PMS3-12.1 MATAPOS ang nangyari sa kanilang dalawa ng binata ay halos wala na sa sarili si Jezen. Lumilipad ang utak niya. Panay lipad at kung saan-saan na nakakarating. "Hoy!" panggulat pang bungad sa kanya ni Julie. "Oh?" wala sa sarili niya pa ring sagot. Nasa dalampasigan silang dalawa at katatapos lang nilang magtanghalian. "Nasa langit pa rin ba ang utak mo?" asar pa ni Julie sa kanya. "Sira! Hindi ah!" agad niyang tanggi. "Oh? Ano ba iniisip mo at nagkakaganyan ka?" Huminga siya ng malalim. "Nagtapat sa akin si Cameron kanina. Gusto niya ako Julie at hindi iyon mawala sa utak ko." "Patay na! Akala ko love!" "Iyon din naman ang akala ko." "Pero at least may progress. Hindi ka na one sided lover!" Marahan niyang nahampas si Julie. Ang ingay kasi nito. "Like? May pos