"M-Mag-iingat ka..." tipid akong ngumiti sa seryosong si Axel. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin habang patuloy ako sa aking mga bilin sa kanya. "Vitamins mo," napasinghap ako nang maramdaman ang tuluyang paglandas ng patak ng luha sa aking pisngi.
"Eris..."
"Ano ba 'yan!" bahagya akong tumawa at mabilis na pinunasan ang aking pisngi.
Axel sighed. "Eris," his palms cupped my cheeks. "it's just two weeks. I'll call you everyday, I promise."
I shook my head. "I know, I'm just overreacting. It's just—I'll miss you..."
Binalot niya ako ng yakap at hinalikan sa noo. Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik.
"I will miss you, too." aniya.
Kumalas kami sa pagkakayakap at bumaling naman ako kay Selena. Ngumiti siya. Lumapit ako sa kaniya para mayakap rin. Tinatawag na ang kanilang flight...
"Coffee, Attorney." si Karen na pumasok sa aking opisina.
"Thanks." sinulyapan ko ang aking cellphone bago sumimsim kinuhang mug.
I'm waiting for Axel's call. Tumatawag naman siya lagi kaya lang naiintindihan ko rin na abala siya doon.
Nagsimula akong magbasa ng kaso. Tinuon ko nalang muna ang atensyon sa trabaho.
One of our clients is filing a case against her husband. The wife caught her spouse having s****l intercourse with another woman—his mistress. At ngayon ay nabuntis pa nito ang babae. Ang gusto ng asawa ay makulong ang dalawa.
I let out a sigh after reading. Dumarami na talaga ang mga ganitong kaso...
"Ate Eris!" Janine welcomed me with a cheek-to-cheek kiss.
"Sila Mom and Dad?" salubong ko habang kinukuha sa 'kin ng kasambahay ang dalang cake para sa mga magulang ni Axel.
"Dining," hinawakan nito ang kamay ko at giniya sa kanilang hapag.
It's Axel's parents' anniversary at kahapon pa ay inimbita na ako ni Mommy Anna sa simpleng dinner ngayong gabi sa kanilang bahay.
"Eris, hija." salubong sa 'kin ng Mommy ni Axel.
"Mom, Dad." bati ko sa kanila.
Bukod sa amin ay naroon din ang ilan sa mga kamag-anak nila Axel. Some of his Titos and Titas were there, and his cousins.
"How's married life, hija?" ngiting puna sa akin ng isa sa mga Tita ni Axel.
"And how's my nephew as a husband?" his other Tita added.
Ilang sandaling nasa akin ang atensyon ng kaniyang mga kamag-anak. Kinukumusta ang buhay mag-asawa namin ni Axel at nagbibigay ng mga payo.
"Naghihintay na nga lang ako ng apo!" Daddy Javier laughed heartily.
Tipid ko lamang iyong nangitian.
"Ate," si Janine na palapit sa akin. May dala siyang dalawang wine glasses sa kaniyang magkabilang kamay.
"Thank you." tanggap ko sa isa.
Medyo malalim na ang gabi at kaharap namin ngayon ang kanilang malawak na pool area. Their parents were inside with the guests.
"Si kuya?" puna nito sa hindi maalis na atensyon ko sa aking cellphone.
"Hmm," I nodded. "hindi pa kasi siya tumatawag mula kanina."
"Baka he's busy pa? Bukas narin naman ang balik niya?"
Muli ko siyang tinanguan. "Yeah..."
Natapos lang ang mga pangamba ko when we saw each other again the next day. Bahagya akong kumaway para makita niya.
"Axel!" I jumped and hugged him tight. Maagap naman niya akong nasalo.
Niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan.
"Selena," sinalubong ko rin ng yakap ang kaibigan.
"Sa bahay ka na mag-dinner, Selena. Naparami rin kasi 'yong niluto ko." I told her as I was driving. Ako ang sumundo sa kanila sa airport. Sinulyapan ko siya sa rearview mirror.
"Huh? N-Nako, huwag na." tanggi niya.
Umiling ako. "No, it's okay. Baka hindi rin kasi namin maubos ni Axel."
"Hindi na talaga, Eris, salamat." muli niyang pagtanggi.
I shrugged then turned to Axel who was sat next to me bago muling tinuon sa daan ang mga mata. Tahimik lamang siya at mukhang may malalim na iniisip.
We dropped Selena by her apartment tapos ay dumiretso na kami pauwi.
I helped him with his things tapos ay kumain na kami ng dinner na niluto ko. And as what I've said to Selena, talagang naparami iyong luto ko at hindi nga namin naubos ni Axel. Masyado 'ata akong na-excite sa pag-uwi niya.
Nang lumabas ako sa bathroom ay nakahiga na si Axel sa kama namin. Akala ko ay natutulog na siya ngunit nang tuluyan akong mahiga sa kanyang tabi ay agad siyang gumalaw at pinaibabawan ako.
"Axel!" tili ko sa pinaghalong gulat at pagkakakiliti.
His kisses tickles me. Ramdam ko na rin ang kanyang tumutubong facial hair.
"Axel..." I moaned at his touch.
Bahagya kong inaangat ang katawan para tuluyan niyang mahubad ang aking sedang pantulog. I dug my nails at his back as he was thrusting roughly, making me a bit uncomfortable. Hindi ko nalang pinagtuunan pa ng pansin. Maybe he just missed me, as much as I miss him.
"I'm so sorry, Eris..." he whispered as he collapsed above me. I felt him kissing my cheek.
Nahuhulog na ang mga talukap ng mata ko.
"I love you, Eris... I love you so, so much." ang paulit ulit kong narinig sa kanya hanggang sa tuluyan akong nahila ng antok.
Nagising akong wala na si Axel sa tabi ko. Bumangon ako at nakitang may suot na akong oversized shirt ni Axel and just my underwear. Napangiti ako.
Tinungo ko muna ang bathroom para makapaghilamos bago tuluyang bumaba. Ang matipunong likod ng asawa ko ang unang bumungad sa 'kin. He was busy in front of our stove.
"Good morning." I sweetly greeted as I hugged him from the back.
Bahagya siyang umikot at inakbay ang braso sa aking mga balikat. Hinarap niya ako at binigyan ng isang halik sa noo.
"Mornin'. Hungry? Patapos narin 'to," muling tuon niya sa niluluto.
Medyo tagilid nga siyang nakatayo sa harap ng piniprito dahil hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa'kin. Bumitiw lang siya noong kailangan na niyang ilipat sa mga plato 'yong naluto niya.
"Ba't ikaw 'yong nagluluto? Sana ginising mo nalang ako." I told him as I was crossing my arms.
Hindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. With my husband topless and just in his boxershorts in our kitchen? Ang cute niya. And really hot.
"It's okay, Hon. Ang himbing kasi ng tulog mo kaninang nagising ako. Besides, gusto talaga kitang ipagluto ng breakfast." aniya habang nilalapag sa mesa ang kanyang mga niluto.
Napanguso ako. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Lumapit ako't pinaghila niya ng upuan. Siya narin ang naglagay ng pagkain sa aking pinggan.
"It's Sunday. Magsimba tayo?" aya ko.
"Sure, Hon." he smiled.
Hindi naman nakakagulat ang pagiging sweet at maalaga ni Axel. Kahit noong mga bata pa kami ay ganyan na niya akong iturin'. He'd always treat me like a princess, a queen. Iyon nga lang ay lalo 'ata siyang nagiging malambing ngayon.
Naabutan ko siyang nagsusuot ng kanyang pang-itaas. Mabilis kong nilapitan at ako na mismo ang nagbutones nito. Pabiro ko na lamang siyang inirapan nang dumako ang kanyang mga mata sa dibdib ko. Nakatapis lang kasi ako ng puting towel.
"Hmm... ang bango." he murmured, sniffing on my neck.
Hindi ko napigilang mapatawa sa kiliting naramdaman. I can even feel his growing stubble.
"Axel... stop!" natatawa kong pigil at tulak sa kanya.
Dali dali kong tinungo ang aming walk in closet at mabilis na sinara ang pinto nang makitang hinabol niya ako. Napapatawa nalang ako habang nagbibihis doon.
Hindi pa naman nagsisimula ang misa nang dumating kami sa simbahan. Ilang kakilala rin ang naroon at nagkabatian habang naghahanap kami ng bakanteng mauupuan.
Iginiya ako ni Axel sa pinakaharap. Makaraan ang ilang sandali ay naroon narin si Father and the mass started. Tahimik akong nakikinig sa sermon nang maramdaman ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Nilingon ko siya at nginitian.
"Hmm, what is it?"
Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang kinuha ang akin. He brought it to his lips then kissed my knuckles lightly.
"I love you." aniya.
Lumawak ang aking ngiti. "I love you, too."
Sabay namin muling hinarap ang altar at tahimik na nakinig sa mga salita ni Father.
After attending the mass, we decided to have our lunch sa isang malapit na restaurant. Hindi ko akalaing may reservation pa pala si Axel doon.
"You like it?" tanong niya matapos akong subuan ng hiniwang steak.
I nodded in reply.
"Ba't 'di kaya tayo magbakasyon?" he suddenly asked.
Tumango ako at napangiti. Sumimsim sa aking baso ng tubig. "Yeah, why not?"
Lumawak naman ang kanyang ngiti. He kissed my cheek.
"Isama natin sila Mom?" I suggested.
Tumango siya. "Sure. If that's what you want."
I smiled more.