PMS3-13.1 NAGISING si Jezen dahil sa mga labi na dumadampi sa kanyang leeg. Nang imulat niya ang kanyang isang mata ay nasaksikhan niya kung paano siya panggigilan ng binata. Panay ang halik nito sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib. "Cam," mahinang sita niya. Parang ibang breakfast yata ang gusto ng binata. "Hmm? I'm busy..." Hinila niya ang buhok nito. "Hindi ka busy. Istorbo ka sa tulog ko," aniya at hinila ang kumot saka nagtalukbong. Ngunit maging si Cameron ay pumasok din sa loob ng kumot. "Morning," bati pa nito at hinagkan ang kanyang noo. "Morning," bati niya rin pabalik. "Bangon na, may lakad pa tayo, remember?" Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata at napadilat muli. "Oh? Nakalimutan ko," sagot niya at itinulak ang binata. "Aw," daing pa nito. "Hala! Sorry