PMS3-14 NANG matapos ang hindi kagandahan niyang almusal kasama ang binata ay agad din naman silang lumakad na. Nagpaalam na siya kay Julie, maging sa asawa nitong si Clayd. Habang nasa biyahe sila papuntang Hinatuan ay wala siyang imik sa binata. Bigla kasi niyang naalala ang sinabi ni Julie. Cameron must know things about her even though he never asks about it. Naguguluhan siya. Pakiramdam niya kasi ay parang hindi tama na sabihin niya at hindi rin tama na ilihim niya gayong may unawaan naman na sila ng binata sa kanilang totoong nararamdaman. Like can lead to a real love but she was not hundred percent sure about it. It can be change. Not her, but him. Huminga siya ng malalim at nahilot ang kanyang sintido. "Headache?" wika nito kaya agad din naman siyang napabaling sa binata. "Hin