Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nagpresinta si Mr. Muller na siya ang sasama sa akin, eh wala naman akong ibang gagawin kundi ang magpadala lang ng pera. Hindi ko pa kasi masyadong kabisado ang mga pasikot-sikot sa lugar kaya kailangan ko ng sasama sa akin at si Logan ang naisip ko dahil siya naman palagi ang sumasama sa akin. At ewan ko ba, mas komportable akong kasama siya kaysa kay Mr. Muller. Pero wala na akong magagawa dahil nag-insist na ito. “Are you done?” inip niyang tanong sa akin habang nakaupo siya sa couch at naka-krus ang mga braso sa kanyang dibdib. Halos magtagpo na ang kilay niya nang lingunin ko. “It’s been almost thirty minutes since I told you to get ready.” “Almost done, U-Uriel,” sagot ko sa kanya bago humarap sa salamin at itinuloy ang pagpapatuyo ng

