Nakasandal lang ako sa railings ng yate habang pinagmamasdan ang kumikinang na karagatan sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw. Mag-isa lang ako dahil hindi ko alam kung nasaan ang iba maliban kay Marco na siyang nag-o-operate ng yate. Mula kaninang paggising ko ay hindi ko na sila nahagilap pa, lalo na si Mr. Muller at Logan. Si Noah, tingin ko’y nasa kwarto niya at nagpapahinga. At dahil wala namang ibang tao sa paligid ay napagdesisyunan kong kumuha na lang ng litrato at mag-selfie para may remembrance ako. Pero nang pumosisyon ako sa isang direksyon ay napasigaw ako at kamuntik ko pang mabitawan ang cellphone nang makita ko si Logan na nakatayo sa likuran ko. Agad akong lumingon at masama siyang tiningnan. “You scared me!” Tipid lang siyang ngumiti bago tumabi sa akin. “Sorry kun

