BLACK CHAPTER 10

2144 Words
Tahimik lang kaming nakatingin sa kanila habang tinatago kami ng mga baging ni Yana. Malaking tulong na din to dahil hindi namin kailangan pang mahirapan gumalaw para magbago ng posisyon dahil medyo malawak ang baging. "Kelan pa nagkaroon ng mga baging dito?" Takang tanong ni Miss Marie at kinabahan naman ako. Ramdam ko na parang nagtataka sila pero hindi naman nila kayang magtaka ng walang basehan. "Ano ka ba Miss Marie matagal na yan jan at isa pa hindi mo ba napansin yan noon? Year na na nandyan ang mga baging na yan." Sabi naman ni Miss Reyes. Halos mapa-yes naman ako sa ginawa ni Miss Reyes. Minsan hindi ko alam kung pwedw ba talaga tong maging teacher since parang tatanga tanga naman sya and also yung puso nya di talaga pwede pang teacher masyadong marumi. Nararamdaman ko na gusto nyang patayin ang lahat nang kasama nya pero pinipigilan nya dahil baka mapasama pa sya sa organization at mawala pa ang promotion nya. Nakakatanga naman ang babaeng to. "Oh ano nang nangyari sa mga binabantayan nyo?" Tanong ng hardinero. "Ganun pa rin wala pa ring pinagbago wala pa ring mga kwenta ang first year ngayon." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nung janitor. Nabasa ko na naiinis si Jullia sa pangmamaliit na binigay sa mga first year pero ramdam ko rin naman na nagpipigil sya sa galit nya and that's the good thing. "Walang kwenta? Kumusta naman yung mga third year di ba? Isa pa doon nawawala." Sabi naman ni Miss Marie. Third year? Nawawala? Hindi kaya si Marvin ang tinutukoy nya? "Yung missiom team din at ang number one bg third year nawawala din." Napakagat naman ako ng labi sa sinabi ni Miss Reyes. So alam nila na nawawala ang mga kaibigan namin? Ibig bang sabihin wala silang alam na nagmamanman ang mga kaibigan namin sa base nila? Naglabas ng laptop si Miss Marie at ramdam ko naman ang inis at inggit kay Misis Reyes since si Miss Marie ang mas gsuto ng kasama nya dahil bukod sa mas maganda ito mas sexy, mas bata at mas pa sa kanya. Naramdaman ko na pinaplano ni Misis Reyes na patayin si Miss Marie while si Miss Marie walang pakialam sa mga kasama nya. Siguro maaga talaga tong mamamatay wala kasi syang paki super taas ng tiwala nya sa mga kasama nya hindi nya alam yung dalawa balak syang irape at ang isa naman patayin. Buhay nga naman oo. Jullia: Ano nang balita? Hindi ko pa makita ang nasa loob ng laptop. Jasmin: Hindi talaga kasi di pa nabubuksan! Kassey: Tigil muna kayo mag focus kayo. Hindi ako nagreply at tumingin lang ako sa kanila. Pare-parehas naman naming naririnig mga sinasabi nila kaya kahit din di kami tumingin okay lang. "Alam nyo parang may nakatingin sa atin." Sabi ng hardinero. "Baliw. Guni guni mo lang yan!" Paninira naman ni Misis Reyes kaya sinamaan sya ng loob nv hardinero. Hindi ko talaga magets ang ugali ng mga to. Pare parehas silang gahaman although medyo medyo lang si Miss Marie pero ganun pa rin naman sya. "Ang bilis nyo naman." Napakunot ako ng noo ng marinig ko ang hindi pamilyar na boses. "Syempre ayaw ka namin mag hintay boss."  Sipsip talaga tong si Misis Reyes. "Sige. Okay. Report." "Pare parehas naman po kaming walang nakikitang kakaiba sa loob ng school at mukhang wala ding nakakahalata sa mga ginagawa namin." Nakangiting banggit ni Miss Marie. Nakaramdam na naman ako ng inis. Hindi ko talaga alam kung maganda ba ang pag open ko ng power ko o hindi eh nakakasama kasi ng loob. "And also may nakita na kaming pwede nating gawing pain." "Boss, maganda sya at galit sya doon sa isang grupo ng verdant." "Heeh~ nakahanap kayo. So mapagkakatiwalaan ba?" "Opo. Konting bilog lang yun." "Ayusin nyo trabaho nyo ah." "Yes boss." Sabay sabay naman nilang sabi. "Oo nga pala. May mga iilang nagbigay sa amin ng pills." Good grace galing mo talaga Misis Reyes. "Pills? " "Yes boss. Although tatlo lang ang nakuha ko." Nag nod naman si Miss Maria para suportahan si Misis Reyes. "Nakakuha rin po ako ng tatlo." I smirk. Tatlo? Lima ang binihay ko sayo ah. I shurg my head. Maybe may paggagamitan sya. "Good. Ipadala nyo yan dito and iaanalyze namin kung ano ang sangkap nyan. And also keep an eyes of these group." Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang pictures namin sa screen "They are a threat understood?" "Yes sir!" Sabay sabay nilang sabi. "Oo nga pala. Pakiingatan dahil baka may makuha pa tayong importante sa kanila, matatalino sila at di dapat masayang. May iilan din naman na nagmamanman pero malalaman din namin kung saan sila nagtatago." "Okay sir." Maya maya pa ay pinatay na nila ang laptop saka sila nag ayos pero di pa man sila nakakaayos ay agad ko nang sinenyasan sila Min at Yana. Si Min tinanggalan nya ng hangin ang vocal chord nila para hindi makasigaw at parang pinako naman sila ni Jullia sa kinatatayuan nila saka ito nilagyan ni Yana ng baging. Mula paa hanggang ulo. Mata lang at bibig ang hindi kita sa mga baging. Naramdaman ko ang takot nila at pagtataka at the same time ramdam ko rin na bago sa kanila ang nangyayari. Di ko rin naman sila masisi mahirap din naman talaga ito paniwalaan but who cares? Kailangan nilang patahimikin! "Hello mga ma'am and sir." Nakangiti kong sabi at lumabas sa pinagtataguan ko. Naramdaman kong kampante sila at may something na nakatago sa kanila. I signal Kass so that she will be aware. She tap into her hologram keypad and by that I can sense their envy. Of couse, bakit nga ba hindi? Hologram is one of their project na gusto nilang maging successful but too bad na napunta to sa amin. "Done." I smiled after a minute of waiting. "Thanks." I said and look at them. "Now na wala nang bugs under your shoes, dress and pants I can talk well." Nanlaki naman ang mata nila. "Ayoko sanang magalit but I really don't like being watch by someone." I signal Yana to remove the vine but oh sa bibig lang at isang tao lang. "Sino gusto mo?" She asked and then I look at then. I chuckled when I felt their fear. "Misis Reyes I guess." "Okay." As soon as natanggal ang busal sa bibig ni Misis Reyes ay halos naman manakit ang ulo ko sa kakadaldal nya. Pinabalik ko na lang kay Yana ang busal. "It's hurt." I said with a sarcastic smile kaya naman nakita ko ang inis ni Misis Reyes. "Don't call us bully dahil in the first place never kaming naging bully. Kayo nag umpisa kami ang tatapos. Also who told you that we're weak? I guess you need to research once again." I look at Yana and then she raise her eyebrow "Si Miss Marie na lang since sya lang ang pwedeng matinunong kausap." She nod. Tahimik lang si Miss Marie ng tanggalin ang busal sa bibig nya at kalmado lang syang nakatingin sa amin samantalang si Misis Reyes halos magwala na sa kinalulugaran nya. "What do you want?" Tanong nya at ngumiti nakan ako. Hindi ko alam kung anong trip ng mga tropa ko pero nagkaroon ng vine na upuan sa likod ko kaya naman umupo ako at tumingin sa kanila habang nakapatong ang siko ko sa arm chair ar sinusuportahan naman ng palad ko ang kaliwang pisngi ko. "What is your main goal here?" Nagdadalawang isip sya sa pagsagot at naramdaman ko na wala syang balak magsalita hangga't walang kapalit, I sigh. "I got something." Rinig kong sabi ni Kass at may nag appear sa harap kong hologram. Marie Roxas. The girl who loved to make love with someone in the bar. Dahil sa kanyang alindog na nakatago sa maamo nyang mukha at sa galing nyang magpaikot ng lalaki tinawag syang Miss World ng kahit na anong bar. "Turns out that your background wasn't that nice." Nanlaki naman ang mga mata nya at ngumiti ako. "I'm not bad as what you think." Hindi naman talaga kami masama kailangan lang naman namin na lumabas na masama para hindi kami pagsamantalahan, hindi kami isahan, o apihin. "Now Miss Marie. Kung gusto mo na hindi mawala yang teacher license mo you better sing." "Huh. Anong paki ko sa license na yan." Napasigh na lang ako. "I know na wala kang paki sa lisensya mo pero paano kung sabihin ko sayo na kaya kong, namin protektahan yang kapatid mo na hindi kilala ng organization, papayag ka ba?" Natigilan naman sya konti. I can sense her sister protective side approach at konti na lang papayag din to. Ayoko sanang gumamit kami ng dirty trick but since di din naman magaling lumaban ang taga Black Organization kaya hindi ako papayag magpakabait. "Three... " "Two.... " "O-" "Papayag na ako." Napatingin sa kanya ang lahat ng kasamahan nya na nanlalaki ang mga mata. Hindi nila akalain na gagawin nya to. "Pumapayag ako basta ipangako nyo na poprotektahan nyo ang kapatid ko!" "Once na sinabi ni Kesia na poprotektahan nya, poprotektahan nya. Hindi kami nagbebreak ng promise." Sabat ni Min sa likod ko habang pinipigilan pa rin ang hangin sa paligid namin. "Okay." Huminga sya ng malalim. "Nandito kami sa school na to based na rin sa utos sa amin ng head ng organization since hindi sila nakakapasok dito sa school at ang mga iilan lang ang matatanggap sa school na to. We all agree to spy and di ko naman akalain na ganito pala kabaliw ang lugar na to. Noong una nagulat ako sa sobrang talino ng mga tao dito even ng mga teacher, naging conscious kami na baka malaman nila ang plano namin. Hindi kami ganun katalino gaya ng ibang teacher dito kaya natatakot kami." "Noong maging advisory class ko ang class 1-E natutuwa ako dahil tinanggap nila ako. Natutuwa ako na iba sila sa mga naging students ko. Hindi sila bastos at nagsasalita lang kapag kailangan. Pinag isipan ko na magback out na lang dahil ayoko silang madamay pero nag aalala ako sa kapatid ko dahil alam ko na may chance na malaman ng organization ang tungkol sa kanya at gamitin sya laban sa akin. Kahit na ayoko ginawa ko pa rin, nakipag usap sila na gwin ang mga dapat gawin at ginawa ko naman." "Ang kailangan ng organization ay isang matalinong estudyante. Kahit sino since lahat naman ng nandito matalino pero mas prefer nila ang mga verdant ellipse but since hindi namin kayo laging nakikita kaya nagtataka kami kung nasaan kayo, kung pumapasok ba kayo sa class nyo. Nag search kami at nalaman namin na di kayo napasok sa class nyo at may sarili kayong facility sa school na to kaya lang di na namin nahanap kung saan yun. Ang kailangan namin ay mautusan ang isang taga verdant na pumunta sa color corp para sa isang exam pero ang totoo kikidnapin sila!" Naramdaman ko ang galit at inis ng mga kasama nya at ang pagpipilit nilang makawala kaya lang nawala kay Miss Marie ang tingin nila at napunta sa tumatawang si Yana. "Sorry sorry. Natatawa kasi ako sa reaksyon nila. Alam nyo yun yung feeling na di ka makawala. Nakakafrustrare di ba?!" And then she smirk kaya naman napailing na lang ako. "Alam mo minsan iisipin ko na baliw ka." Natatawa namang sabi ni Min. "Panira ka talaga ng moment Yanyan." Sabat pa ni Jullia. Huminga ako ng malalim at naramdaman ko na may paparating but Min and I already know kung sino ang parating. "Ay anak ng- head master!" Bulalas ni Yana at natawa naman kami ni Min sa reaksyon nila. "Para namang di kayo sinabihan ng mga to." Naiiling na sabi ni Kuya Jared at napatingin sya sa amin "Mag uusap tayo after nito." We nod. Alam namin na alam na nya ang tungkol sa amin. "Sabihin nyo sino ang boss nyo?" Kinilabutan naman ako sa boses ni kuya Jared. "Magsalita!" Natuod naman kami sa kinatayuan namin. Alam namin na nakakatakot magalit si kuya Jared pero hindi naman namin expected na ganito pala nakakatakot! Shet yung buhok ko mula taas hanggang baba nagsitaasan as in lahat! "Ang isa po sa board of director ng Color Corp. Ang magiging representative bukas. Si Mister Arjay Pintuho!" Nararamdaman ko ang galit ni kuya Jared at ramdam ko rin ang takot ni Miss Marie pati na rin ng iba pero di pa rin maalis ang galit nila kay Miss Marie. "Alyana?" "Yes head master?" "Please bring them to the deepest part of the academy." "May ganun head master?" Gulat na sabi ni Jullia at nag nod nakan si Kuya Jared. "Huh? Uhm~ head master?" "Yes?" "Hindi po akin yun. Much better po kung si Jullia ang utusan nyo." Napakunot naman ang noo ni kuya Jared at nag nod na lang. "Jullia ikaw na bahala." "Okay sir~"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD