Third Person’s Point of View Nakatitig lang si Uriel sa screen ng laptop niya habang nakikinig sa presentation ng empleyado tungkol sa sales ng kompanya. Hindi niya magawang makapag-focus nang maayos dahil ang tanging tumatakbo lang sa isip niya ay kung paano niya sisingilin si Kristine sa ginawa nitong pambibitin sa kanya. Tandang-tanda pa niya kung paano sumakit ang puson niya dahil hindi siya nakapagpalabas. Nawalan na siya ng gana na ilabas ang katas niya dahil sa inis at pagkadismaya. Napabuga siya ng hangin dahilan para matigil sa pagsasalita ang empleyado niya. Lahat ng mga mata ay napunta sa kanya, at huli na nang mapagtanto niyang napalakas pala ang pagbuntong-hininga niya. “Oh, sorry. Continue.” Naikuyom niya ang kamay at napailing dahil nadi-distract talaga siya. He couldn’t

