Chapter Four

1384 Words
Axel carried the youngest among them. Sa naririnig ko ay Tintin 'yong pangalan ng bata. "Sino po siya?" the girl cutely asked pointing at me. I smiled and greeted her. "Hi." "Siya si ate Eris, ang wife ko." tugon ni Axel sa tanong ng bata. "Maiwan ko muna kayo at maghahanda lang kami ng pananghalian." paalam ni ate Vicky. "Tulungan ko na po kayo." maagap kong prisinta. "Salamat hija, ngunit nakakahiya naman at bisita kayo rito..." nahihiya itong umiling. "Ayos lang po." ngiti ko. I heard Axel chuckled beside me. "Pagbigyan n'yo na, ate Vick, at mapilit 'yang asawa ko." Nangingiting napailing na lamang si ate Vicky at sinama na ako. "Salamat sa pagtulong rito sa kusina, hija. Ang sarap mo palang magluto!" matapos nitong tikman ang isang putahe. "Walang anuman po, salamat." medyo nahihiya kong tugon. Agad lumapit ang isang binatilyo matapos itong tawagin ni ate Vicky. "Tawagin mo na ang mga bata at nang makakain." "Ako na po." agap ko. Hindi pa man nakakaliko sa pasilyo papuntang playground ay naririnig ko na ang masasayang tawanan ng mga bata. They sounded so happy. Nadatnan ko si Axel na nakapiring ang mga mata at inaabot ang mga batang umiiwas naman sa mga kamay niya. Napangiti ako at hindi na muna tuluyang lumapit upang mapagmasdan siya. Biglaan ang ginawang pag-ikot ni Axel dahilan ng pagkakahuli sa tabaing batang lalaki. Lalong umingay ang mga bata dahil narin sa pagkakahuli sa kanilang kasama. Axel removed his blindfold. Narito na naman 'yong pakiramdam na unti unting nagpawala sa ngiti ko. Mahilig at mapagmahal sa mga bata si Axel. I can see the happiness in his eyes as he was playing with the kids... "Hon!" tawag niya ng namataan ako. Hindi halos mawala ang ngiti sa mga labi niya. He looked so thrilled. Pansamantala kong winaksi ang mga iniisip upang bigyan siya ng isang ngiti. Natawa na lamang kami ni Axel sa sumunod na panunukso ng mga bata sa amin. "Tawag na kayo sa loob at kakain na." anunsyo ko sa kanila. Mabilis na kumilos ang mga bata. Tuluyang nakalapit sa 'kin si Axel and gave me a kiss on the forehead. His arm was encircled around the small of my waist as we followed inside. Wala yatang araw na hindi pinupuna ni Axel kung may laman na raw ba. Madalas ay ngingitian ko lamang siya at pipiliting mag-iba ng topic. Paano ko nga bang sasabihin at ipapaliwanag sa kanyang hindi pa ako handang magkaanak gayong labis ang nakikita kong kagustuhan sa kanya. I went home a bit late dahil narin sa traffic at sa kinunsulta kong kaso kay Mommy kanina sa firm. I texted Axel saying na male-late ako ng uwi at baka sa labas nalang kami kumain ng dinner but I haven't received any reply from him. Ngayon ay sinusubukan ko siyang tawagan ngunit hindi naman sumasagot. Nang makita ang kotse niyang naka-park sa garahe ng bahay namin ay nakahinga ako ng maluwag. Siguro'y maaga siyang nakauwi ngayon at kung saan saan na naman nilapag ang kanyang cellphone. Ganoon kasi ang ugali niya. Gayon pa man ay kumunot ang noo ko sa kadiliman ng aming living room. Dumiretso nalang ako sa kusina nang makitang nakabukas ang ilaw doon. I smiled seeing him on our kitchen counter ngunit muli rin napakunot nang makitang nagsasalin siya ng inumin sa kanyang baso. "Hon," lumapit ako't hinalikan siya sa kanyang pisngi. "Kanina ka pa? I texted you earlier... are you hungry, magluluto na ako. Mabilis lang 'to." Nilapag ko nalang muna doon ang bag at ilang bitbit na gamit. Mabilis akong kumuha ng apron at hinanda ang lulutuin. Nagtaka ako sa kanyang katahimikan kaya nilingon ko habang nilalabas sa fridge iyong karne. He sighed. "Half day. I wasn't feeling well earlier." uminom siya sa basong may lamang alak. Agad kong nailapag iyong mga kinuhang rekados at maagap na lumapit upang kapain ang noo't leeg niya. Napailing ako. "You should've called. Ikukuha kita ng gamot-" I was about to when he reached for my elbow. Muli akong napabaling sa kanya. I sighed. Tapos ay umiinom pa siya dyan. I was about to say something when my pills scattered nang pahagis niya itong binagsak sa counter. My eyes widened kasabay ng panlalamig na naramdaman. Binitiwan niya ang aking siko. I saw coldness and controlled anger in his eyes when mine met his. "A-Axel..." my lips quivered. Bumaba ang kanyang tingin sa hawak na baso. "Ayaw mo bang magka-baby tayo?" dinig ko ang kabiguan sa kanyang tinig.  Umiling ako at lumapit para yakapin siya mula sa likod habang nanatili siyang nakaupo sa high stool. "No, hon. Hindi sa ganoon. It's just that... maybe we give it a year or two? Not now... hindi pa ako handa, Axel..." pag-amin ko. Hindi siya nagsalita. "Huwag kang magalit, please... I'm sorry." I kissed his shoulder. I showered his handsome face with my noisy kisses. Gumalaw siya ngunit hindi naman nagmulat ng mga mata. Sinulyapan ko ang wall clock that was hanged on our room's wall. It's still early kaya hinayaan ko na muna siyang makapagpahinga. Isa pa ay may lagnat siya kagabi kaya mainam narin kung matutulog pa siya ng medyo mahaba. Bumangon ako mula sa aming kama. I reached for my silk robe and covered my nakedness with it. Bumaba ako at tinungo ang kusina para makapagluto na ng breakfast. Pagkatapos ay muli rin akong umakyat upang gisingin siya. He was still on our bed. His upper body was showing while the lower part was covered with the sheets. I felt my cheeks heated thinking what's under it. "Hon, wake up." gising ko sa kanya habang paulit ulit na dinadampian ng halik ang labi niya. Agad ko siyang sinalubong ng matamis na ngiti when he finally opened his sleepy eyes. "Good morning!" I sweetly greeted. Bumangon siya at agad na tumayo. I gasped a bit as the sheets slide off his body. Dumiretso lang siya sa banyo. "Selena!" I stood up from my seat and greeted her with a cheek-to-cheek kiss. "Eris." she smiled and then we sat down together. A waiter came to us and gave us the menus. Axel was busy with all his meetings kaya naman si Selena itong niyaya kong mag-lunch. Isa pa ay miss ko narin ang aking bestfriend. "How's work?" nakangiti kong paunang tanong sa kaniya. She nodded. "Fine." bahagyang kumunot ang kanyang noo at nanliit ang mga mata sa 'kin. "Ang init ng ulo ng asawa mo kanina sa office, ha. Nasigawan nga ako!" My eyes widened. "Oh! I'm sorry, Selena..." I said, worried. She shook her head. "Wala 'yon, ayos lang. Slight lang naman iyong pagkakasigaw niya." ngumisi siya. Kinuha na nang waiter ang order namin. I sighed and leaned against my seat when the waiter left our table. "Nagtatampo kasi iyon sa 'kin..." mahina kong nasabi. Kumunot ang noo ng aking kaibigan bago napangisi. "Tinanggihan mo siguro..." pilyang aniya. I sighed. Naiiling na napangiti. Ngunit naging seryoso rin. I sighed again. "Gusto na kasi niyang magka-baby..." Selena's forehead creased. "Oh, kung gano'n bigyan mo?" I shook my head. "I'm not yet ready." Nanliit ang kanyang mga mata sa akin. Our lunch arrived na siyang pansamantalang nagpatigil sa aming pag-uusap. "Bakit? Hindi ba't kaya nga kayo nagpakasal ay para bumuo na ng pamilya?" she continued. Umiling ako. Hindi naman siguro lahat ay nagpapakasal para bumuo agad ng sariling pamilya, hindi ba? May iba naman sigurong nagpakasal para magkaroon ng mas mahabang oras na kasama ang ang partner nila. At saka na pagkakaroon ng anak... "Ilang araw ka nga doon, Hon?" I asked as I was packing his things for his business trip. "Two weeks." tipid niyang sagot. Agad akong nalungkot. Akala ko pa naman ay ilang araw lang. Bahagya akong natigil sa ginagawa. I looked at him who was busy with his laptop. Hindi pa naman kami completely okay ngayon... He's talking to me pero hindi na kasing daldal kagaya noon. Madalas ay magsasalita lang siya kung may tinatanong ako, 'yon, sasagot lang siya. Hanggang ngayon kasi ay mukhang hindi parin nawawala 'yong pagtatampo niya. Lumapit ako at naupo sa kanyang tabi. He stopped typing on the keyboard when I leaned my head against his shoulder. Tiningnan ko 'yong ginagawa niya at nakitang nagre-reply siya sa mga emails sa kanya regarding business. "I will miss you..." I pouted. "It's just two weeks, Eris." he said after a sigh. Malungkot akong napangiti at nag-angat ng tingin sa kanya. "I love you, Axel." Nagkatitigan kami. "I love you." aniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD