assistant. Knowing him as the CEO ay hindi madali. Isa pa ay mahirap makahanap ng lalaking secretary. Simula noong pumalit siya sa posisyon ni Daddy Javier sa kumpanya ay lalaki ang kanyang naging assistant. And it was partly my want. Paranoid kasi ako sa mga naiisip kong boss-secretary affairs. "ERIS!" mahigpit akong sinalubong ng yakap ni Selena. She arrived the following days at ako ang sumundo sa kaniya sa airport. "Selena," I hugged her back. Panay ang pangungumusta ko sa kaniya hanggang nasa loob na kami ng sasakyan. Ilang taon din siya sa Japan. Nagtrabaho siya sa isang kompanya doon. "Natanggal ako sa trabaho ko doon." She shrugged. Agad akong nag-alala. "Why?" Ngunit bahagya lang siyang natawa at umiling-iling. "Iyong asawa kasi ng boss ko pinagbintangan akong inaakit ko raw ang asawa niya!" muli siyang natawa. Lalo lang akong nag-alala sa sinabi niya. Kilala ko si Selena. She's kind of naughty. Naalala ko noon pa man ay lagi siyang laman ng mga parties at night outs. Noon kasi ay nakahanap siya ng magandang part time job kaya nagawa niyang bumukod at tumira sa isang apartment. Kaya 'yon, para siyang nakawala sa hawla at sobrang ninamnam ang kaniyang freedom. Samantalang istrikto naman si Mommy kaya hindi ko magawang samahan si Selena sa mga gala niya because my Mom doesn't allow that. Minsan, kapag kasama ko si Axel. "What's your plan now, Selena?" tanong ko makaraan. Ngumuso lang siya. "Maghahanap ng trabaho." muli niyang kibit balikat. Parang bigla ko namang naalala 'yong napag-usapan namin ni Axel noong nakaraan... I should talk to him maybe later at home. Huminto kami sa tapat ng tutuluyan ni Selena. Bumaling ako sa kaniya. "Thanks, Eris. Congrats! Masaya ako... para sa inyo, ni Axel." aniya at tipid na ngumiti. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD