Hindi ko mapigilang mapailing habang pinagmamasdan sina Logan at Uriel na sinusundan si Clifford papuntang ilog. Hindi ko lubos akalain na darating si Logan. Inimbita pala siya nila mama nang hindi man lang ako sinasabihan. At ngayon, doble na tuloy ang sakit ng ulo ko. Ang hirap na ngang kontrolin ni Uriel tapos dumagdag pa si Logan. Hindi ko na tuloy alam kung mai-enjoy ko pa ang bakasyon ko rito sa bahay. “Tintin, tawag ka ng Tiya Gloria mo,” sambit sa akin ni mama habang hinahango ang niluto niyang ulam. “Mukhang magtatanong tungkol sa mga manliligaw mo. Si papa mo kasi, pinagyabang na si Logan at Uriel sa mga kapitbahay,” pagsusumbong niya kaya napabuga na lang ako ng hangin. Minsan may kayabangan din ‘tong papa ko, eh. Dumagdag pa sa ikakasakit ng ulo ko. Pinuntahan ko sina Tiya Gl

