Kabanata 62 Hindi ko na nagawang maging masaya pa ng mga sumunod na oras na kasama ko si Logan. I couldn’t help my guilt from eating me up. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya pero ginawa ko pa rin; I still rejected his feelings. And that just made me realize one thing: kapag hindi ka gusto ng isang tao, kahit pa anong gawin mo ay hinding-hindi na ‘yon magbabago. “Did you have fun?” tanong niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng mansyon ni Uriel. Nakasindi na ang lahat ng mga ilaw sa paligid dahil tuluyan nang kumagat ang dilim. Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. “Yes. Thank you.” “You didn’t,” aniya bago malungkot na ngumiti sa akin. “You know you can’t lie to me,” dagdag pa niya. Siguradong-sigurado ang tono niya kaya hindi na lang ako nagsalita. Ayokong isipin niya n

