Kabanata 54 Hila-hila ko sa kamay si Uriel habang binabagtas namin ang mga pilapil papunta sa kalsada para maghanap ng masasakyan. Pinasama na kasi siya sa akin ni papa na umuwi dahil wala rin naman daw siyang maitutulong sa pagsasaka at mas napapatagal pa niya ang trabaho. “I don’t think I should go with you,” tutol niya sa akin. Kanina pa niya sinasabi na hindi siya aalis at sasamahan lang niya si papa pero ako na ang nagpumilit na iuwi siya, dahil liban sa alam kong tama naman si papa, ayoko rin ng ginagawa ni papa sa kanya. Tingin ko’y di na rin ‘yon tama. Naiintindihan ko naman ang ama ko sa parte na gusto niyang kilalanin si Uriel. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan pa niyang pahirapan. Kung hindi niya gusto ang tao, pwede naman siyang sabihin nang dire

