Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Muller. “P-Po?” pagkaklaro ko dahil baka namali lang ako ng rinig. Ngumisi siya sa akin. “Do you want me to repeat it?” aniya at muling inilapit ang bibig sa tainga ko. “I want you to wear those lingeries later. Wear every single one of them,” dagdag niya bago tuluyang lumayo sa akin. Napatitig na lang ako sa kanya at hindi na napigilan ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Kahit hindi ko pa man ginagawa ang sinasabi niya ay naiisip ko na ang magiging hitsura ko at hindi ko mapigilan ang pagkain ng hiya sa sistema ko. “H-Hindi ba pwedeng iba na lang, U-Uriel?” “No,” matigas niyang sabi. “That’s what I want. And don’t you ever dare back out from our deal dahil ikaw mismo ang nagsabi sa akin na gagawin mo ang kahit na anong ipapagaw

