BLACK CHAPTER 1

1254 Words
    "Kuya Jared, what did you say?" Kinakabahan ako habang tinatanong si kuya Jared.      Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig, baka kasi sa kaba at pagod ko kaya iba narinig ko.      "Right now, Marvin, Henry and the other mission team are now investigating." May binigay sya sa aming tig iisang envelope "Nag iimbistiga sila ngayon sa Color corp., at according sa investigation nila na ang black organization ang nakatoka sa pagaguard ng building nila."      "Wait. Wait." Napatingin kami kay Yana at ramdam ko ang kaba nya and at the same time naiinis sya "Bakit sila nandoon? Pare parehas kaming kalaban ng organization pero bakit sila lang?!"      Tinitigan ko si kuya Jared. Yan din ang gusto kong malaman. Nasa iisang team lang kami pero ang leader namin? Ang number one namin nasa mapanganib na misyon. Dapat pala, dapat pala di ko pinaniwalaan ang nararamdaman ni kuya Jared.      "Im sorry about that pero yan ang gusto nilang mangyari. Hindi nila kayo gustong mapasabak sa ganitong gulo."      "Pero kuya Jared! For pates sake! Simula pa lang kasama na kami sa gulo dahil member kami ng Verdant Ellipse second year!" Inis naman na sigaw ni Kass.      Natahimik naman kami ng biglang hampasin ni kuya Jared ang mesa nya. Oo, gusto ko malaman kung bakit pero hindi ko naman gustong magalit si kuya Jared. Narinig ko ang sorry ni Kass at Yana pero di na rin sila umimik after nun.      "Listen." Huminga ako ng malalim at di sya pinakiramdaman "Hindi ko sinabi sa inyo hindi dahil sa wala kaming tiwala sa inyo, mas may kailangan kayong gampanan dito sa school kaya hindi kayo sinama. But that is not the main reason here." Hinilot nya ang bridge ng ilong nya saka tumingin sa amin "Hindi nila gusto na mapahamak kayo, this matter is not a joke but this time I want you to help them."      "Help them?" Kunot noo kong tanong "May nangyari bang hindi maganda?"      Bumundol naman ang matinding kaba sa dibdib ko dahil sa pwedeng sagot ni kuya Jared. Yung luha ko alam ko na nagbabadya na.      "Marvin, Henry and Mark are injured." And that's it nagkarerahan na ang luha ko "According to Victor's report nahuli sila na palakad lakad within the parameters kaya naman nabaril sila. Hindi naman ganun kalala ang injury pero kailangan pa rin ng paunang lunas."      Inilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko at naiyak. Oh my goodness why is this happening?      "Nahuli sila? Hindi sila tanga kuya Jared!" Bulalas naman ni Min "Senior Marvin is good in observation, Henry in Decision and Martial arts for Mark so paano sila nahuli?"      Tinanggal ko ang kamay ko at napatingin kay kuya Jared narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya saka pumikit.      "Kahit na gaano kagaling si Marvin sa pag observe, si Henry sa paggawa ng desisyon at pagprotekta ni Mark hindi pa rin nila nakaya." Kinuha nya ang isa pang folder at binigay sa amin. "Here. Bumalik kayo sa laboratory nyo na parang walang nangyari at nasa folder na yan ang full report nila."      "Kuya hindi ba kami pwedeng pumunta para tumulong?" Tanong ko at umiling naman si Kuya Jared. "Bakit?"      "Dahil pinaghahanap pa sila. They turned off their devices kaya hindi namin malocate ang location nila. Its been two days na hindi namin macontact ang kahit na sino sa kanila."      Napatingin naman kami kay Kass. That's the reason kung bakit hindi namin sila makita! Kung bakit hindi sila malocate ni Kass.      "And also." Nabaling na naman ang tingin namin kay kuya Jared "Hindi pa kayo pwede pumunta dahil may mga taong papabagsakin pa kayo sa lugar na to." Nag nod naman kami at saka sya ngumiti "Don't worry mas matibay pa sa gold bars ang mga lalaki nyo kaya di yun basta basta."       Hindi namin alam kung dapat ba kami matuwa dahil makakasunod kami kahit papaano o malungkot dahil wala kami sa paghihirap nila. Kami dito nagpapakahayahay tapos sila doon.... I sigh.      "Makakatikim talaga sakin yang Mark na yan may pasulat sulat pang nalalaman wala naman pala sa kondisyon ang katawa!"      She's right. Kinuha ko ang envelop at nakita ko na may parang ko ting pula sa gilid ng envelop kaya naman napakunot ang noo ko at saka ko ito inamoy.      "Dugo.... "      "Huh? Ano yun Kesia?" Tanong ni Min at tumingin ako sa kanya, sa kanila.      "Amoy dugo ang sulat na binigay ni Marvin." ***      Bago pa kami bumalik sa laboratory namin ay dumaan muna kami sa detention office at nakita ko naman si Nikka doon na nakikipag away sa nagbabatay.      "SINABI NA NGANG PALABASIN NYO KO DITO EH! ANO BA?!" Wala na talagang pag asa ang babaeng to.      Nauna akong pumasok sa loob at sumunod naman ang mga kaibigan ko at mukhang hindi kami napansin ng babaeng palengkera.      "Mainit na ba? Di mo na ba kaya?" Walang gana kong tanong at galit syang napatingin sa akin. "Kakaiba ang detention dito di ba? Kaya kung ako sayo magbebehave na ako para makaalis."      "Behave?! You got to be kidding me?"      "Nope. Kung ipagpapatuloy mo yang ugali mong yan mas lalong iinit ang loob and also." Hinagis ko sa loob ang periodic table na hawak ko kanina "Kabisaduhin mo yan at gusto ko lahat... Mula sa Hydrogen hanggang sa pinaka dulo ang nobelium kasama ang atomic mass, number, ionization energy in kJ/Mol and also kasama na rin ang element name, symbol, electron configuration, electronegatity, and the oxidation states."       "WHAT THE F*CK! DON'T GIVE ME SOMETHING NOT USEFUL!"       "Not useful? Are you referring to yourself?" Umabante konti si Yana "Kung sayo di importante ang mga yan then ibahin mo kaming mga tunay na estudyante ng school na to."       "Nakakasar ka nang babae ka di ka na nakakatuwa! Akala ko ba aagawin mo pwesto ni Kesia? Pero mukhanh di mo kaya. " naiiling naman na dagdag ni Jullia.       "As if naman luluhod sa kanya si Kesia. If I know nagmamataas lang yan porque nakapasok sa school. Tsk. Di nya alam na weekly may evaluation ang school. Poor girl." Pang aasar pa ni Min.       "Hey. Wala akong paki sa inyo!"       "As a verdant ellpise, I want you to memorize everything in that paper. " pakikisali naman ni Kass at tumingin sya sa babaeng nagbabantay "Whatever happen please don't let her get her way out. Kapag nakabisado nya na ang nasa periodic table saka na ninyo kami tawagin at papakinggan namin sya"       "Yes Miss Kassey."       "YOUU.... "       "STOP." naiinis na talaga ako sa babaeng to "Gusto mo ng ganito di ba? I will play with you but make sure na kaya mong laruin ang laro ko. Papaalalahanan kita habang tumatagal mas lalong umiinit sa loob kaya kunh ako sayo magmamadali na akong magmemorize."        Tumalikod na ako at narinig ko pa ang sigaw ni Nikka but who cares? Sya naman ang may dahilan kung bakit sya nanjan at isa pa hindi namin pwedeng baliwalain ang ginawa nya. Sya ang kauna unahang nangbully sa school na to, really. ***       Pagdating namin sa loob ng laboratory namin tahimik lang kaming nakaupo sa sofa at nakatingin sa folder na dala dala namin kanina galing sa office ni kuya Jared. We all sigh.       Gusto namin malaman ang nasa loob pero natatakot kaming baka masama ang nasa report at di nakin kayanin. Pero hindi pwedeng ganito lang kami.        "Buksan na natin?!" Tanong ko sa kanila at nag nod naman sila.        Ramdam ko ang tension na nasa loob ng laboratory namin at kahit na nakafull pack ang aircon namin ay pinapawisan pa rin kami. Jusmiyo marimar hindi ko alam na ganito pala kahirap ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD