Sabi nila, kapag nai-enjoy mo ang isang bagay ay mabilis na lumilipas ang oras. Kagaya na lang ng sitwasyon ko ngayon. Sa sobrang saya ko na nakasama ko ang pamilya ko ay hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Parang pumikit ang ako at heto na ako't nakatayo sa labas ng bahay habang hawak-hawak ang maleta ko at kaharap ang pamilya ko na kagaya ko ay ayaw pa akong umalis, pero wala kaming magagawa dahil 'yon lang ang ibinigay sa aking panahon. “Kailan ang susunod mong uwi, ‘nak?” tanong sa akin ni mama. Pansin ko ang panunubig ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mas lalo tuloy akong nalungkot, kaya niyakap ko siyang muli. “Hahanap po ako ng paraan ma,” bulong ko sa kanya. “Sisikapin ko pong makauwi sa katapusan para makadalo ako sa birthday mo,” dagdag ko bago ako kumalas s

