"How's Selena?" I asked Axel.
It's been days since Selena started working as his secretary.
Kalalabas niya lang ng bathroom and he smells so good from shower. Nagulat nalang ako nang mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko. He encircled his arms around me and showered me with his noisy kisses.
"Basa ka, Axel!" I giggled.
He was laughing. "She's fine," he lightly claimed my lips. "You're just so beautiful..."
I was melting with the way he's looking intently at me. My palms were already pressed against his broad chest. Pabiro ko siyang inirapan. Ngiti lamang ang iginanti niya sa 'kin.
He kissed me on my cheek bago ako tuluyang pinakawalan. Pumasok siya sa aming walk in closet. Sumunod ako at naabutan ang pagtanggal niya ng puting towel na siyang tanging nakapulupot sa kanyang baywang.
Nang nagsusuot na siya ng kanyang slacks ay tuluyan na akong lumapit upang tulungan siyang magbihis. I zipped his pants.
"Huwag mo siyang gaanong pahirapan sa trabaho, ha." hinarap ko ang mga polo niyang naka-hanger.
I felt him hugged me from the back. Napangiti ako't hinarap siyang muli matapos makapili ng magandang longsleeve para sa kanya.
"Yes, Ma'am."
I was buttoning his shirt while he was just smilingly watching me doing it. Kumunot ang noo ko matapos maibutones ang huli at mag-angat ng tingin sa kanya. Sa huli ay napailing nalang akong nangingiti.
"Let's have a dinner date later?"
Nangingiti parin akong tumango. "Okay,"
Bahagya akong napatili nang bigla niya akong buhatin palabas at pabagsak sa aming kama...
"I hate you Axel!"
Naalala kong naghahabulan kami noon sa park. I remember kung paano ako nainis sa kanya because he ate my sorbetes. Nang makita ko ay icecream cone nalang ang aking hawak.
"Axel!"
And he was just laughing. Bumuntong hininga nalang ako at napailing, napapangiti. I was fourteen when we had our first date...
"I hate you!" sabay nguso ko.
And he just smiled. "I love you too, Rachel Eris!"
Lalong tumulis ang aking nguso hanggang sa tuluyang napangiti. Lumapit siya sa 'kin at inabot ang kamay ko. He held my hand and intertwined it with his. He pulled me to where we usually rent bicycles.
At dahil hindi naman ako marunong magbisikleta ay isang bike lang ang inarkila namin. Umangkas ako sa likurang bahagi. Kinuha niya ang mga kamay ko encircling them to his hip. I leaned my head against his back habang umaandar na ang bisikleta.
"Aray!" Mariin kong inda.
Mabilis tumakbo si Axel papunta sa 'kin. Agad niyang tiningnan ang sugat na natamo ko sa aking tuhod.
"I told you, umangkas ka nalang..." He almost hissed.
Umiling ako. "No, I want to learn." pursigi ko.
Mahina ang pagkakasabi ko ngunit sapat upang marinig niya. Nagkatitigan kami. He sighed as his face softened. Nilagay niya sa likod ng aking taynga ang mga takas kong buhok.
"Okay. Let's do it again, then?" He smiled.
Mas malawak naman ang ngiti kong tumango sa kanya. Inalalayan niya ako sa pagtayo bago ang natumbang bisekleta sa aming tabi.
Noong buhay pa si Daddy ay tinuruan niya kaming magbisikleta ng nakababata kong kapatid na si Rina. Ang bilis niyang natuto samantalang ako'y puro galos at sugat madalas ang natatamo. At the end pinatigil ako ni Mommy.
We sat on a bench. Papalubog na ang araw at kita ito mula sa kinauupuan namin. I leaned my head against his shoulder.
I remember our first kiss. It was under a tree. The sun was setting as he was claiming my lips...
My phone rang as I was scanning through some files on my desk. It was my sister, Rina. I swiped its screen at sinagot ang tawag.
"Rina..."
"Ate! Can we go out? Hindi ka ba masyadong busy..." sagot nito mula sa kabilang linya.
Wala pa naman akong masyadong ginagawa dito sa firm kaya pinagbigyan ko na ang aking kapatid. Nagkita kami sa isang malapit na mall. She told me that she wants to shop with me.
"Nag-usap na kayo ni Mom?"
She happily nodded her head. "Yes ate, thanks. I know you convinced Mom to let me take business ad., instead."
Matapos mag-shopping ay huminto muna kami sa isang coffee shop. Through its glass walls ay kita ko sa labas ang isang couple. They looked cute as the husband was helping his pregnant wife out of their car. Hindi ko naiwasang mapangiti.
"Ate?"
"Hmm," bumaling ako kay Rina sa aking harapan.
"Kamusta kayo ni kuya Axel?" she smiled.
I let out a smile too. "We're good. He's a great husband, Rina."
Mas ngumiti pa ang kapatid ko. "I know he will, ate. Kuya Axel loves you so much."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Bumalik ang mga mata ko sa mag-asawang papasok na ngayon sa katapat na shop.
"Wala pa ba Ate?"
Bumaling ako kay Rina at napakunot noo. Napangiting umiling ang aking kapatid.
"I mean, baby... wala pa ba?" she excitedly and smilingly asked.
Natigilan ako sa kanyang tanong. Umiling ako. Truth is I wasn't ready yet. Hindi pa namin ito napapag-usapan ni Axel but I know nanghihingi na siya. And it's just hard to tell him na wala pa sa isip ko ang pagkakaro'n ng anak. Ayoko pa...
The smile on my sister's lips slowly disappeared. "Why? You're already married..."
I shook my head then sighed. "I'm not yet ready to have one, Rina."
My sister let out a small smile. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "Did you tell kuya Axel?"
I shook my head. "You think he'll understand?"
"Hmm, yeah... understanding naman si kuya Axel..."
Axel was just so understanding and patient with me. I remember how much he waited for me. Siguro naman ay hindi magiging mahirap para sa kanya ang maghintay hanggang sa ready na akong magka-baby? It's just that kakasimula ko pa lang sa aking career. Ni wala pa nga akong napapatunayan. Noong niyaya niya akong magpakasal ay halos kaka-graduate ko lang no'n. Hindi ko lang siya natanggihan dahil masyado ko siyang mahal to break his heart. Isa pa ay handa naman akong maging asawa sa kanya. Iyon nga lang nitong nagdaang araw I realized that I wasn't ready to be a mother, yet.
Isang beses ay inaya ako ni Axel bisitahin ang orphanage na ilang taon narin niyang sinusuportahan. Ayon sa kanya ay ito raw ang kanyang pinagkaabalahan noon, bukod sa trabaho habang nag-aaral ako sa ibang bansa.
Bumagal ang takbo ng sasakyan at huminto nang hustong makapasok sa gate nito. Isang may edad na babae ang sumalubong sa amin, at dalawang binatilyo sa kanyang gilid.
"Ate Vicky," Axel greeted the lady.
"Axel, hijo, mabuti at nakadalaw kayo..." she smiled then turned to me.
I equaled her smile. Axel put an arm around me. "This is my wife, Eris."
Her smile widened. "Siya malamang iyong lagi mong kinukuwento sa mga bata,"
I heard Axel laughed a bit. "Opo."
Nagmando ito sa dalawang binatilyong naroon upang kunin ang groceries at mga laruang dala namin sa likod ng kotse. May mga damit at sapatos din doon.
Panay ang kuwento ni ate Vicky patungkol sa mga nangyari sa orphanage habang iginigiya kami papasok.
"Gayon pa man ay marami parin ang bilang ng mga batang narito..."
Bumungad sa 'min ang mga batang mukhang inaasahan na nga ang aming pagdating. At sa tantiya ko, most of these kids were of ages ten and below. However, some were already teenagers. Sila siguro iyong sinasabi ni ate Vicky na dito na halos lumaki.
"Kuya Axel!"
Nag-unahan ang mga bata sa paglapit. Napangiti ako. Kita ko rin ang tuwa kay Axel kahit pa halos malunod na siya sa mga ito. Nakalas pa nga ang magkahawak naming mga kamay.
Unti unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi sa hindi ko matukoy na kadahilanan...