Hindi ko alam kung ano ang sasabihin habang nakatingin kay Lolo Henry. Ramdam ko ang paggapang ng lamig mula sa ilalim ng mga paa ko paitaas sa ulo ko. Tinakasan din yata ng buhay ang mukha ko at ang tanging nagawa ko lang ay ang iawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Matapos ang ilang segundo ay napakurap-kurap ako. “W-What do you mean po, ‘lo? H-Hindi ko po alam ang sinasabi n’yo,” pagpapatuloy ko sa pagpapanggap dahil baka sinusubukan niya lang ako—na baka isa ito sa mga sinasabi ni Mr. Muller na katangian ng lolo niya: ang pagiging tuso nito. Hinintay ko ang reaksiyon niya, pero nakatitig lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong pagbibiro sa ekspresyon niya. Blangko ang mukha pero dama mo ang napakabigat at nakakatakot na awrang nagmumula sa kanya—higit na mas nakak

