BLACK CHAPTER 11

1593 Words
Natihimik lang kaming nag hihintay kay kuya Jared sa office nya since nagpaiwan sila ni ate Raquel sa kulungan sa ilalim ng academy. Hindi ko alam na may ganun pala and take note hindi lang sila Miss Marie ang makukulong doon. But since si Miss Marie ay nagsasalita iba ang kulungan nya, medyo protektado kesa sa iba na cell bar lang. Hindi din nakakarinig yun ng kung anu-ano kaya okay lang. "Ano kayang balak ni head- esti kuya Jared doon? Ano ba yan napapahead master tuloy ako nakakatakot kasi sya kanina!" Inis na sabi ni Yana at natawa naman ako. Tumigil ako sa pagtawa at nagsalita, "Hindi ko nga alam kung galit ba talaga yun eh parang nagbibiro lang. Pero aaminin ko natakot din ako kanina." Nag nod naman si Jullia saka nagsalita rin, "Paano ka ba naman kasi di matatakot eh may parang aura na bumabalot kay kuya Jared ang creepy kaya nun." "Naramdaman nyo rin yun? Akala ko ako lang kasi mga nakapoker face kayo kanina." Naiiling naman na dagdag ni Min. "Nakapoker face ba kami? Di naman ah." Sabat pa ni Kass at dinrop na lang namin ang topic namin na yun. "I think alam na ni kuya Jared." Sabi ko at napatingin naman sila sa akin. "Naramdaman ko kanina na medyo lost sya bit at the same time may konti na syang hint." "At yun ang gusto kong maconfirm ngayon." Napatingin kami sa kakapasok lang at nakita namin si kuya Jared. "Raquel please have a rest." "Okay." Natahimik naman kami ng umalis si Miss Raquel at nakatingin lang kami kay kuya Jared, in fairness hindi ko to gusto. Yung ganitong katahimikan nakakabaliw to promise. "Explain everything. How did you manage to put their on vine and let alone that they dont have any voice-" "Uh-oh." Sabat ni Jullia at napatingin naman kami sa kanya. "Oops." I sigh. "We are not an ordinary student." I started. "I know that." "Somehow we are qualified to be one of Twelve Academy's student but somehow not." He look at me in confusion. "We have this ability that make us different. I know that being above them when it comes to academic is not normal anymore but far from that." Huminga ako ng malalim at pumikit saka dumilat ulit "I can feel someone's feeling, I have this emphatic powers. Jullia can levitate everything she wants." Nagkaroon naman nang nagsisitaasang mga gamit.  "Kass had this advance hologram." And all of the sudden may nakapalibot na na hologram sa amin. "Yana and her vines." Out of nowhere meron ng mga nagsasayawang mga halaman sa tabi nya. "And Min and her wind." A mild wind came into our view. "May part na qualified kami sa Twelve Academy may part na hindi kaya hanggang ngayon di pa rin kami makuha ng T.A." "And wala man lang kayong balak sabihin sa akin?" Nagkatinginan naman kami. Ramdam ko ang frustration ni kuya Jared but somehow parang wala lang sa kanya ang ability namin. Hindi sya naiinis dahil sa ability namin dahil wala man lang akong maramdaman na tungkol doon but naiinis sya dahil hindi namin sinabi sa kanya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at halos naman sabunutan ko sila nang iparamdam nila sa akin na ako dapat ang mag explain! Jusmiyo marimar mga kaibigan ko ba talaga sila? Sinamaan ko sila ng tingin pero ngumiti lang sila sa akin. Binalik ko ang tingin kay kuya Jared at nakatingin naman sya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako. "Okay sige ako na." At hunarap naman ako kay kuya Jared. "Kuya paalala mo sakin na after nito sasabunutan ko ang nga yan ah?!" Kumunot naman ang noo nya. "Hindi namin sinabi hindi dahil sa ayaw namin, hindi dahil sa wala kang karapatan. Itinago namin dahil yun ang tingin naming dapat, hindi naman namin gusto na madamay ka sa mga nangyayari sa amin alam mo naman kung ano ang nangyauari di ba?" He nod "Pero dapat sinabi nyo muna sa akin." "We tried kuya Jared. Pero dahil sa nakakaramdam ako ng kakaiba sa office mo kaya lagi na lang ako nagbaback out. Last time nakaramdam ako ng bug inside this office kaya hindi ko na tinuloy at sinabi sa kanila na wag sabihin kahit kanino." Hindi ko alam pero this time para ako ang naiinis. "And Henry?" Napatingin naman kami kay Yana. "Yes? What about him?" Hindi maipinta ang mukha nya since hindi maganda ang kalagayan nito. "Kasama nyo rin ba sya? Si Ange, Arlene at Victor din ba?" I shrug. "Only Henry." Kumunot na naman ang noo nya saka ako tumingin sa kanya. "He can see a fragments of future and then he will analyze it." "Is that the reason why he don't want you to know his whereboats." Nagkibit balikat naman ako. "Hindi po namin alam kuya Jared. Basta ang alam namin may kaaway kami, may powers kami at yun ang meron kami na wala sila maliban sa talino." Sabat ni Jullia at nag nod naman si Kass. "I agree kay Julls, alam naman namin na hindi maganda at hindi din magiging madali ang laban namin pero nakaranas na kami ng war kuya Jared kahit na hindi man kami ang mismong kasama doon pero nagsupport naman kami." Nawala ang hologram na nakapalibot kay Kass nang tumayo ito. "Isa pa kuya Jared you dont have to worry dahil kaya naman namin ang sarili namin. Oo sabihin natin na masasaktan kami but its part of our life." "Yes. And to think na yung boys nila nasa panganib? I don't want to see those faces again." At winagayway naman ni Min ang kamay nya. I agree with her. Hindi ko na rin gusto makita pa ang mga itsura namin nang malaman namin ang kalagayan nila. Natahimik naman kami nang hindi magsalita si kuya Jared. Hindi ko malaman ang takbo ng isip nya pero alam ko kung ano ang nasa puso nya. "Alam ko kuya Jared. Naiintindihan ko." Napatingin naman sya sakin ng may pagtataka sa mukha nya "Alam ko naman na nag aalala ka at naiintindihan namin yun dahil para sayo nakababatang kapatid ang turing mo sa amin." Nanlaki naman ang mga mata nya pero ngumiti lang ako. "Kaya namin to kuya Jared at kung nandoon kami para suportahan sila Marvin kakayanin namin. Wala pang tumatalo sa team work namin kuya Jared so rest assured uuwi kami in one piece." Hindi na naman nagsalita si kuya Jared and after five minutes I guess ay nagsalita na rin sya. Hindi ko alam kung paano nya nakayanan na di makipag usap but I know na nagdidisisyon sya sa mga time na yun. He sigh and look at us, "Sigurado ba kayo na matutulungan nyo sila?" We smiled. "Of course kami pa ba?" Agad kong sabi at nag nod naman sila Yana bilang suporta. "Hay naku kuya Jared wala ka bang tiwala dito sa Miracle Verdant mo?" We all chuckled. Iba din manira ng atmosphere tong si Min. "Miracle?" Kunot noong sabi ni kuya Jared. Yana rolled her eyes and said, "Naku kuya Jared kung makikibalita ka lang sa mga student sa labas ng office mo then malalaman mo kung bakit Miracle Verdant Ellipse ang tawag sa amin." "I guess I really need too." Natawa naman kami. "But... " napatingin kami sa kanya and our smile faded. "I want you to report me everything you know about where are they and what the hell happened to them." Yung smile na nawala sa amin kanina nabalik na ngayon kaya naman nag nod kami. "Okay sir!" Sabay sabay naming sabi at nainis naman sya saka kami tumawa. Ayaw na ayaw nya talaga na tinatawag syang sir nagmumukha daw syang matanda eh matanda na naman talaga sya, oops hahaha buti na lang di sya nakakabasa ng isip kung hindi baka lagot na ako. "Err kuya?" Napatingin naman kami kay Kass "Whats that underground cell anyway?" He sigh again, parang hilig nya na ata to ah. "Nandoon na yun bago pa man maging ako ang head master ng school na to at sasabihin ko sa inyo na umpisa pa lang alam ko na na ang magiging kaaway na naman ng school ay ang Color Corp., dahil umpisa pa lang din sila na talaga." "Enlighten us please." Ay naku Jullia ayan ka na naman. "Noon may nagtatangka na rin na manguha ng mga students ng Mint Academy. In two years nagkaroon ng mahigit thirty seven a*******n outside the school and all of the parents were furious wala kaming nagawa kundi ang protektahan and also to investigate about what happened two decade ago." Tumayo sya at pumunta sa isang shelves. "Sa pag iimbistiga namin nalaman namin na isa sa pangunahing suspect ang color corp na may mga organization under nito. Hanggang sa maexpose namin at maging okay hindi ko alam kung bakit na naman sila umangat at hindi ko rin alam kung sino na ang bagong head nila." "You can ask me if you want." "Yabang mo Kass ah." "Hindi pagmamayabang yun Yanyan." "Hmp." Natawa na lang kami sa kanilang dalawa at nag ehem naman si kuya Jared. "Basta ang gusto ko lang ay hindi kayo masaktan. Hindi ko kayo masisisi kung makakabangga nyo sila at hindi ko rin aasahan na babalik kayong walang galos but please hanggat maari sana walang masamang mangyari." I smiled and look at him. "Kuya Jared, I know na mga bata pa kami sa paningin mo but kuya Jared." Itinuro ko ang sintido ko. "Hindi kami tanga at pangmatanda na ang utak namin. Alam na namin ang dapat naming gawin kaya rest assured walang mamamatay sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD