Pagkagising ko ay wala na si Uriel sa tabi ko. Nang bumangon ako ay nakita ko siyang nakahiga na sa sahig katabi si Logan. Siguro’y nagising siya nang madaling araw at bumaba sa sahig para hindi kami makita ni mama o papa kung sakali mang sumilip sila sa kwarto. Mabuti na lang talaga at nag-iisip din siya. Paniguradong patay talaga kami kapag nakita kami ng mga magulang ko o kung sino man sa pamilya ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi ako makagawa ng ingay at baka magising ko pa sila. Hindi sila pwedeng magising nang maaga dahil paniguradong maaga ring sasakit ang ulo ko sa konsumisyon. Nang silipin ko ang labas mula sa bintana ng kwarto ay hindi pa sumisikat ang araw. Ganitong oras madalas kaming nagigising nila mama at papa para makapaghanda sa mahabang araw na naghihintay

