Kabanata 56 “Did you enjoy your vacation?” tanong sa akin ni Uriel habang nagmamaneho. Saglit niya akong tiningnan bago niya ibinalik ang focus sa daan. “Yes. Mabuti na lang talaga at umuwi kayo ni Logan,” diretsong sagot ko sa kanya sabay ngisi. “Kung hindi kayo umuwi, baka na-stress lang ako buong linggo. I’m glad I was able to enjoy the last three days.” “Do you really consider me as a stressor?” aniya at saglit na tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. “Was I a nuisance to you back there?” “Somehow,” prangkang sagot ko. At bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya, “But I also enjoyed your company.” “Which one’s company did you enjoy the most?” tanong niya sa akin. “Which one between me and Logan did your family like the most?” “Is that even a question?” mabilis k

