PMS3-13 NANG umabot silang dalawa ng binata sa bonfire place kung saan gaganapin ang kanilang dinner ay bumitiw siya sa binata para tulungan ang kaibigang si Julie sa paghahanda. "Kumusta ang chikahan? Hmp!" nanunukso pang wika ni Julie sa kanya. "Wala ah," aniya pero hindi naman mawala sa mukha niya ang abot taingang ngiti. "Sus! Ang sweet niyo nga e! Nakakakilig nga kayo kanina," anito habang sinusundot-sundot pa ang kanyang tagiliran. "Wala nga iyon," tanggi niya pa at iniwan ang kaibigan. Uupo na sana siya sa kaharap na upuan ni Cameron pero sumenyas ito sa kanya. Gusto nitong tumabi siya sa binata. Pinaikot niya ang kanyang mga mata at umupo sa tabi nito. He suddenly kiss her temple. "Gusto kitang katabi," bulong pa nito. "Ako rin naman," sagot niya at bahagya pang nakagat ang